Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mitchell planong palitan ng TNT

DAHIL sa 122-88 na pagkatalo kontra Petron Blaze noong isang gabi, pinaplano na ng Talk ‘n Text na pauuwiin na ang import nitong si Tony Mitchell.

Nalimitahan si Mitchell sa pitong puntos sa laro kontra Blaze Boosters at dahil dito, nanganganib ang TNT na maagang magbakasyon sa PBA Governors’ Cup.

Inamin ng team manager ng Tropang Texters na si Aboy Castro na nag-aalala si coach Norman Black sa pagiging buwaya ni Mitchell kaya nasisira ang diskarte ng koponan.

Pinabangko ni Black si Mitchell sa unang bahagi ng ikatlong quarter kaya tuluyang nakalayo ang Boosters.

“We just wanted more energy so we took him (Mitchell) out. We tried that, pero lumobo na ng husto ang lamang. Tambak na,” wika ni Castro. “We’ll take a look (mamaya kontra Air21) and see how it goes. Ganun talaga eh. Parang playoff basketball lang iyan, that’s why nung tambak na kami we rested him (Mitchell) and Ranidel (de Ocampo).”         (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …