Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fetus natagpuan sa basura

ISANG babaeng fetus ang natagpuan sa bunton ng basura na tinatayang nasa tatlo hanggang apat na buwan kahapon ng umaga sa Pasay City.

Dakong 8:00 ng umaga nang makatanggap ng tawag mula kay Barangay Tanod Mercedita Santos, si SPO1 Romeo Pagulayan ng Police Community Precinct (PCP) 2, ng Pasay City Police at ipinabatid ang natagpuang fetus sa harapan ng isang bahay sa Tramo St.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ariel Inciong ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS),  isang scavenger na naghahanap ng mapapakinabangan sa bunton ng basura ang nakadiskubre sa fetus na ibinalot sa isang tela na mukhang basahan.

At nang kanyang busisiin ang naturang tela ay laking gulat na isang sanggol ang kanyang nakita na agad naman ipinagbigay-alam sa mga barangay tanod.

Agad inilagak ng pulisya sa Rizal Funeral Homes ang fetus habang nagbigay ng abiso ang pulisya sa sinomang nakakita sa nagtapon ng fetus na ipabatid agad sa pinakamalapit na police station.     (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …