Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enchong at Enrique, may kompetisyon?

HINDI kataka-taka kung sabihing may kompetisyon sina Enchong Dee at Enrique Gil dahil sa kanilang teleseryeng Muling Buksan ang Puso na pinagbibidahan din ni Julia Montes, handog ng Dreamscape ng ABS-CBN2. Paano naman, tila sa kanila naka-focus ang mga eksena ngayon sa teleserye.

Kailangang ipakitang mabuti nina Enchong at Enrique kung sino sa kanila ang magaling umarte samantalang sa teleserye ay patalbugan sila sa panunuyo kay Julia. Ang mga tagpong ito’y tila nakakapagpaalala sa amin ng mga eksena nina Coco Martin at Paulo Avelino sa Walang Hanggan.

Sa nakikita naming performance nina Enchong at Enrique, hindi nagkamali ang ABS-CBN sa pag-build-up sa kanila bilang ultimate leading man at versatile actor.

Kaya masasabing malaking challenge kay Enrique ang maka-eksena ang mga dekalibreng actor na sina Susan Roces, Cherie Gil, at Agot Isidro idagdag pa ang mga eksena niya kay Daniel Fernando na gumaganap bilang ama niya.

Samantalang si Enchong naman ay na-challenge na kaeksena si Christopher de Leon bilang lider ng sindikato na napasukan niya.

Sa pagtatapos ng Muling buksan ang Puso, hindi kataka-takang naka-develop na naman ang ABS-CBN2 ng matitinik na leading man.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …