MASAYA ang Lunes ko kahapon.
Inihain na kasi sa Office of the Ombudsman ang mga kaso laban sa mga sangkot sa PORK BARREL scam sa pangunguna ni Janet Lim Napoles. Inuna na rin kasuhan ang tatlong SenaTONG na sina Sens. Juan Ponce “Happy ka” Enrile, Jinggoy “Sexy” Estrada at Ramon “Bong” Revilla, Jr., Sa kapal ng mga dokumentong nakalap ng National Bureau of Investigation (NBI), hindi ko alam kung paano makalulusot ang mga nabanggit na ‘HONORABLE’ lawmakers.
Kung paniniwalaan natin ang isa pang uma-ming mandarambong na ngayo’y ‘BAYANI’ pa na si Benhur Luy, tumataginting na 50 porsiyento o kalahati ng inilabas na Priority Development Assistance Fund (PDAF) ang umano’y bumalik at ibinulsa ng mga mambubutas, este mambabatas. Grabe ha! Dati-rati 30 porsiyento lang ang KICKBACK sa government projects kaya nahihilaw ang mga semento sa kalsada. Ang diskarte sa PDAF mas grabe at talagang karumal-dumal. Walang proyekto sa inilabas na pera ng gobyerno. Tsk. Tsk.
Ang ilan sa non-government organizations (NGO) na nakinabang sa mga PDAF ng “tatlong hari” ay ang Social Development Program for Farmers Foundation, Inc. (SDFFI), National Livelihood Development Corp. (NLDC), at Countrywide Agri and Rural Economic Development Foundation Inc. (CARED), at ganoondin ang Agricultura para sa Magbubukid Foundation Inc. (APMFI).
Sampung porsiyento ang napupunta sa implementing agency gaya ng Department of Agriculture. Limang porsiyento naman sa mga CHIEF OF STAFF ng mga senador, isang porsiyento sa presidente ng NGO at mga incorporator.
Pihadong walang lusot ang mga senador at TONGresman dito dahil malinaw na ang money trail ng nadiskubre ng NBI.
Ano ang sabi ninyo, mga sir? Pineke ang mga lagda ninyo?
Weh! ‘Di nga?
ZAMBOANGA SIEGE
SIMULA PA LANG NG GULO
Sa malamang tapos na o malapit nang matapos ang sigalot sa pagitan ng pwersang ng gob-yerno at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City habang isinusulat ko ito. Pero sa tingin ko, nagsisimula pa lamang ang isa na namang malawakang kaguluhan sa Mindanao bunga ng pagdedeklara ni MNLF chairman Nur Misuari ng INDEPENDENCE. Mahigit 50 na ang namamatay sa MNLF at may ilan din namatay sa panig ng military at pulis. Sayang ang buhay, mga kanayon. Sinasalo ng mga kababayan na-ting Muslim at mga sundalo ang palitan nila ng bala samantala lumalangoy sa kayamanan ang mga taong sangkot sa PORK SCAM.
Ang tanong: Hanggang kailan ba talaga titigil ang karahasan sa rehiyon? Matatapos ba ito ng pagpirma sa final peace agreement sa MILF? Susundin kaya ng MNLF ang anomang mapagkasunduan?
Maraming ethnic groups at tribo sa Minda-nao. Bawat isa ay may kanya-kanyang kinikilalang lider. Bawat grupo ay may kanya-kanyang galaw. Malalim ang isyu at hindi ito matatapos lang ng isang ordinaryong PIRMAHAN. Nangyari na ito noong 1996. Pero wala rin.
Panahon na para pagtuunan ng seryosong pansin ng gobyerno ang kabuhayan ng mga kapatid nating Moro, Muslim at Kristiyano sa Mindanao. Kung walang nagugutom, walang mag-iisip maghimagsik.
Joel M. Sy Egco