Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie at Echo, naghahanda na isang comedy show

MUKHANG may preparasyon na si John Lloyd Cruz sa nilulutong sitcom para sa kanya dahil sasabak siya sa comedy show kasama si Jericho Rosales.

Magsisimula ang tawanan kasama si Echo bilang guest star ng sitcom na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Vhong Navarro, at Ai-Ai delas Alas. Sa Toda Max, gumanap si Echo bilang isang sikat na celebrity chef na si Sir Chef, na darating sa Beverly Gils para i-promote ang cooking show niyang Be Careful With My Cooking. Doon ay nakilala niya si Justin (Vhong Navarro) na nag-apply para maging assistant chef. Ang kaso, sa pagtatrabaho nila, may nalamang sikreto si Justin tungkol sa celebrity chef na nakasisira sa kanyang career.

Samantala, si Lloydie naman ay kasama ng mga paboritong bulilit ng Pinoy TV sa sikat na kiddie gag show na Goin’ Bulilit. Kasama si Lloydie sa mga gag at nag-guest star siya sa segment ni Aaliyah Belmoro n Mutyaya ng Masa at sa How? How? With Islawkasama si Clarence Delgado.

Para rin makasabay sa mga kasalukuyang nababalitaan, up-to-date rin inihatid na balita ng cast ng Banana Split: Extra Scoop noong Sabado (Setyembre 14). May mga pagbubunyag din tungkol sa pagbubuntis ni Melai Cantiveros. Pinag-usapan din ang kakatapos lamang na Star Magic Ball at gumanap pa bilang si Janet Napoles si Donya Bading (Jayson Gainza).

Sa hit teen series naman na LUV U ay may conflict din na kinailangang ayusin. Naisip ni Marj (Mika dela Cruz) na panahon na para pagbatiin ang mga kaibigan niyang sina Lexie (Alexa Ilacad) at Shirley (Sharlene San Pedro) sa kaaway nilang grupo na the Breakers na sina Benj (Nash Aguas), Drake (Jairus Aquino), at Archie (Kobi Vidanes).

Huwag palampasin ang panonood ng Toda Max at Banana Split: Extra Scoop.        (ROLDAN CASTRO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …