Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, 2 mos. hindi kumain ng kanin (Para paghandaan ang pagrampa sa Cosmo Bash)

TANONG ng bayan kung ano ang ipakikita ni Alden Richards  t his year sa Cosmo Bash na gaganapin sa September 24 sa World Trade bilang cover boy ng naturang magazine?

“Mas less damit,” pilyong sagot ni Alden.

Almost two months na raw hindi kumakain ng kanin si Alden.

Pero may mga pagkakataon daw na hinahanap-hanap niya ang kanin.

“After Cosmo po roon ko totodohin. Kahit hindi naman todo rice pero’ pag masarap ‘yung ulam hindi maiwasan, like adobo.”

Paborito rin ni Alden ang binagoongan, dinuguan, at bopis. Kahit gulay kinakain niya maliban sa menudo.

“Lahat po ipakain ninyo na sa akin huwag lang menudo. Hindi ko po alam eh, iyon  lang po ang, ewan ko basta narinig ko ang word na menudo, whoa!

“May bad experience po kasi ako sa menudo, eh. Bata pa po ako noon, seven years old siguro basta hindi ko po alam kung bakit pero lumabas sa ilong ko ‘yung menudo, parang lumabas po ‘yung giniling. Actually ‘yung giniling at menudo, ayoko po.”

Paano kung halimbawa ay may babaeng nililigawan siya at ang challenge para sagutin siya ay kumain siya ng menudo?

“Kaya naman po kaya lang,” sabay akting ni Alden na nagsusuka.

Paghuhubad sa Sunday show, tinutuligsa

Sa Sunday All Stars ay napapansin din na madalas siyang maghubad sa mga production number nila.

“Oo nga po eh. Pinaghububad  po ako pero siguro babawasan ko po kasi may ibang  hindi  magagandang comments. Well, ako naman po kaya po ako pumapayag sa ganoon is for the betterment of the group, para rin naman po masabing nag-all out performance kami. Pero I’m just doing it for the show and for the group and not for anything else,” aniya pa.

Kung siya ang papipiliin ng susunod niyang makakapareha na leading lady na hindi pa niya nakakapareha.

“Barbie Forteza!. Oo nga eh, si Madam luka-luka ‘yun eh. Madam tawag ko sa kanya, eh,” sey pa niya.

“Magaling siya, nagkasama  na po kami sa Maynila isang  episode iyon so parang na-experience ko siya as an actress tapos ‘yung relationship namin off-cam bilang very good friends pagsamahin doon sa isang soap tapos ipag-pair up kami parang feeling ko po magiging okay ‘yung results.”

Okey ba sa  kanya makarelasyon ang mas bata sa kanya gaya ni Barbie?

“I prefer po kasi older women.”

Ilan sa mga binanggit niya na  gustong makatrabaho ay sina Alessandra   De Rossi at Mylene Dizon.

“Sobra pong magaling na aktres (Mylene)! I’ve heard na, kasi po we’re doing ‘10,000 Hours’, mayroon daw pong eksena si Miss Mylene, ‘yung scene na kukunan was heart attack scene so patay-patayan ‘yun, iyak- iyakan. Bago ‘yung scene na ‘yun nakikipag-usap siya sa producer, sa direktor, tawanan sila, tawanan. Actors in, action, ‘yung instant, parang on and off switch na, ang galing talaga, eh!”

Payag daw si Alden kung magkakaroon sila ng lovescene ni Mylene.

“Of course if okay lang din kay Miss Mylene, it’s up to her and ako naman po as of this point wala po akong right na mag-inarte sa kahit na anong hingin sa script kasi I’m just starting lang po.”

May naughtiness din naman daw si Alden.

“Lahat naman po tayo may kaunti,” sey pa niya sabay tawa.

Tsuk!

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …