Friday , January 10 2025

Bakit masama ang laro ng TNT

Dalawang koponan lang ang malalaglag pagkatapos ng maikling single-round eliminations ng 2013 PBA Governors Cup.

Kung natapos kagabi ang elims, ay nalaglag na ng tuluyan ang Talk N’ Text na may dadalawang panalo pa lamang sa pitong laro.

Marami ang nagtataka kung bakit ganito kasama ang performance ng Tropang Texters sa season-ending tournament. Magugunitang naghari ang Talk N’ Text sa Philippine Cup at nakarating ito sa semis ng nakaraang Commissioners Cup kung saan natalo ang Tropang Texters sa crowd favorite Barangay Ginebra San Miguel.

Kung titingnan maige ay malaking bagay para sa Talk N’ Text ang pangyayaring nagsakripisyo ito at ipinahiram sina Jayson Castro, Jimmy Alapag, Larry Fonacier at Ranidel De Ocampo sa Gilas Pilipinas.

Hindi nakasama ang apat na ito sa paghahanda ng Talk N’ Text para sa Governors Cup.

Pero maipagkakapuri naman ng Talk N’ Text ang sakripisyong ginawa nito dahil sa sumegunda ang Gilas Pilipinas sa Iran at nakakuha ng slot para sa World Championships na idaraos sa Spain sa susunod na taon.

Hindi kaagad nakapaglaro ang apat na manlalarong nabanggit sa simula ng Governors Cup. Bukod sa mga ito ay out for the rest of the season si Kelly Williams na nasa Estados Unidos at nagpapagaling buhat sa blood disorder.

Unti-unting nakabalik ang apat na Gilas Pilipinas members subalit kulang pa rin sa chemistry ang koponan ni coach Norman Black kung kaya’t patuloy silang nangangapa.

Matitindi ang dalawang nalalabing katunggali ng Tropang Texters sa elims.

Makakalaban nila ang defending champion Rain or Shine sa Miyerkoles samantalang ang crowd favorite Barangay Ginebra San Miguel ang kanilang huling makakaharap sa Setyembre 22.

Must-win ang sitwasyong kinalalagyan ng Tropang Texters. Kung malulusutan nila ang dalawang teams na ito ay baka makasingit sila sa quarterfinals kung saan tiyak na nasa bottom half sila ng standings at makakaharap nila ang kalabang may twice-to-beat advantage.

Pero kung masisilat ang Talk N’ Text ng minsan sa dalawang huling laro, ay mamamaalam na sila sa season.

Maraming nagsasabi na hindi naman daw lubhang masasaktan ang team owner na sa Manny V. Pangilinan dahil nasa cloud nine pa ito bunga ng tagumpay ng Gilas Pilipinas.

Pero malaking dagok iyon para sa isang koponang dumomina sa huling limang seasons ng liga.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Bambol Tolentino POC

POC naghahanda para sa unang medalya sa Winter Olympics sa Harbin Games – Tolentino

MAGPAPADALA Ang bansa ng 20-miyembrong koponan sa ika-siyam na edisyon ng Asian Winter Games na …

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *