Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tserman, misis utas sa ambush

KAPWA namatay ang barangay chairman at kanyang misis makaraang tambangan ng hindi nakilalang mga suspek kahapon sa Angadanan, Isabela.

Kinilala ang mga biktimang sina Brgy. Capt. Arnold Pastor at Lailanie Pastor, residente ng Brgy. Loria ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 2:55 a.m. sa nabanggit na barangay.

Nabatid na galing ang dalawa sa pakikipaglamay at pauwi na sa kanilang bahay sakay ng silver Toyota Hilux (UPQ-672), nang sumulpot ang mga suspek at sila ay pinagbabaril.

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung sino ang responsable sa krimen at kung ano ang motibo ng mga suspek.

(J. SINOCRUZ/B. JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …

Gun poinnt

2 sekyu nag-away sa botika, 1 patay

PATAY ang isang security guard nang barilin ng kapwa sekyu makaraang magkapikunan sa pagtulog sa …

Money Bagman

P180-B ‘tinatayang nawawala’ sa ghost flood control projects

MAHIGIT P180 bilyon ang malamang na napunta sa mga ‘guniguni’ o ghost na flood control …

Janah Kristine Zaplan

Janah Zaplan inilunsad awitin kontra-korapsiyon

PINAGHALONG ispiritwal at panlipunan ang konsepto ng awiting kinanta ni Janah Kristine Zaplan, ang O Panginoon, Pangunahan …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …