Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, ‘di nag- dalawang-isip sa paghuhubad at pakikipag-lovescene kay Joem

HUBAD kung hubad naman si Jake Cuenca sa Lihis, pati na si Joem Bascon sa papel nila bilang mga lovers in the time of the 70s revolution na mga NPA rebel ang papel nila.

Kasama rin ito sa mga pelikulang matutunghayan sa proyekto ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) sa Sineng Pambansa All Masters Edition sa September 11-17, 2013 sa SM Cinemas na walang mapapanood na foreign film in its duration.

Jake has no qualms about baring. At kaya rin naman daw siya komportable nang kunan ang ‘sangkaterbang love scenes nila ni Joem eh, dahil sa magkaibigan naman sila sa totoong buhay.

“Mga professionals naman kami. Trabaho ito. Tinanggap namin dahil naniniwala kami. Binibigyan lang namin ng hustisya ang kuwento. Mahirap din.  Maraming shots, take one, pero maraming shots. It’s part of it, part of the process. Alam ko naman ang pinasukan ko when I did ‘Lihis’  and Joem knew the same thing.

“I didn’t question anything. ‘Yung piyesa lang napakaganda. Once in a lifetime to work with direk Joel and Ricky Lee. This is the perfect project. Isa siyang masterpiece nina Joel Lamangan and Ricky Lee. I’m ready to do different things. I’m ready to portray a lot of challenging roles. I feel like I have the tools already. Eto na ‘yun.”

Maiisip mo ang Brokeback Mountain pero may iba pa rin siyang nais na ihatid sa manonood—na sabi nga mismo ng Maestro eh, ilang dekada na niyang nakita lalo na noong ‘rebelde’ pa siya.

(Pilar Mateo)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …