Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

SK officials walang holdover

KAPAG pumasa ang panukala ng Mababang Kapulungan ay walang aaktong Sangguniang Kabataan (SK) officials sa mahigit 42,000 barangay sa buong bansa.

Ito ang mangyayari kapag ang nanaig sa bicameral conference committee ng Kongreso ay ang bersyon ng Kamara na malinaw na walang holdover o pagtutuloy ng pag-akto ng kasalukuyang SK officials sa lahat ng konseho mula sa barangay patungo sa probinsya.

Kapag nagtagumpay ang bersyon ng Kamara ay tiyak na mawawalan ng tinig ang kabataan sa pamahalaan lalo’t ang gusto ng Mababang Kapulungan ay tatlong taon ibinbin ang SK polls.

Masyadong unfair ang naturang panukala dahil parang tinanggalan na ng pakikilahok ang mga kabataan sa pag-ugit ng ating lipunan lalo’t ang sektor na ito ang may pinakamalaking bahagdan na sa ating populasyon.

Tamang ireporma ang SK pero malinaw na hindi tamang mawalan sila ng representasyon sa pamahalaan kaya’t mas dapat manaig ang bersyon ng Senado sa bicameral conference committee na mayroong pagtutuloy ng mandato ng SK officials hangga’t magkaroon sila ng kapalit.

Ang masakit kasi sa SK ay nahatulang pangkalahatang ang naturang sektor dahil hindi naman lahat ng mga opisyal nito ay kurakot at walang ginagawa.

Kaya nga pabor ang nakararami sa pagrereporma at pag-aaral ng SK dahil panahon na para dagdagan ito ng mga sistema na titiyak na nagagastos ang pondo nito sa tama at napakikinabangan ng kabataan.

Hindi pa tapos ang bicameral conference committee kaya’t dapat mag-isip ang ating mga mambabatas na kakatawan sa Kamara at Senado dahil ang desisyon nila ang bubuhay at papatay sa pakikilahok at pagpapartisipa ng kabataan sa ating pamahalaan.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

arrest, posas, fingerprints

2 magkasangga arestado sa kasong homicide; sumpak at bala nakumpiska

NAARESTO ng mga operatiba ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos magsagawa ng operasyon para …

Junar Labrador Martir Sa Golgota Lou Veloso

Junar Labrador, nagbabalik bilang Pilato sa “Martir Sa Golgota”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBINALITA sa amin ni Junar Labrador na muli niyang gagampanan …

Jojo Mendrez Ronald Carballo

Jojo Mendrez ipinatitigil pagpapalabas ng interview niya kay Direk Ronald Carballo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAY nagtsika sa amin na sa naging guesting pala ni …

Rain Gibbz

Concert ni Rain Gibbz matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang Birthday Concert ng singer na si Rain Gibbz, ang Saranghae: Rain Gibbz …

Nadine Lustre

Nadine hinangaan magandang hubog ng katawan

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media si Nadine Lustre habang nakasuot ng classic lace string bikini …