“TWO much,” ito ang simpleng post ni Marjorie Barretto sa kanyang Instagram account walong araw na ang nakalipas.
Isang follower ni Marjorie ang nagpapapansin sa kanya sa pamamagitan ng sunod-sunod nitong tanong at suggestions sa nangyaring gusot sa pamilya nila.
Ayon kay @mauiireyes, “Magkapatid pa rin sila. Iisa ang pinanggalingan.”
Kaagad na sagot ni Marjorie, “@mauiireyes I’m sorry, what are you talking about?”
Sunod-sunod pa ang comments ng may handlename na @mauiireyes—”Kahit gaano pa kasama ang kapatid, kadugo mo pa rin yan.”
Dagdag pa niya, “She needs help talaga. At sana umpisa ‘yan sa inyo na mga kapatid n’ya. Down na nga s’ya, lalo n’yo pa dinadown…”
Dugtong pa nito, “Im a big fan of Barretto sisters. Nakalulungkot lang na ganito ang mga nababasa ko, napapanood ko @marjbarretto. Tatlo rin kaming magkakapatid. Hindi kami perfect family. May up and downs din. Tatlong babae at ako ang bunso. Sa mga post at comment sa social media…At least naipararating ko ang nararamdaman ko. Sana maayos n’yo at matulungan @si Claudine.”
Kasunod pa niyang komento, “Pinanood ko lahat ng movies ni Claudine. Liker ako sa lahat ng posts n’yo ni miss Gretchen. Fan ako ng mga anak n’yo…ibinibigay ko lang ang opinion ko gaya ng ina.”
Tugon dito ni Marjorie, “@mauiireyes Please tell me…You say she needs help talaga… Please suggest, how can I help her? How do you want me to help?”
Singit na comment ni @mauiireyes, “kaya sana maayos…”
Dagdag pa ng dating Caloocan City Councilor, “@mauiireyes Paano ko sya Dinadown?
Kasunod pang comments ni @mauiireyes, “wag natin sisihin ang mga magulang nila…Sino ba namang magulang ang may gusto na magkaproblema ang anak nila.”
“@marjbarretto sa sitwasyon ngayon ni Claudine…She really needs help. Kung aalay man kayo, be discreet na lang. Kawawa naman. Alam ko kayo ang mas ok ang buhay ngayon. At alam ko rin na may mali na talaga kay Claudine…Kung naging kapatid ko lang sana s’ya at mayakap…Kahit gaano pa ang tanggi n’ya sa support na ibibigay n’yo, kapatid n’yo pa rin kasi…”
Sagot ni Marjorie, “@mauiireyes How do you suggest I help her?”
Pinanuaipaparretto. Tatlo dpanu JOEY18likulaonique itika. “ang mga kamag-anak na pasukin din ito.kakilalang manonood ng pelikuIlang followers ni Marjorie ang nagtataka na rin sa gustong maging punto ni @mauiireyes.
Kasunod na comment ni @mauiireyes, “Hindi sya nakatatawa…nasa point lang talaga na kailangan n’ya ng tulong…Kapamilya pa rin nila sila. Sino ba naman ang unang masasaktan kundi kapamilya rin.”
Dito ay muling giit ni Marjorie kung anong klaseng tulong daw ba ang maaari niyang gawin. Aniya, “@mauiireyes Please answer my question…How do you want me to help her? Please be more specific. Thanks.”
Tugon muli ni @mauiireyes, “@marjbarretto Habang nagtatype ako ma’am, naiiyak ako kasi kahit gaano pa s’ya kasama, kahit gaano pa katigas ang ulo n’ya, kapatid n’yo pa rin kasi…sana maayos nyo…Expected na matigas ‘yan.”
Dugtong pa niya, “Mapride yan. Ayaw tumanggap ng tulong from you…Pero deed inside her, she really needs the yakap of her ates…”
Isa namang commenter ang tila hindi nagustuhan ni Marjorie ang comment pero burado na ito sa timeline ng comment section ng nasabing posts.
Ani Marjorie, “@annieganda28 Please don’t make up a dramatic story like that. That did not happen that way. Pang pelikula ang story mo. Thanks for your advice but you don’t know what you’re talking about.”
Dagdag pa niya, “@annieganda28 Please don’t make up a stories as dramatic as that. Walang nangyaring ganyan, sounds like a good script for Maalaala Mo Kaya. Thanks for your advice but first you have to know what you are talking about. In reality, what you are saying that I should do is not possible.” (ARNIEL SERATO)