Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga beauty queen dadalaw sa GRR-TNT

ABANGAN ang kinoronahang Ms. Philippines Earth 2013 na si Angelee delos Reyesngayong Sabado, Setyembre 7, 9:00-10:00 a.m. sa kinagigiliwang lifestyle show ng GMA News TV na Gandang Ricky Reyes, todo Na Toh (GRR TNT).

Sa pagdalaw ni Angelee sa One On One Gandang Ricky Reyes Salon sa 172 Aurora Blvd., San Juan City ay gagawan siya ni Mader Ricky ng  make over  na lalong magpapalitaw sa kanyang mala-reynang kagandahan.

“Tinuruan din ako ni Mader ng madaling pag-aayos ng buhok at paglalagay ng make-up para sa paglahok ko sa Miss Earth Pageant. Sa competition proper, kasi, walang tutulong sa pag-aayos mo. Kami-kami na lang. We’re left on or own. Thankful ako kay Mader sa mga itinuro niya,” sabi ni Angelee na nangangakong iuuwi niya ang korona, titulo at setro sa nasabing event.

Samantala, may interbyu si Mader sa isang dating actor na member ng That’s entertainment ni Kuya Germs (Moreno). Operada na ang protégée at sa pangalangZyrene Mae Veranona ay nagwaging Miss Gay World 2011 sa Bangkok, Thailand. Maaaliw kayong tiyak sa mga karanasan sa pag-ibig ng transgender na ito.

Mahirap ang buhay ng call center agents na ‘di lang walong oras kundi minsa’y 16 oras ang duty. Ipakikilala sa GRR TNT ang maganda at seksing si Riri Verdol na sa tulong daw ng MX3 capsule, tea and coffee ay nananatiling malusog, malakas, at laging handang magtrabaho ng mahabang oras. Puwede nga siyang manalong Miss Call Center Philippines.

Sasampulan ng former beauty queen na si Peachy Veneracion ang isang paraan ng pagbabawas ng timbang na ang paraa’y non-invasive, walang aray at ‘di nakaaapekto sa kalusugan. Ito ngayon ang kinalolokohan ng mga babaeng laging tipo ang whistle-bait figure.

Lahat ng mga ito at marami pang sorpresa ang hatid ng GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …