Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, Bangs, at Isabelle, at home sa indie films

PAREHONG sang-ayon sina Ellen Adarna, Bangs Garcia, at Isabelle Daza na mas fulfilled sila sa pag-arte sa mga indie film.

Sa pagbubukas ng Sineng Pambansa National Film Festival noong September 7 sa SM Mall of Asia, sinabi ng tatlong aktres na kakaibang hamon ang nararanasan nila dahil lalo silang nahahasa sa pag-arte.

Bida si Ellen sa Ang Tag-Araw ni Twinkle na ang papel niya ay isang drug addict samantalang si Bangs ay bida naman sa Lauriana bilang kabit ng isang sundalo.

Si Isabelle ay kasama sa Lihis na bida sina Joem Bascon at Jake Cuenca. Papel niya ay isang guro sa kuwento tungkol sa pag-iibigan ng dalawang rebeldeng NPA.

“I was a drug addict when I was young so I can relate to the role,” ayon kay Ellen na nagsabing nakipag-ayos na siya sa kanyang ama na kanyang nilayasan dahil sa kanyang adiksiyon sa bawal na gamot.

“My love scenes sa Lauriana were done artistically,” ayon naman kay Bangs. ”Allen (Dizon) and I underwent a workshop para ma-internalize kami sa mga role namin since the movie is set in the 50s. It’s a story of how women then were abused by their husbands. I can say na ‘Lauriana’ is the most challenging project I did because na-challenge ako sa istorya at sa role ko.

“I did a lot of research because of my role sa ‘Lihis’,” ani Isabelle na proud sa kanyang papel sa pelikula dahil nakatrabaho niya ang kanyang inang si Gloria Diaz.

Palabas sa lahat ng mga SM Cinemas ang mga pelikulang kasali sa Sineng Pambansa hanggang sa September 17.

Bagong teleserye ni Nadine, natetengga

KINOMPIRMA ni Nadine Samonte  na tapos na ang taping ng kanyang teleseryeng When I Fall in Love kasama sina Nora Aunor at Tirso Cruz III na malapit nang mapanood sa TV5.

Ngunit ayon sa kanya, wala pang inaanunsiyong airdate ang nasabing teleserye.

“I understand na baka by October magsisimulang umere ang show namin nina Ate Guy at Tito Pip,” pahayag ni Nadine nang kinausap namin siya sa Araneta Coliseum habang nanonood ng basketball. ”Gusto kasi ng TV5 na i-promote nila ang mga bagong weekend show.”

Idinagdag ni Nadine na tatapusin muna ng TV5 ang  Undercover  ni Derek Ramsey bago magsimulang umere ang kanyang teleserye.

Bukod sa soap nina Nadine, ilulunsad din ng TV5 ang bagong primetime teleserye ni Ogie Alcasid.

Magsisimula na rin sa September 14 ang bagong gag show nina Ogie at Gelli de Belen at kinabukasan naman ay aarangkada na ang The Mega and the Songwriter nina Ogie at Megastar Sharon Cuneta.

James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …