Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Bogs Adornado kasama sa draft (PBA D League)

NAGPALISTA ang anak ni dating PBA MVP William ‘Bogs’ Adornado para sa kaunaunahang rookie draft ng PBA D League na gagawin sa Setyembre 19.

Kasama si Josemarie Adornado sa 16 na manlalaro na nais makapaglaro sa D League na ang bagong season nito ay magbubukas sa Oktubre 24.

Kasama ang batang Adornado sa Team B ng Ateneo Blue Eagles.

Bukod kay Adornado, ang iba pang nagpalista sa draft ay sina Chris Banchero ng San Miguel Beer ng ABL, Fil-Australian Mark Franco, Robert Angelo Packing ng Far Eastern University (Team B), Alejandro Adovas (STI), Michael Camposagrado (Divine World College of Abra), at Krist Edward Pao (University of Cebu).

Unang pipili sa draft ang Cafe France at kasunod nito ang Cebuana Lhuillier, Boracay Rum, Big Chill, Blackwater Sports, NLEX, Cagayan Valley, Hog’s Breath at Jumbo Plastic, ayon sa pagkakasunod.

Lottery naman ang gagamitin para sa mga bagong koponang papasok sa D League.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …