SA punto ng feng shui, mainam kung ang sahig ay seamless o continuous sa buong kwarto ng inyong bahay dahil ito ang gagabay sa enerhiya.
Kung mayroong dark stained wood floors sa living room at white tiles sa open concept kitchen, maaaring mapabilis o mabarahan ang daloy ng enerhiya.
Ituon ang pansin sa tatlong main points para sa feng shui energy ng sahig:
*Material
*Color/Stain
*Pattern/Layout
Walang wrong o bad feng shui flooring material (maliban na lamang kung hindi bagay sa lugar). Ito ay talagang magiging poor feng shui choice kung maglalagay ng carpet sa bathroom o kitchen, halimbawa, o cold times sa bedroom, ngunit ito ay common sense lamang at hindi na kailangan pang itanong sa feng shui consultant.
Kaya ang pagpili sa flooring material ay depende sa lokasyon at base sa practical factors (durability, budget, etc).
Lady Choi