BAGAMAT tinaguriang Comedy Queen’ si Ai Ai delas Alas mula nang pumasok siya sa sitcom na Toda Max ng ABS-CBN 2, hindi siya apektado kung sinabi man ni Eugene Domingo na “the original Comedy Queen is back” sa katauhan ni Maricel Soriano.
Ang title raw ay kusang ibinibigay ng tao at mataas daw ang respeto niya kay Maria.
‘Yun na!
Eugene, wala sa vocabulary na ‘makipagtikiman’
ZERO pa rin ang lovelife ni Eugene Domingo. Sa tanong sa kanya kung may sex pa rin siya kahit walang boyfriend, ang sagot niya ay, “’Yun namang tanong na ‘yun, napakabobo, ‘di ba? Siyempre, wala!”
Wala sa vocabulary ni Eugene na makipagtikiman kahit walang relasyon. So, feeling virgin siya ngayon.
Anyway showing na sa September 18 ang Momzillas na pareho silang bida ng Diamond Star na si Maricel Soriano. Mula ito sa direksiyon ni Wenn Deramas.
‘Lam mo na!
Wally, tiyak na makababalik pa rin sa EB!
TAHIMIK na hinaharap ng Dabarkads ang eskandalo na napasukan ni Wally Bayola.
Tama lang na pansamantalang mawala muna sa sirkulasyon si Wally hanggang lumamig ang isyu. Madali namang makalimot ang Pinoy at nakasisiguro kaming makababalik ang isang katulad niya na talented at propesyonal sa trabaho.
Hindi rin siguro kagustuhan ni Wally na kumalat ang naturang video.
Pero lahat naman tayo ay nagkakamali. Lahat naman tayo ay may dumi sa katawan.
Anyway, kung pagdusahan man ni Wally ang eskandalong ito, darating din ang panahon na makababawi siya at magiging aral ang maling nagawa.
‘Di ba?
Derrick, Young Achiever for Entertainment & Arts ng Golden Globe Annual Awards
CONGRATS kay Derrick Monasterio dahil tatanggap siya ng award sa Golden Globe Annual Awards sa September 29 bilang Young Achiever for Entertainment & Arts. Gaganapin ito sa Manila Hotel.
Sa pagiging abala ng young actor ay naglalaan din siya ng oras bilang Youth Ambassador ng National Youth Commission.
Hindi pasaway si Derrick at laging iniisip na ‘wag madungisan ang image niya bilang Youth Ambassador. Nagbibigay siya ng mga proyekto para makaiwas sila sa mga masasamang bisyo gaya ng sports.
Tsuk.
Roldan Castro