MAY isang restoran somewhere in Manila, at may isang costumer na pumasok and umoder ng isang hot cup of tea at humingi rin nang kalamansi. Ang sagot ng waitress: Sir very lucky kayo. Customer: Bakit?
Dahil nag-iisa na lang daw ang kalamansi nila. “Last kalamansi na po namin ‘yan sir.”
At the same time another costumer enter the restaurant and also ordered hot tea at binigyan naman siya.
Kaya lang may problema, wala nang kalamansi. Kaya ang sabi ng waitress, sorry po sir, naubusan na po kami. Very disappointed at galit na galit ang 2nd costumer.
Nag-suggest naman ang first customer sa 2nd costumer na: “Pare, bakit hindi mo subukan itong napigaan kong kalamansi at baka may mapiga ka pa.”
Ang istoryang ito ay may koneksyon kasi sa dalawang government agencies na ngayon ay nililinis na ng namumuno rito. Ito ay ang BoC at BIR, na itinutuwid na ngayon ang maling kalakaran at mga katiwalian sa nakaraang panahon.
Ang mainit na pinag-uusapan ngayon na eskandalo sa PORK BARREL SCAM ay isang malaking isyu sa bayan. Nagkaroon pa ng malaking rally sa Luneta sa pagkondena sa maling paggamit ng pork barrel.
Ang sabi nila, the Bureau of Customs (BoC) and Bureau of Internal Revenue (BIR) are the most corrupt government agency. Maybe true, pero ang ilang tulisan sa ahensiyang ito ay kumukurakot bago pumasok ang pera sa kaban ng bayan.
Pero ang pork barrel scam, nasa kaban na ng bayan ‘e saka naman nila kinukurakot!
Sino pa ngayon ang pagkakatiwalaan ni JUAN DELA CRUZ?
Ricky “Tisoy”Carvajal