Friday , December 27 2024

Alcala resign – Lawyer

091613_FRONT

HININGI kahapon ng abogadong si Argee Guevarra ang pagbibitiw ni Department of Agriculture (DA) Secretay Proceso Alcala matapos mapag-alaman sa pagdinig ng Mababang Kapulungan nitong Huwebes na hindi kakayaning maabot ng bansa ang target na maging self-sufficient sa bigas ngayon taon.

Sa ulat, inamin ng mga opisyal ng Department of Agriculture na kukulangin ng higit sa 2.5 milyong metriko toneladang (MT) bigas ang produksyon ng bansa ngayon taon kompara sa target para sa 2013. Kasabay nito, napag-alaman din na kakailanganin ng bansa na umangkat ng 500,000 MT bigas upang matustusan ang pangangailangan hanggang matapos ang kasalukuyang taon.

Salungat ang pag-aming ito ng mga opisyal ng Kagawaran ng Pagsasaka sa mga kasapi ng House Committee on Agriculture at ng House Special Committee on Food Security sa paniniguro ni Alcala sa publiko noong Marso na “hindi tayo madidiskaril sa ating mithiing makamit ang kasapatan sa produksyon ng bigas bago matapos ang taon kasalukuyan.”

Sa harapang pagtatanong ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano kung kakayanin ng bansa na maging sapat ang produksyon sa bigas ngayon taon, ang sagot ni Assistant Secretary Romeo Recide ng Bureau of Agricultural Statistics ay “the answer is no.” Bilang katunayan umano, kakailanganin pa natin umangkat ng kalahating milyong metriko toneladang bigas upang mapunan ang pangangailangan ng bansa.

Ang Food Staples Self-Sufficiency Roadmap (FSSR) 2011-2016, na ibinalangkas ng DA at ng NFA ay nagtatadhana sa 21 milyong MT bilang target sa produksyon ng bigas upang tuluyang matamo ang mithiin sa kasapatan ng nasabing produkto. Ang pinakamalaking maaaring anihin ng ating bansa, ayon sa ulat na ibinigay ni Recide sa mga kasapi ng dalawang komite ng Mababang Kapulungan, hanggang matapos ang taon ay aabot lamang sa 18.45 million MT bigas.

Sa kabila ng pag-amin ng BAS, sinabi ni National Food Authority (NFA) Administrator Orlan Calayag, kahit malaki ang kakulangan ng bansa sa produksyon ng bigas, maaabot pa rin ang kasapatan sa suplay nito dahil “may sobra pang dalawang milyong metriko tonelada sa ating imbentaryo mula sa nagdaang taon.” Agad kinontra ni Alejano ang paliwanag ni Calayag.

Ang “rice self-sufficiency ay tungkol sa produksyon ng bigas ng ating bansa, hindi sa kasapatan ng suplay nito. Kasapatan para sa ating bansa ang pinag-uusapan dito na ang tinutukoy ay ang kakayahan natin sa produksyon ng bigas na sapat sa ating pangangailangan,” ayon kay Alejano.

“Ibig sabihin, binigo ninyo ang self-sufficiency program dahil hindi ninyo naabot ang target,” diin ng mambabatas.

Si Alejano ang may-akda ng House Resolution No. 247 na nagpatawag ng pagsisiyasat.

“Hindi nagsisinungaling ang numero lumalabas na ang 500,000 MT na binabanggit ni Recide ay ang aktwal na kakulangan natin sa suplay ng bigas kahit pa nga may sobra pang imbentaryo mula noong nagdaang taon,” ani Guevarra na dumalo bilang resource person sa naturang pagdinig.

“Sa usapin ng produksyon, mahigit dalawa’t kalahating milyong metriko tonelada ang hindi kayang anihing bigas. Ito ay ayon sa mga itinatadhanang target at datos ng pamahalahaan.”

Idinagdag ni Guevarra na “nakahihiya ito sa Pangulo. Isang kahihiyang ang Kalihim ng Pagsasaka pa ang may dulot, dahil sa kabiguang tuparin ang mga paulit-ulit na ipinangako sa Pangulo,” ayon kay Guevarra na naglahad sa mga anomalya sa pag-aangkat ng bigas ng DA at NFA nitong Abril lamang ngayon taon.

“Ang masama nito,” ani Guevarra, “nagtangka pa si Alcala na pagtakpan ang mga kabiguang ito ng kanyang ahensya sa mata ng Pangulo sa pamamagitan ng mga mali at mapanlansing datos at paninisi sa mga ‘di-pinangalanang grupo.”

“Marami na ang napagbalingan ng sisi sa higit na pagkakamli. Gawin sana ni Alcala ang mas marangal na hakbang. Dapat na siyang magbitiw,” panawagan ng abogado,

Mula sa mga datos halaw sa estadistika ng DA, magiting na idineklara ng Pangulo sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address noong Hulyo na “nasa target” ang bansa alinsunod sa itinadhana ng rice self-sufficiency roadmap.

Inamin din ni Calayag sa pagdinig na ipinatawag ng dalawang komite sa Mababang kapulungan ang kasalukuyang pagpapatupad ng programa sa rice self-sufficiency ay lalong nagpataas ng presyo ng bigas.

“Dahil ang ating bigas ngayon ay locally procured, kahit iyong nasa pribadong sektor na nanggagaling ang suplay ng bigas sa Isabela, ito ay nakadaragdag pa ng piso sa kada kilo ng bigas bago pa man dumating ang bigas sa Kalakhang Maynila,” pahayag ni Calayag sa dalawang kumite.

“Sa kanilang sariling pananalita na mismo nanggaling na kulang ang ating produksyon o ani at paubos na ang ating suplay. Ngayon, may ganito pang pag-amin na nakadagdag sa pagtaas ng presyo ng bigas ang programa nilang ipinapatupad? Kailangan na talagang magbitiw ni Alcala,” hirit ni Guevarra.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *