Friday , April 4 2025

Maricel at Uge, nag-away dahil sa lalaki!

RIOT sa katatawanan ang mga eksenang magaganap kina Maricel Soriano at Eugene Domingo sa pelikulang Momzillas ni Direk Wenn Deramas ng Star Cinema at Viva Films. Nakakaloka ang bawat scenes ng dalawang mommies tuwing nagkikita sila, salpukan to the highest level.

Walang pakialam sina Maria at Uge na magtalakan, magsabunutan, at magpagulong-gulong sa semento in front of madlang pipol. Hindi alam nina Billy Crowford at Andi Eigenmann na dating mag-best friend ang kanilang mommies bago sila naging mortal enemy nang dahil lang sa lalaki.

Sa shooting, natural ang acting nina Uge at Maria. Ibabato lang ni Direk Wenn ang dialogue sa kanila at isang malinis na rehearsal, take na agad. Perfect ang tandem at chemistry ng dalawa, parehong magaling sa comedy. Hindi sila nagpipilit magpatawa, sila mismo ay matatawa ka na dahil sa anik-anik nilang reaction. After the take, magtatawanan ang buong production staff sa eksenang kinunan kina Uge at Maria. Maging sila ay natatawa sa kanilang ginawa.

Magaling pa rin sa comedy si Maria. Naroon pa rin ‘yung husay niya bilang komedyana. Nasa timing kung magbitiw ng dialogue, walang ipinagbago. Sobrang nag-enjoy ang Diamond Star habang ginagawa niya ang Momzillas. Kahit tapos na ang kanyang mga eksena, nagbababad pa ito sa shooting para makipag-bonding sa kapwa niya artista at makipag-kuwentuhan kay Direk Wenn.

Maging si Uge, hindi matatawaran ang naiibang husay at galing sa larangan ng pagpapatawa. Sa out fit palang, movements at facial reaction, sasakit na ang tiyan mo sa katatawa. What more kapag nag-emote na ito at nagsimula nang magbitiw ng dialogue, maaaliw kang talaga kay Rough Diamond Star na si Eugene.

Idagdag rekado mo pa sa Momzillas sina Joey Paras, Candy Pangilinan, Atak, Lazzy Marquez, Paul Jake Castillo, Charles Yulo, at Mel Martinez, malilimutan ninyo ang inyong problema kahit panandalian lamang dahil sa sayang dulot nila.

Medyo nahirapan si Direk Wenn ibalanse ang character nina Uge at Maria. Kailangan pantay lang ang bigat ng kani-kanilang role pati na rin ang exposure ng dalawang actress-comedianne. Kahit first time idinirehe ng award-winning director si Mary, happy ito sa kinalabasan ng kanilang pelikula kaya’t may follow-up agad movie si Mary, ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy with Vice-Ganda under Viva Films at Star Cinema under the direction of Deramas.

Eddie Littlefield

About hataw tabloid

Check Also

JM Ibarra Fyang Smith Sylvia Sanchez Nova Villa Ces Quezada Bodjie Pascua

Fyang at JM may serye na may Korean movie pa

MATABILni John Fontanilla MUKHANG tuloy-tuloy na nga ang pagsikat ng tambalan nina JM Ibarra at Fyang Smith dahil bukod …

Gloria Diaz Miss Universe

Gloria Diaz sa beauty pageant — It’s not an IQ contest, nawawala ang natural

RATED Rni Rommel Gonzales MAY karapatan si Ms Gloria Diaz bilang pinakaunang Pilipinang Miss Universe (1969) na magbigay ng …

Ruru Madrid

Ruru naaksidente, litid sa alak-alakan napuruhan

MA at PAni Rommel Placente ISINUGOD sa ospital  si Ruru Madrid  matapos magkaroon ng injury habang nagte-taping …

Kris Aquino

Kris Aquino humingi ng dasal; lupus flare fever 2 linggo na

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY muli ng update ang TV host-actress na si Kris Aquino tungkol …

Anne Curtis Bam Aquino

Kandidatura ni Aquino ‘binasbasan’ ng ‘Diyosang’ si Anne nang makita sa NAIA

PERSONAL na naipaabot ni Anne Curtis (matapos magpahayag sa X, dating Twitter), ang pagsuporta kay dating Senador at independent …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *