Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Industriya ng karera ipakikilala ng PHILRACOM sa publiko

Isang makabuluhang araw ang pagtutuunan ngayon ng pansin ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa ilulunsad na tatlong araw na Kabisig government agency Expo na gaganapin sa Setiyembre 16 hanggang 18 sa S.M.Fairview.

Opo mga kaibigan, makikiisa po ang Philracom sa gaganaping expo upang ipakilala sa publiko kung ano ang horse racing sa bansa.

Sasama sa parada ang hinete at kinatawan ng Philracom na gaganapin dakong alas-10 ng umaga hanggang ala-7:00 ng gabi ang  Philracom at magkakaroon ng sariling booth para sa naturang event.

Naroon din ang mga unipormadong hinete  upang ipakilala ang kanilang propesyon  bilang mananakay ng kabayo.

Imumulat sa mamamayan na ang industriya ng karera ay hindi sugal, nais ipakita at ipaalam sa mamamayan na dadalo sa expo na lumilikha ito ng P1.34 bilyon na kita sa buwis at 5,000 na direktang trabaho.

Nais din ipakita ng Philracom ang kanilang mga programa gaya ng scholarship program, medical assistant  at blood letting activity.

Napapanahon na para sumama sa ganitong okasyon ang Philracom upang ipakilala ang horse racing na isang libangang pampamilya na pinatatakbo ng tatlong naggagandahang racing club sa Batangas at Cavite.

Inaasahan din na dadalo sa naturang okasyon ang mga opisyal ng komisyon upang pangunahan ang promotion sa karera.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …