“Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be terrified; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go.” —Joshua 1-9
DAGSA ang mga sumbong at reklamo na natatangap natin mula sa ating mgaavid readers.
Mga complaint na nais nilang iparating sa ating Presidente Joseph Estrada, kaugnay sa mga pang-aabuso nagaganap sa Lungsod ng Maynila.
***
NANINIWALA ang ating mga avid readers na gagawa ng aksyon si Presidente Erap, kapag nakarating sa kanyang tanggapan ang mga sumbong at hinaing ng mga taga-Maynila laban sa mga abusadong kawani at opisyal ng city hall.
Ayaw natin humantong pa sa bayolenteng paraan gaya ng naganap na pambubugbog sa mga tauhan ng Hawkers na pinamamahalaan ni Danny Sta.Maria, kamakailan.
***
KAYA sa ating munting kolumn nais natin ipa-rating kay Presidente Erap upang magawan ng aksyon, kung maaari sa maayos na solusyon.
Alam naman natin na hindi niya ito kukunsintihin kung si Presidente Erap lang ang masusu-nod. Pero dahil mayroon mga nasa kanyang paligid na bulong ng bulong na akala mo ay totoo, dito dapat mag-ingat si Presidente Erap.
Narito ang ilan sa mga ipinadala sa atin complaint:
grapalan prin po ang kotongan d2 s divisoria sa aming mga vendors, kung gs2 n’yo mlaman dpat mgsibilyan ang maniktik d2——091697344+++
Chairwoman maiprating sna kay Myor erap n lingguhan po ang nata2gap ng isang pulis trapik n si Carlos, hwak po nya mga colorum, 3k po ang bgay sa kanya ng mga FXs d2 s Magallanes——number witheld
Che, nagya2bang ang grupo ni Letty n hnde dw cla nta2kot kay Pangulong Erap dhil nktimbre nman dw cla s MTPB, kya khit ilan beses cla mdyaryu wla cla takot dhil nka2pit cla kay……..—anonymous
Astig po tlga i2 c ariel n tumatyong Presidente ng mga vendors d2 sa Arroceros, dhil c ric ibay dw ang ngbgay s knla ng basbas kya d cla maaring mplayas sa Bonifacio shrine. Abusado rin ang knyang asawa c Gemma. Pati mga kariton n hwak nman ni Barok ay nktambak lng sinalaula npo nila ang shrine. Bumuo ng asosasyon un pla habol “tong” s amin!—09328848+++
Akala kpo b ay wla ng kotongan s Maynila, bkt d2 s mga drayber ng SM-San Miguel at SM-Taft hinihingan ang mga drivers ng 3K linggo-linggo? Utos dw ng isang konsehal. Sna mkrting ito ky Mayor Erap—09275646+++
Che, dpat kumilos na c myor erap, tinatarantado n cya ng ilang opisyal s cthal, kng c lito atienza ang twag, lhat akin, ngaun s opisyal na ito gs2 lhat lhat ng inyo akin prin! Sugapa cla s pera ng bayan! —francisco ng Tundo
NAWA’Y makarating ito sa ating Presidente Erap. Ang lahat ng mga sumbong sa atin ay hindii naman gawa-gawa o imbento. Never po tayong nagsulat ng kasinungalingan, ang lahat ng ating sinusulat ay totoo at may batayan.
Mga kabarangay, alam ko hindi bingi o bulag si Presidente Erap, hintayin natin ang kanyang mga pagkilos sa susunod na mga araw.
Wait and see tayo!
NO FEAR!
BUKOD sa mga sumbong, patuloy pa rin ta-yong nakatatangap ng pagbabanta na kesyo ganito na kesyo ganoon na kesyo babawiin daw ang ating mga kayamanan na galing umano sa Lawton.
Haay naku mga Kabarangay, hindi tayo natatakot sa mga kumag na ‘yan. Mas dapat ako ang katakutan nila, dahil hindi ko sila sasantuhin.
***
DOON sa duwag na texters, harapin mo ako at sabihin mo sa aking harapan ang lahat ng mga pinagsasabi mo sa text.
Patunayan mo ang lahat ng mga pinagsasabi mo, dahil kapag walang kang maipakitang pruweba sa lahat ng mga sinasabi mo laban sa akin——sa kangkungan ang punta mo!
***
A short background lang po mga Kabarangay, ang inyong Lingkod bago pa man pumasok sa politika sa Barangay ay mayroon na tayong kaunting kayamanan.
Nakapasok na tayo sa iba’t ibang negosyo, gaya ng PX goods, money changer business, stock investment at iba pang uri ng pagkakakitaan. Bukod pa sa dollar pension na ating natatangap buwan-buwan na iniwan sa akin ng yumao kong asawa na isang US coast guard officer.
***
LIKAS kasi madiskarte ang inyong Lingkod at naniniwala tayo na kailanman ang tao ay hindi magugutom basta’t kayang kumilos at magtrabaho sa legal na kaparaanan.
Kaya mawala man ang Barangay o anopa-man sa atin, mabubuhay pa rin ang inyong Lingkod. Hindi katulad ng iba riyan na kaya pumasok sa politika ay upang magkamal ng yaman.
Ginagawang negosyo kasi ang politika!
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 09323214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos