Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Asan na ang BOC revamp plan?

NASAAN na ang proposed revamp plan na inihanda ni Commissioner Biazon para sa rigodon ng kanyang 54 port collectors?

Tila nabahura sa palasyo sa opis ni Executive Secretary Jojo Ochoa o kaya sa ofis ni Finance Secretary Cesar Purisima. Base sa ulat ni Commissioner Biazon kanya nang naisumite sa ofis ni Purisima for endorsement to Malacañang bago i-review at pagkatapos ibabalik sa Bureau via Department of Finance (DOF) for implementation.

Tila nawala na ang impact ng binabantayan ng marami na hatol sa mga collector. Anim sa kanila ay mga presidential appointee kaya hindi rin sila basta pupuwedeng sibakin kung walang go signal si PNoy. Pero dahil mismong si PNoy ay nagugulahan sa Napoles issue posibleng tumagal lalo ang pagbalasa. Kung sa panabong na manok baka sa kawali ang tuloy nito matuloy man dahil matagal nang walang balasa. Baka nga magmukha pang tinolang manok.

Seriously speaking, napapanahon pa ba na ituloy ang pagbalasa sa last quarter ng taon (September-December) na tinatawag nating “Ber” months. Ito ang season na dagsa-dagsa ang mga importation para sa Christmas holidays.

May kasabihan tayo na why change horse in mid-stream? Kung hahaluin nga naman ngayon ang tabakuhan (reshuffle), baka kakailanganin ang lot of adjustment ng mga collector sa palitan na nagaganap. Advisable pa ngayon? O sa umpisa na lang ng taon 2014?

Isa sa mga dahilan kung bakit may ilang sector sa Bureau na iliban na lang ang pagbalasa ay sapagkat matatapos na ang 2013 at ang performance audit (mayroon ba nito?) kakapusin ng panahon. Paano daw ang attrition law na nagre-require ng performance audit sa buong taon, o every quarter. Magiging kulang ang audit dahil nga hindi maisasama sa “Ber”months.

Total naman, hindi nakukuha iyan sa balasahan. Kung talagang malakas ang importation at magaling ang marketing strategy ni Collector makakukuha ng magandang revenue, okay? Kung fatal naman si collector, ibang usapan na ito.

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …