Tuesday , February 18 2025

‘Favoritism’ sa BOC Port of Cebu

HINDI NAGUSTUHAN ng mga opisyal at kasapi ng Cebu Customs Media Association (CCMA) ang tahasang pagbalewala ng kasalukuyang pamunuan ng Port of Cebu, Bureau of Customs, na lumalabas na merong FAVORITISM.

Nagulat na lamang si Bong Soriano, pangulo ng CCMA at senior correspondent ng Cebuano daily tabloid na Banat News, nang malaman na meron palang MAGANDANG ACTIVITY kahapon ang mga opisyal ng Port of Cebu kasama na rin ang Sub-Port of Mactan ngunit hindi man lang ipinaalam sa kanya o kahit sa ibang opisyal ng tanging tri-media organization ng mga mamamahayag na kumukuha ng balita sa Aduana.

Ilang mamamahayag na hindi kasapi ng CCMA ang PINASABIHAN ng tanggapan ng district collector sa ilalim ni District Collector Edward dela Cuesta.

Napag-alaman na TUMULONG ang Port of Cebu at ang Sub-Port of Mactan sa mga residenteng biktima ng oil spill sa Barangay Day-as, ba-yan ng Cordova, isla ng Mactan, kahapon ng umaga.

PINANGUNAHAN nina Cebu Customs Deputy Collector for Operation Francis Agustin “Ahmed” Erpe at Sub-Port of Mactan Collector Paul S. Alcazaren ang PAMAMAHAGI NG RELIEF GOODS sa mga apektadong pamilya dahil sa oil spill kasunod ng banggaan ng dalawang barko.

Daan-daang pakete ng bigas, delata at noodles ang IPINAMAHAGI ng mga opisyal ng Cebu at Mactan Customs bilang kanilang SOCIAL RESPONSIBILITY, ayon pa kay Collector Erpe.

SA KABILA NG AGAM-AGAM ng maraming kawani ng Port of Cebu dahil sila ay tahasan din ‘pinalalayas’ sa gusaling nirerentahan sa Customs Port Authority ay nakuha pa rin nilang tumulong at magpasaya ng maraming kapos-palad.

Samantala, pormal nang sinimulan kahapon ng gabi ang 1st CIPU-BOC (Cebu International Port Users-Bureau of Customs) Fellowship Cup 2013 sa Benedicto College Gym, Mandaue City.

Ayon kay SA1 Boodee Monteño, na siyang CIPU-BOC Tournament Director, sa pamamagitan ng kanilang basketball games ay lalong hihigpit ang PAGKAKAISA AT PAGTUTULUNGAN ng mga kawani ng Customs at ng mga empleyado at pa-munuan ng iba’t ibang customs brokerage.

Ang team players ay ang MJDL Customs Brokerage, CANILLAS Customs Brokerage, PLANDO Customs Brokerage, ALIN Customs Brokerage, GLOBAL Carrier, ROLLWAY & LIMASAWA, YNAH Customs Brokerage, at ang CUSTOMS PORTMEN.

Ngayon pa lang ay BINABATI na natin ang mga kasama sa palarong ito na tunay nga na-mang mga MAGINOO pero hindi bastos at nawa’y kumalat pa ang lahi ninyo, he he he!

GREETINGS din sa mga nag-birthday kamakailan at kina Assessment Division chief “Ninong” Carling Corsiga at kanyang deputy chief Atty. Pipo Yutangco, Entry Processing Unit (EPU) chief Chito Manahan, Port Operations chief Coll. Gerry Macatangay, Atty. Christopher Inducil, hepe ng RATS (Run After the Smugglers) Program ng Port of Cebu, RCMG chief SA1 Roland Beting, mga kasangga sa EMVMCO sa pangunguna nina SA11 Kit Alqueza at SA1 Mike Mesina. SULONG LA-HING MAHARLIKA!

Junex Doronio

About hataw tabloid

Check Also

Plantilla position para sa FSL interpreters agenda ng KWF CHR

Batay sa RA 11106 (The Filipino Sign Language Act)  
Plantilla position para sa FSL interpreters agenda ng KWF, CHR

NAGPÚLONG ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Komisyon sa Karapatang Pantao (CHR) hinggil sa …

Pope Francis

Pope Francis naospital dahil sa Bronchitis

IPINASOK sa ospital si Pope Francis sa ospital nitong Biyernes para sa iba’t ibang pagsusuri …

BoC Customs nabuking P1.4B smuggled luxury cars sa Parañaque Pasay

BoC nabuking P1.4B ‘smuggled’ luxury cars sa Parañaque, Pasay

NADISKUBRE ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang ismagel na luxury vehicles na nagkakahalaga ng …

Alexis Castro Bulacan PNP

Nagdulot ng panic sa Bulakeños  
NAGPASKIL NG FAKE NEWS SA SOCMED IPINATAWAG NG BISE GOBERNADOR

NANAWAGAN si Bulacan Vice Governor Alexis C. Castro sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin …

021525 Hataw Frontpage

‘Socialite’ sinupalpal ng gag order ng Makati Court

HATAW News Team INISYUHAN ng Makati Regional Trial Court Branch 144 ng gag order si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *