KABILANG na rin ang Hong Kong sa mga nagdeklara ng travel ban laban sa Filipinas dahil sa kaguluhan sa Zamboanga City.
Ayon sa latest advisory ng HK government, hindi lamang sa Zamboanga pinagbabawalan ang kanilang mga kababayan kundi pati na sa buong Filipinas.
Ang abiso ay iba pa sa travel alert na dati nang ipinaiiral kaugnay ng nangyaring Manila hostage incident noong Agosto 2010 na walong HK tourist ang binawian ng buhay.
Bukod sa HK, nauna na ring naglabas ng travel warning ang United States of America, Australia, United Kingdom at Canada para sa kanilang mga kababayan na nagbabalak bumiyahe sa Zamboanga City at mga karatig na lugar.