Friday , May 9 2025

Sentido kumon

NAPAKAINIT ng isyu ngayon tungkol sa tinatawag na sampung bilyong pisong pork barrel scam na kinasasangkutan ng umano’y mastermind ng katiwaliang ito na si Janet Lim Napoles. Sari-sari ng opinion at komentaryo ang nabasa at narinig na natin tungkol sa usaping ito. Hindi pa man nakakasuhan nang pormal itong si Janet Napoles, pero sa persepsiyon ng publiko ay kondenado na siya. Ibig sabihin ay guilty na siya.

Sa panig naman ng aspetong legal, siyempre, si Janet Napoles ay itinuturing sa ngayon na inosente hangga’t hindi ganap na napapatunayan ang mga ibinibintang sa kaniya. Mahaba ang proseso tungkol dito. Kung tatangungin natin ang mga eksperto sa batas, ang pinakamaikling panahon na matatapos ang kasong ito ay pitong taon at hindi pa tayo nakatitiyak kung si Napoles nga ay mapaparusahan sang-ayon sa itinatadhana ng batas.

Bakit sa pananaw ng publiko ay hindi mapasusubaliang totoo nga ang mga bintang dito kay Janet Napoles? Dahil sa ang pinagbabatayan ng mga tao ay ang sentido komun, praktikalidad o makatotohanang pananaw.

Ang batayan ng publiko ay ang maraming magagara at multi-milyong halaga ng mga bahay, iba’t iba pang mga ari-arian at ang maluho at marangyang pamumuhay nito pati ng anak niya.

Ang paliwanag niyang galing ang malaking kayamanan niya sa mga lehitimong negosyo ay hindi pinaniniwalaan ng taumbayan at itinuturing na insult sa intelihensiya ng mamamayan.

Samakatuwid, kapag ang pag-uuspan at sa puntong legal, si Janet Napoles ay inosente pa sa ibinibintang sa kaniya (ni wala pa ngang pormal na kaso sa hukuman). Pero kung ang pag-uusapan naman ay sentido komun, praktikalidad o realidad – ngayon pa lang ay may hatol na sa kanya ang taumbayan. Kaya bagay na bagay ang magiging legal na salita na PEOPLE OF THE PHILIPPINES V.S. JANET LIM NAPOLES. Kaya ang magiging matinding kalaban ni Napoles dito ay ang opinyong publiko.

Huwag nating kalimutan na sindi si Janet Napoles lang ang, kung sakali, ang dapat na maparusahan. Papaano iyong ilang senador, kongresista at ilan pang opisyal ng gobyerno na mapatutunayan na sabuwat ni Napoles sa malaking katiwaliang ito? At diyan sa katanungang iyan ay magkakaroon na kayo ng ideya kung gaano magiging katagal ang kasong ito. Subali’t gaya nga ng nabanggit na natin sa unahan, sa mata ng publiko ay totoong kasangkot nga ang ilang mga senador, kongresista at iba pang opisyal ng pamahalaan. Simple lang ang batayan – SENTIDO KOMUN.

Para sa mga katanungan at suhestiyon ay tumawag o mag-text sa 0927-713-10-49.

ni Peter Talastas

About hataw tabloid

Check Also

050825 Hataw Frontpage

Nasunog na bahay sa QC ‘hinihinalang’ POGO hub

ni ALMAR DANGUILAN INIIMBESTIGAHAN ang posibilidad na ginawang POGO hub ng dating kawani ng POGO, …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Frankie may panawagan sa lahat ng mayor sa Pilipinas

MA at PAni Rommel Placente NAGPATAWAG ng mediacon ang mag-inang Roselle at Atty. Keith Monteverde …

Nora Aunor Bongbong Marcos Ian de Leon Matet de Leon

Nora muling binigyang pugay ni PBBM, Lotlot nagpasalamat

MA at PAni Rommel Placente NOONG Linggo, May 4, ay binigyan ng posthumous award ni …

Diego Loyzaga Sue Ramirez In Between

Diego inaming naiingit kay Sue

RATED Rni Rommel Gonzales DERETSAHANG sinabi ni c na loveless siya ngayon. ”My life has …

Marikina Comelec Maan Teodoro Marcy Teodoro

AICS, medical assistance ipinamudmod
MAAN AT MARCY ‘DINAGUKAN’ NG COMELEC SA TALAMAK NA VOTE BUYING
May DQ na, may Show Cause Order pa

KASUNOD ng disqualification case, binulaga ang mag-asawang Teodoro ng Marikina City nitong Martes, 6 Mayo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *