ANG lucky bamboo ay isa pinaka-popular na feng shui cures. Matatagpuan ang feng shui lucky bamboo sa karamihan sa floral shops sa kasalukuyan.
Gayunman, ang feng shui lucky bamboo ay isa rin sa pinaka-napapabayaan na feng shui cures.
May makikitang feng shui lucky bamboo na halos lanta na at hindi naaasikaso, at ang tanging swerteng naiwan sa kanila ay ang swerteng sila ay buhay pa.
Bagama’t madaling alagaan at very tolerant plant, ang feng shui bamboo ay kailangan pa rin ang pagmamahal at atensyon, nais din nitong maayos ang kanyang hitsura, katulad natin. Huwag matatakot na hawakan ang inyong lucky bamboo at alagaan ito. Ang feng shui bamboo ay ikinokonsiderang maswerte dahil sa tibay at mabilis na paglago nito.
Bakit ikinokonsiderang swerte ang feng shui lucky bamboo?
*Ang bamboo mismo ay amazing plant na magdudulot ng payapa at mainam na enerhiya sa inyong bahay. Ito ay nagtuturo ng ultimate wisdom: kung paano maging flexible, at may butas sa loob, upang malayang makadaloy ang ispiritu upang mapabuti ang inyong kagalingan.
*Kung kayo ay may bambbo na tumutubo sa inyong hardin, maaaring narinig mo na ang banayad nitong tunog kapag hinahampas ng hangin. Ganito rin sa bambbo feng shui wind chimes, gayundin sa enerhiya ng bamboo floors.
Lady Choi