BUKOD sa nagpapakilig sa atin tuwing umaga ng mag-sweethearts na sina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap) ay isa pa sa character na kinaaliwan ng televiewers sa kilig serye at No. 1 Daytime Show in the Philippines na “Be Careful with My Heart” ay si Mamang Conchita (Divina Valencia) na gumaganap na lola nina Maya at Cristina Rose “Kute” dela Rosa. Yes, malakas kasi ang dating ni tita Divina sa serye na laging energetic at maingay sa kanyang mga eksena kaya naman ‘di siya puwedeng ‘di mapansin rito. Super na-sad ang lahat dahil kung kailan malapit nang ikasal ang kanyang apong si Maya kay ser Chief ay saka pa pumanaw si Mamang Conchita. Nalokah ang buong cast at production Team ng “Be Careful with My Heart” dahil nag-trending worlwide ang pagkamatay ng veteran actress at nagluksa talaga ang buong bayan. Mayroon pa nga raw nag-email sa staff ng morning teleserye na nag-re-request na buhayin nila si Mamang Conchita kasehoda na multo na lang ito. Aba! Isa lang ang ibig sabihin n’yan marami pa rin fans si tita Divina na kinilala bilang primera-klaseng bold actress noong dekada ‘70 at pati netizens ay binigyan siya ng pansin. Samantala labis s’yempreng ikinalungkot ng mag-iinang Teresita (Sylvia Sanchez), Maya at Kute ang paglisan ng masayahin nilang kapamilya. Sayang at hindi na masasaksihan pa ni Mamang Conchita ang pag-walk the aisle ng kanyang magandang granddaughter kapag inihatid na ni Ser Chief sa altar. Mapapanood ang Be Careful, mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN 2 pagkatapos ng Minute To Win It at tuwing Sabado 10 a.m. sa kanilang Saturday Rewind.
Tita Divina bongga, ang comeback mo gyud!
Maricel At Eugene Patalbugan At Pabonggahan
Sa Much Awaited Comedy Movie Na “Momzillas”
Kung pagbabasehan natin ang minu-minutong trailer ng “Momzillas” nina Maricel Soriano at Eugene Domingo na ipinapalabas sa Kapamilya network dahil gawang Star Ci-nema at Viva Films. Aba’y very positive kami na tatabo sa ta-kilya ang nasabing latest co-medy masterpiece ng comedy blockbuster director na si Wenn V. Deramas. Tiyak na pag-upo pa lang ng movie-goers sa sinehan sa grand opening day nito sa Sept. 18 (Wednesday) ay tiyak na hindi sila pwedeng di matawa. Yes, ilang dekada nang pinatu-tunayan ni Maricel ang husay niya sa komedya tapos this time kasama pa niya ang tini-tingala rin comedy royalty na si Eugene aba’y siguradong walang dull moment sa bawat eksenang inyong mapapanood sa Momzillas. Kuwento nga ng Dia-mond Star sa entertainment press na dumalo sa kanilang grand presscon maituturing niyang malaking blessing ang bagong project. Wala raw silang ginawa ni Uge at mga co-star na sina Billy Crawford at Andi Eigenmann kundi tawa nag tawa lang sila. Masaya ang lahat kaya madali nilang natapos ang pelikula na parang ‘di nagso-shooting. Ma-liban sa kanyang pagiging supportive sa mga co-actor pinupuri rin ng cast ang pagiging professional ni Maria na super aga raw talaga kung dumating sa set. Well, magandang senyales ang pagiging inspired ngayon ni Maricel ibig sabihin tuloy-tuloy na siyang mapapanood ng kanyang mga fans na hanggang ngayon ay minamahal pa rin siya. Actually hindi ito first time na magkasama sa isang film sina Maria at ang Rough Diamond Star na si Eugene. Nauna na silang nagsama noon sa Bahay Kubo na kumita rin sa takilya. At sa pagkakataong ito naniniwala si direk Wenn na sa sobrang ganda ng materyal ng Momzillas ay susuportahan sila ng publiko. Kokompleto sa cast ng Momzillas sina Joey Paras, Candy Pangilinan, Atak, Paul Jake Castillo, Mel Martinez, Luz Valdez, Eagle Riggs at Divina Valencia.
Eat Bulaga ‘Di Natitinag
Sa Mataas Nilang Ratings!
Kung ang feeling ng iilang detractors ng Eat Bulaga Dabarkads ay mapapatumba na nila ang nasabing noontime variety show ay nagkakamali sila. Kung ano-anong issue na ang ipinukol mula pa noong dekada ’80 sa Bulaga pero hanggang ngayon ay nanatili silang matatag at di natitinag sa mataas nilang ratings. Paano mas pinahahalagaan sila ng kanilang mga manonood lalo ‘yung kanilang pagbibigay-aliw at pagtulong araw-araw kaysa mga intrigang wala naman silang mapapala. Matatalino na ang mga viewer ngayon at hindi na sila madadala sa tsimis no! Mas feel nilang pumila sa Bayahinan of ‘Da Pipol, at mag-pray at umasa na maka-bonus sa sugod-bahay sa Barangay at Lucky Truck na ginagawa na ngayon sa labas ng Brodway Studio, sa Broadway Centrum. Aliw na aliw rin ang lahat sa tatlo pang segment ng show na Ikaw At Echo Ka-Voice ni Idol, Pinoy Henyo at ang masayang-masayang “Ang Joke Ko!”
Peter Ledesma