Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joey, humanga kay Michael sa magandang pagkaka-awit ng kung sakali (Most requested songs pa at humahataw sa airwaves!)

NAKATUTUWANG naririnig na regularly ang second single ng tinaguriang Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan entitled Kung Sakali (na pinasikat ni Pabs Dadivas noong deka 80) sa iba’t ibang radio stations lalo na sa dalawang sikat na FM stations—ang Love Radio at Yes! FM.

Maraming kaibigan ang natuwa sa ganda ng pagkakakanta ni Michael nang kantahin niya ang likha nina Joey de Leon at Vic Sotto. Naging instant hit nga ang awiting ito sa mga music lover making it sa listahan ng mga most requested song.

“Hanep sa ganda ang version ni Michael na ito ng ‘Kung Sakali’. Iba ang hagod niya,” pagmamalaki ni Joey nang minsang marinig niya ang nasabing kanta sa Mismo program nina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz sa DZMM.

“Lahat ng songs niya sa album ay nakakikilabot sa sobrang ganda. Pero with ‘Kung Sakali’, malamang na maging superstar na ang batang iyan. Ganda sobra ng pagkakakanta niya. Nakatutuwa naman at naririnig ko na sa radio ang song. I’m so proud of him,” sambit naman ni Papa Ahwel.

Tuwang-tuwa rin ang fans ni Michael lalo na ang Michael’Overs na walang puknat ang pagsuporta sa bagets. Updated talaga sila sa lahat ng aktibidades ng matinee singer natin who is tagged as the Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala.

“Ang galing kumanta ni Michael. I know one when I hear one. Kaya tinatayaan ko ang batang iyan—talagang malayo ang mararating dahil magaling, sobra,” pagmamalaki naman ni Vehnee Saturno na grabe ang mata for a music star.

“Pambato namin sa ‘Walang Tulugan’ sa kantahan si Michael kaya napapansin niyo, palagi siyang may solo spot. He has gained so much confidence as an artist,” ani Kuya German Moreno.

“I enjoyed recording with Michael when we added ‘Dance With My Father’ sa album niyang ito with Star. Hinabol lang kasi namin ang song na iyon. And gosh! What a voice! Iba ang timbre. At ang anda ng attitude niya as an artist kaya mabilis naming nai-record ang song kasi nga kuhang-kuha niya agad. Galing ni Michael,” sambit naman ni Jonathan Manalo, ang music executive ng Star Records.

Anyway, sa Michael Pangilinan: Bakit Ba Ikaw? CD Lite album ay nakapaloob pa ang mga awiting Bakit Ba Ikaw? (carrier single), Ang Saksi Ko (both peened by Vehnee Saturno), Kung Sakali, Dance With My Father (specially arranged for him by Jonathan Manalo), at Umagang Kay Ganda (duet nila ng belter na si Prima Diva Billy) plus a music video of Bakit Ba Ikaw? Mabibili na ang album sa Odyssey, Astroplus, at SM stores nationwide.

Bukod sa album, magkakaroon din ng mall tours si Michael kaya abangan natin ‘yan.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …