Sir Jerry:
Nais ko pong magpasalamat sa inyong aksyon na ginawa at ginagawa upang maiwasto ang anomalya sa bidding sa DPWH equipment.
Sa wakas ay inilipat na si Direc-TONG Gregorio sa ibang Bureau sa DPWH. Si Tess Paculan o Tess Bukulan naman ay nagmamadaling nag-file ng retirement dahil naamoy n’ya na magpa-file ng kaso laban sa kanya ang iba pang bidders na binukulan n’ya.
Si Direc-TONG Gregorio naman ay kinubra pa ang aming maliit na allowance sa TWG at ibinulsa n’ya.
Kami raw kasi ang nagbibigay ng information sa media at binantaan kami lahat na s’ya ang masusunod kung ang usapan ay equipment sa DPWH. Hindi nakarating sa amin ang aming honoraria sa TWG kahit tahasang sinabi ng chairperson ng BAC na ipinare-release na n’ya ang aming honoraria at ito ay kunin dapat kay Direc-TONG Gregorio.
Napakawalanghiyang tao, pero pasalamat na rin kami dahil nawala na s’ya sa amin. Hanggang sa huli, pinalalabas pa n’ya ang notice of award para sa wheel mounted excavator na ini-award n’ya sa civic, gayong hindi rin naman nag-comply sa documentary requirements na nakasaad sa bidding documents.
Pabaon ba ‘to sa kanya? Milyon ang tinanggap n’ya rito.
Muli ang aming pasasalamat. (name withheld upon request)
MARAMING salamat din po sa inyo … sa inyong pagsisikap at katapangan na harapin ang isang tiwaling opisyal na gaya ni Director Gregorio.
Sa inyo po kami kumukuha ng mga impormasyon at lakas ng loob para panindigan ang aming mga isinusulat. Kaya nga po masugid naming sinusuportahan ang Freedom on Information (FOI) Bill. Naniniwala kaming mga mamamahayag na mas madaling masusupil ang korupsiyon kung magkakaroon ng access sa impormasyon ang media at ang sambayanan.
Sana po ay tularan kayo ng ibang ahensiya ng ating pamahalaan na mayroong namamayaning katiwalian.
Tama po ang ginawa ninyo. Kung sino ang nakaaalam ng katiwalian sa loob ng isang ahensiya ng pamahalaan ay sila dapat ang manguna sa pagpapabatid nito sa madla.
Mabuhay po kayo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com