Saturday , May 10 2025

Anim-na-libong pisong katarungan para sa mga pasahero ng MV Thomas Aquinas

00 Bulabugin
TOTOONG walang nagnanais na lumubog ang isang barko lalo na ang mga may-ari nito.

Ayaw ng may-ari na lumubog ang barko dahil s’yempre perhuwisyo sa negosyo nila ‘yan.

Pero mas lalong ayaw ng trahedya ng mga pasahero para sa sarili nila at sa mga mahal sa bu hay kaya nga pumipili sila ng magagandang barko o ferry tuwing maglalakbay sa karagatan patungo sa kanilang destinasyon.

Pero kapag may nangyaring ganyang insidente normal na magbayad ang may-ari ng barko o ferry sa mga biktima.

At sa bahaging ito, sumasama ang loob ng mga pasahero at kaanak ng mga namatay na pasahero ng ferry ng 2GO (MV THOMAS AQUINAS) na nakabanggaan ng cargo vessel ng MV Sulpicio Express nakaraang Agosto 17 (2013).

Alam n’yo bang ang nais lang ipagkaloob ng 2Go sa mga biktima at sa kaanak nila ay P6,000 at kapalit nito ay pinapipirma pa sa isang waiver na pinalalaya na nila sa anomang responsibilidad ang kompanyang 2GO ni MANNY PANGILINAN?!

Hindi ba naiisip ng 2Go na hindi ‘PERA’ lang ang pinag-uusapan dito kundi ang pakiramdam na hindi lang basta nakikiramay kundi ang maiparamdam sa kanila na humihingi ng paumanhin ang may-ari ng ferry sa mga biktima at kaanak nila?!

E ‘yang inaalok ng 2Go na P6,000 ay isang malaking ‘INSULTO’ sa mga survivor, biktima at kaanak nila at pagkatapos ay palalagdain sa waiver?!

Hindi n’yo na nga maiparamdam ang taos puso ninyong paghingi ng paumanhin at pag-aalala ‘e ginagawa pa ninyong mukhang timawa ‘yung mga tao.

Sa laki ng insulto nga ng mga pasahero at kaanak ng mga namatay ay sumulat sila kay Mr. Manny Pangilinan. Pero mukhang ‘wala-wala lang’ dahil kahit na sagot na ‘HINDI’ ay walang nakararating sa kanila.

Lumapit sila sa television network na GMA7 at TV5 pero mukhang TINABLA lang talaga sila.

Ang kabuuang bilang ng pasahero ng MV Thomas Aquinas ay 752 katao kabilang na ang mga bata at sanggol plus 118 crew.

Sa huling ulat, lampas na sa 100 ang na-recover na bangkay sa nasabing trahedya …

Pero hanggang ngayon ay wala pa rin balita ang mga pasaherong nakaligtas at mga kaanak ng biktima kung mararamdaman ba nila ang malasakit ng 2Go.

MR. MANNY PANGILINAN, magbayad ka nang tama!

ATE SHAWIE PARANG PONCIO PILATO NA NILINIS ANG PANGALAN NG ASAWANG SI SEN. KIKO  SA  PAGGAMIT NG PORK BARREL

NAGMUKHA ngang PONCIO PILATO si Ms. SHARON CUNETA-PANGILINAN nang tila ‘nilabhan’ ang kanyang asawang si Sen. KIKO PANGILINAN at kung paano niya gastahin ang PORK BARREL na nakalaan sa kanya.

Ayon kay Ms. Shawie na inihayag niya sa kanyang Twitter account, hindi raw misused ang pork barrel ng kanyang husband.

“His (Pork barrel) was well-accounted for, napunta sa lahat (nang) dapat puntahan.”

Pero sa 462-pahinang special report ng Commission on Audit (COA), maraming kwestiyonableng pinondohan si Sen. KIKO sa kanyang PDAF/PORK BARREL 2007-2009.

Mayroong P7.3 million procurement umano para sa barangay office equipment sa Quezon City pero walang proper documentation ang nasabing transaksiyon.

Mayroon din P1,063 milyon na ipinambili umano ng Apple Macbook laptop, Nikon DSLR camera, laminating machine, Sharp DVD player, Sony digital cameras, 19″ Samsung LCD monitor at iba pa.

Nagbayad din umano si Sen. Kiko ng halagang P186,000 sa isang trading company na “not legally nor physically existing.”

Kwestiyonable din ang P2-milyon construction projects para sa Barangay South Triangle at Kamuning QC pero walang release disbursement vouchers.

Ang feeding program at distribution ng medicines na nagkakahalaga ng P599,000 pero hindi naman nangyari.

O ayan po Madam Shawie.

Ang dami palang kwestiyonable sa Pork Barrel ni Sen. KIKO ‘noted.’ Ikaw naman kasi dapat hindi ka na nagsasalita sa mga bagay na ‘yan kasi hindi mo naman talaga alam kung ano ang pasikot-sikot n’yan.

Please shut your mouth na lang kapag trabaho na ni Sen. KIKO ang pinag-uusapan.

Hindi naman teleserye ‘yan.

At ngayong alam mo na mayroon din problema si “Mr. Noted” sa kanyang pork barrel lalo na noong panahon ni GMA, ‘e pagsabihan mo na lang …

Pagsabihan mo na ‘wag niyang diskartehan ang pera ng sambayanan.

‘Di ba Ms. Shawie?!

JERRY ZUNGA PARA KAPITAN SA GUADALUPE NUEVO, MAKATI

BUMABALIK daw po ang mga ZUNGA sa pamamagitan ng kanilang utol na si JERRY para makapaglingkod sa Barangay Guadalupe Viejo sa Makati City.

Noong panahon ng utol ni JERRY na si NOEL ZUNGA, walang problema sa PEACE & ORDER sa kanilang lugar.

Mga lehitimong negosyante at franchisee ng limang outlet ng Jollibee at mayroong pang 20 dollar exchange outlets, nagagawa ng mga Zunga na sagutin ang pansahod sa mga barangay tanod at iba pang empleyado na hindi na kailangan pang tustusan ng Makati City.

Walang nagaganap na holdapan, rape sa Guadalupe MRT station at iba pang uri ng krimen sa nasabing barangay.

Sa pagbabalik ng mga ZUNGA sa pamamagitan ni JERRY, umaasa ang mga taga-Barangay Guadalupe Viejo na muling manunumbalik ang peace and order sa kanilang lugar.

Mga taga-GUADALUPE VIEJO kayo po ang magpapasya n’yan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *