Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ombudsman: Social media vs katiwalian

HINIHIKAYAT ni Ombudsperson Conchita Carpio–Morales ang mamamayan na gamitin ang social media sa pagbulgar sa mga katiwalian sa gobyerno.

Say ni Madam Conchita, na isang retiradong associate justice ng Korte Suprema, kunan lang ng piktyur ang mga katiwalian at i-post sa internet at kanila itong -iimbestigahan.

Naniniwala si Madam na ligtas, madali at mabisang paraan ang social media para maisiwalat ang nangyayaring -anomalya sa gobyerno.

Opo! Nakikita naman natin kung paano naorganisa ang “A Million March” kontra pork barrel system na sinundan pa ng “Edsa Tayo” tapos “Balik Luneta” na dinaluhan ng netizens at maging OFWs ay nag–oorganisa rin ng kanilang grupo thru social media para manawagan sa gobyernong P-Noy na buwagin nang -tuluyan ang pork barrel system.

E, Madam… ‘yung ipinakita sa TV footage na mga butas-butas na combat shoes at punit-punit na mga uniporme ng militar na nakikipagbakbakan sa MNLF rebels sa -Zamboanga City ay imbestigahin n’yo na rin kung saan ba napunta ang budget para sa uniporme ng ating mga sundalo …

Isa pa nga pala, ano na ba ang nangyari, Madam -Conchita  sa kasong isinampa ng Commission on Audit (CoA) -regarding sa daan-daang ‘ghost employees’ sa Manila Vice Mayor’s Office?

Netizens, let’s do it!

Ubusin na ang rebeldeng MNLF

-Sir Joey, comment ko lang dito sa bakbakan sa -Zamboanga ay ubusin na ang mga rebeldeng MNLF ni Misuari. Hulihin buhay man o patay sila. Kahit kaming mga sibilyan ay handang lumaban sa mga halang ang mga kaluluwa na yan. Armas lang ang kulang sa amin. Sana magkaisa tayo! – 09183752…

Oo, nakalulungkot na 52 na ang patay sa pitong araw nang bakbakan na ‘yan. Kawawa ang mga naiwang pamilya ng mga biktima ng digmaang ‘yan lalo na ang mga -sibilyang nadamay sa putukan. Tsk tsk tsk…

Reklamo sa Abuyog

Penal Colony

– Report ko po dito sa Penal Colony-Abuyog. Dapat -tanggalin ang mga taga-overseer dito dahil kahit may mga asawa na  dumadalaw ang mga bigtimer (preso), nagpapapasok pa rin sila (overseer) ng mga kabit ng bigtimer dahil binabayaran yung taga-gate na guard. ‘Di ba bawal yun? Huwag nyo po ilathala ang number ko.  – Misis ng preso

Nagkalat na private towing

sa Maynila

– Joey, nagkalat po na ang mga private towing sa -Maynila. Mahal pa ang towing nila. Wala namang resibo. Dito po yan sa Quiapo, Morayta, United Nations, Pedro Gil, -Mabini, Kalaw at kung saan-saan pa. Hila lang sila nang hila. -Panahon ni Mayor Lim bawal ang towing sa Maynila. – 09464251…

Kung pasok sa obstruction ang mga hinihila o tino–towing, tama lang. Pero dapat may resibo!

Malabong makulong

ang mga sangkot sa pork

– Sir, hindi po ako naniniwala na makukulong ang mga sangkot sa pork scam na yan, maimpluwensya po ang mga yan eh… pero kahit na hindi sila maparusahan dito sa lupa, tiyak ko po naman na syut sila sa dagat-dagatang apoy sa impiyerno oras na mamatay sila!!! – 09198807…

Shabuhan sa Baesa, Caloocan City

– Report ko po sa kinauukulan na dito sa Ruby Vill sa Barmat St., Brgy. 160, Baesa, Caloocan City ay may shabu tiangge. Talamak na po talaga ang mga tao dito sa -pagtitinda ng bawal na gamot (shabu). Wala man lang ginagawang aksyon ang mga pulis dito. Malapit lang po ito sa police block. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

Paging Mayor Oca Malapitan, paki-aksiyonan ang -report na ito, Sir!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …