Monday , April 14 2025

Si Tanda, si Sexy at si Pogi sa Blue Book ng ‘Pork Barrel’ Queen

00 Bulabugin
PLEASE don’t do a NONNATUS, do an ANGIE REYES instead.

Ito ang gustong ipakiusap ng sambayanan sa mga mambabatas na nangulimbat sa pamamagitan ng pagmaniobra ng sarili nilang ‘pork barrel’ patungo sa pekeng non-government organizations (NGO) ni Janet Lim  Napoles.

Ayon mismo sa whistleblower na dating empleyado ni Napoles, mayroon silang limang notebooks na naglalaman ng ebidensiya laban sa kanilang dating  boss.

Ang limang notebook na iba-iba ang sukat at kulay ay listahan ng cash transactions, properties, bank accounts at iba pang impormasyon kaugnay ng operasyon ng Napoles business company – ang JLN Corp.

Inamin mismo ng dating tauhan ni Napoles na siya mismo ang naglilista ng nasabing records mula.

Sa unang blue notebook, naroon ang tala na P20 milyon ang napunta sa isang “KUYA” mula sa NGO na hawak ng whistleblower.

Aniya, ang “Kuya” at ang “Sexy” ay code names para kay Senator Jinggoy Estrada. Ang “Pogi” ay kay Sen. Ramon ‘idol ko si pdaf’ Revilla, Jr., habang ang “Tanda” naman ay para kay Sen. Juan Ponce Enrile.

Mismong si Napoles umano ang pumili ng mga code name na ‘yan para sa mga nasabing Senador.

‘E how about Senator Gringo Honasan?

Lumabas sa pinakahuling pagbubunyag  na P195 milyon ng P428.5 milyon pork barrel ay napunta sa Philforest noong 2011. Umabot naman ng P40 milyon noong Agosto 2011 at P100 milyon noong Disyembre 2011 ang napunta sa FDGFI.

P50 milyon naman sa WFI noong Pebrerro 2011 at P5 milyon sa PFI noong Disyembre 2010.

‘Yang mga NGO na ‘yan ay kabilang sa mga NGO na iniimbestigahan ngayon ng Commission on Audit (CoA).

Tsk tsk tsk … walang-wala talagang DELICADEZA.

Pakiusap lang, huwag gayahin ng mga taong walang delicadeza ang ginawa ng nagbitiw na NBI Director na si Atty. Nonnatus Caesar Rojas, dahil wala silang karapatan.

Ang gayahin ninyo si Angie Reyes!

Naalala nga natin noong gisahin sa Senado ang nasirang Defense Secretary Angelo Reyes, isa kina Tanda, Sexy at Pogi ang gustong-gusto siyang idiin dahil sa pagkakasangkot sa anomalya sa ilalim ng Arroyo administration.

Please lang huwag kayong mag-resign … samahan ninyo kung saan man naroroon ngayon si Angie Reyes …

T’yak matutuwa sa inyo ang sambayanan!

CALOOCAN CITY VIDEO KARERA KING OYIE SANGGANG-DIKIT NI MAYOR MALAPITAN?

NAGLALAWAY daw sa inggit ang mga dating may PALATAG ng video karera machine sa Caloocan City kay Video Karera KING OYIE.

Mula nang makopo ni VK KING OYIE ang latagan ng demonyong makina sa Caloocan City ay hindi na niya binitiwan pa ang City Hall.

Ipinagmamalaki ni OYIE ‘d KING na sanggang-dikit daw sila ngayon ni Yorme Oca Malapitan.

Madali sigurong nalalapitan ni Oyie si YORME OCA kaya no wonder na friendship sila.

‘E sabi nga ng isang Bulabog boy natin, sa SOLAIRE CASINO nga lang daw n’ya nakikita si YORME MALAPITAN.

Aba ‘e ang LATAG ng mga demonyong makina ni OYIE, d’yan mismo sa POBLACION, sa harap at likod ng CITY HALL at doon malapit sa headquarters.

Tsk tsk tsk …

NO WONDER …

Ibang klase ka talaga Mayor Oca MALAPITAN pagdating sa 1602, okey na okey sa iyo!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *