HINDI kokonsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na tinaguriang “tago nang tago” (TNT) o ilegal ang pananatili sa Amerika, maaaring tamaan ng bagong immigration policy ni US President Donald Trump. Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Palasyo, binigyan diin ng Pangulo, bilang respeto sa patakaran sa hindi pakikialam ni Trump sa kanyang drug war, iginagalang niya ang …
Read More »Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya
Condom laglag sa DepEd
HINDI papayagan ng Department of Education (DepEd), ang pamamahagi ng condoms ng Department of Health (DoH), sa senior high school students, binig-yang-diin ito ni Education Secretary Leonor Briones kahapon. Aniya, inabisohan niya si Health Secretary Paulyn Jean Ubial hinggil sa kanilang pagtutol sa nasabing hakbangin. Ayon kay Briones, hindi maaaring suportahan ng DepEd ang pamamahagi ng DoH ng contraceptives, naglalayong …
Read More »Puganteng Briton arestado sa Bulacan
KALABOSO ang isang puganteng British national makaraan maaresto ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, kaugnay sa kinasasangkutang kaso. Kinilala ng pulisya ang nadakip na si David Alan Sale, 69, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Silangan, Sta. Maria, ng nabanggit na lalawigan. Ayon kay Supt. Raniel Valones, hepe ng Sta. Maria Police, si Sale ay tinutugis sa mga kasong grave coercion …
Read More »17 packs ng shabu iniwan sa sasakyan
NATAGPUAN ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), ang ilang kilo ng pinaniniwalaang shabu, mula sa isang abandonadong sasakyan sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Atty. Ric Diaz, regional director ng NBI-National Capital Region, nakatanggap siya ng impormasyon isang pulang Nissan Sentra (WNL-700) ang may kargang shabu, sinasabing ide-deliver sa katimugang bahagi ng Metro Manila. Agad …
Read More »Lifestyle check sa PNP inaapura
DAPAT nang isailalim sa lifestyle check ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP). Inihayag ito ni Senadora Grace Poe, nang malantad na maraming tiwaling pulis ang kwestiyonable ang mga ari-arian partikular si SPO3 Sta. Isabel, sangkot sa tokhang for ransom ng Korean trader na si Jee Ick Joo Binigyang diin ni Poe, sa nakaraang pagdinig sa Senado, sinabi ni …
Read More »Kelot kritikal sa tandem
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 54-anyos lalaki makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga. Ginagamot sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Emerito Bilacaol, residente ng Block 10, Lot 24, Tanigue St., Samatad Compound, Dagat-Dagatan, Brgy. 14, ng nabanggit na lungsod. Batay sa ulat ni Caloocan Police deputy chief …
Read More »Lola itinumba ng hired killer (Lider ng informal settlers)
PATAY ang isang 68-anyos lider ng informal settlers makaraan pagbabarilin ng hinihinalang hired killer sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Milagros Masalio, re-sidente ng Rosita St., Brgy. Santolan ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo. Habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center si Rey Quintana, 24, ng Kaingin St., Brgy. …
Read More »Miss France, itinanghal na Miss Universe 2016; Maxine Medina, pasok sa Top 6
HINDI pinalad na makasama sa Top 3 ang pambato ng Pilipinas sa katatapos na 2016 Miss Universe pageant na ginanap sa MOA Arena kahapon ng umaga.Tanging sa Top 6 nakasama si Maxine Medina na unang nasalang sa Q & A question. Ang mga kandidata mula France, Haiti, at Columbia ang nakapasok sa Top 3. Nakuha ni Miss France, Iris Mittenaere, …
Read More »Top 13, nasalang agad sa casual interview
TILA naiba naman ang estilo ngayon ng 2016 Miss Universe dahil nang tawagin ang Top 13, sumalang agad sa isang casual interview ni Steve Harvey, ang host, ang mga ito. Unang tinawag si Miss Kenya na kauna-unahang naging contestant mula sa kanyang bansa. Sa murang edad, maagang nawala ang kanyang mga magulang. Isinunod si Miss Indonesia, si Kezia Warouw na …
Read More »Pagtawag sa ‘Pinas sa top 9, ibinitin
PAGKARAAN ng Top 13, isinunod ang swimsuit portion na roon tinawag ang Top 9. Nakasama sa listahan ng Top 9 sina Miss USA, Miss Thailand, Miss France, Miss Mexico, Miss Kenya, Miss Colombia, Miss Canada, Miss Haiti. Tumawag muna ng commercial si Harvey bago binanggit ang ika-siyam na kasama sa Top 9, ang Miss Philippines. Pero bago ito, marami na …
Read More »Miss Haiti, may dugong Pinoy
HINDI man nagwagi si Medina, isang Pinoy pa rin ang namayani sa katatapos na beauty pageant. Sinasabing may dugong Pinoy sa mother side si Miss Haiti Raquel Pelissier na seven years ago ay nakaranas siya at ang kanyang pamilya ng matinding lindol na kumitil sa may 300,000 katao at naapektuhan ang may 900,000. Sa question and answer portion, umangat na …
Read More »Sagot na nagpanalo kay Miss France
TULAD ni Miss Haiti, maganda rin ang naging sagot kapwa nina Miss France at Miss Colombia. Pero sa huli namayani ang Miss France na sinabing hindi niya akalaing siya ang magwawagi at tatanghaling Miss Universe. Narito ang kasagutan nina Miss France at Miss Colombia sa katanungang, Name something from the course of your life that you failed at and tell …
Read More »Pia Wurtzbach, inakap si Maxine Medina
VERY tounching naman ang picture na naka-post sa Instagram account ni Jonas Antonio Gaffud ng Mercator. Doo’y ipinakita niya ang pagyakap ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay Medina matapos itong hindi matawag sa Top 3. Ang larawan ay may caption na—”Thank you so much @piawurtzbach for the gesture of comforting @maxine_medina #forthephilippines #missuniverse.” Bago ito, isang napakagandang Pia Wurtzbach …
Read More »You’ll always be our Miss Universe
NATAPOS na ang reign kahapon ni Miss Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015 at ipinasa sa nagwaging si Miss France na si Iriz Mittenaere bilang Miss Universe 2016 ang kanyang korona. Siyempre, bilang host country at bilang Filipino, umasa tayo na sana, ang kandidata nating si Miss Maxine Medina ang napasahan ng korona, pero nakita naman natin ang pagsisikap ng …
Read More »PNP anti-illegal drug units binuwag ni D/Gen. Ronald Bato Dela Rosa
Tuluyan nang binuwag ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang PNP-Anti-Illegal Drugs Group (AIDG). Ginawa ito ni DG Bato dahil sa sunod-sunod na eskandalo at kontrobersiyang kinasangkutan ng mga miyembro ng pulisya sa paglulunsad ng Oplan Tokhang at Oplan Tokbang na napunta sa ‘Tokhang for Ransom.’ Pagkatapos buwagin, inilinaw ni DG Bato na ipinauubaya niya …
Read More »Puganteng Belgian nasakote sa NAIA
Sa kabila ng nangyayaring “krisis” sa Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkawindang ng kanilang nawalang overtime pay, isang magandang accomplishment pa rin ang ipinakita ng BI-Ports Operations Division, BI-Interpol at Border Monitoring and Security Unit matapos nilang masakote ang Belgian fugitive na si Daveloose Franky Freddie sa NAIA Terminal 2 departure area. Si Daveloose Franky Freddie na sentensiyado sa …
Read More »You’ll always be our Miss Universe
NATAPOS na ang reign kahapon ni Miss Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015 at ipinasa sa nagwaging si Miss France na si Iriz Mittenaere bilang Miss Universe 2016 ang kanyang korona. Siyempre, bilang host country at bilang Filipino, umasa tayo na sana, ang kandidata nating si Miss Maxine Medina ang napasahan ng korona, pero nakita naman natin ang pagsisikap ng …
Read More »Dilawan gagamitin ang EDSA 1
SIMULA bukas, papasok na ang buwan ng Pebrero. At isa sa pinakaaabangan sa buwang ito ang anibersaryo ng EDSA People Power 1. Naging makasaysayan ang tatlong araw na pag-aalsa ng taongbayan na nagsimula noong 22-25 Pebrero, dahil napatalsik sa kanyang trono si dating Pangulong Ferdinand Marcos. Naibalik ang demokrasya sa Filipinas. Pero matapos makuha ni Cory Aquino ang kapangyarihan bilang …
Read More »Service provider sa QCPD police clearance, ‘kalokohan’ ba?
MASASABING isa palang ‘kalokohan’ (nga ba?) o ‘panloloko’ lang (ba?) sa mga kumukuha ng police clearance sa Quezon City, ang pagkuha ng service provider para tumulong sa pagproseso ng clearance. Kung may private service provider daw kasi ay mabilis ang pagkuha ng police clearance. Ipagpalagay natin totoo pero nararapat bang umarkila ng provider? Sino ba ang magdurusa sa bayarin kung …
Read More »Galit ni Duterte sa droga sinasamantala
BATID ng sambayanan na matindi ang galit ni President Duterte sa ilegal na droga at ito ang nagbunsod ng kautusan niya sa mga awtoridad na hulihin ang mga adik at pusher sa bansa. Nakalulungkot nga lamang na ang pangakong suporta ni Duterte sa mga opisyal sa kanyang digmaan sa droga rin ang dahilan kaya lumakas ang loob ng ibang pulis …
Read More »Ipagmalaki natin ang lider ng ating bansa
MARAMING naging lider na magaling sa ating bansa pero kakaiba si Pangulong Rody Duterte na malaki ang isinasakripisyo kahit ang kanyang kalusugan maging maayos lang ang ating bansa. Kaya naman marami pa rin ang bilib sa kanyang kakayahan kahit may mga kritiko siyang ‘di pa rin matanggap ang pagkatalo ng kanilang kandidato sa nakaraang eleksiyon. Nakita natin na napakasipag ni …
Read More »Consignee for sale-hire buking na!
ANG Bureau of Customs ay nakatutok ngayon sa imbestigasyon ng mga import consignees na ginagamit para sa pagproseso ng kanilang kargamento. Mahigit 71 consignees, under investigation para malaman kung ito bang consignees’ address ay active pa o hindi. If found to be fictitious, the consignees names will be block from the BOC system. Tiyak marami ang mabubuko at baka magkaroon …
Read More »Zanjoe nade-develop na nga ba kay Bela? (Kahawig kasi ang ex na si Bea!); Sa taas ng ratings ng shows Dreamscape Entertainment nagpa-thanksgiving mass
LAST Thursday, nagpa-thanksgiving mass ang Dreamscape Entertainment team sa pangunguna ng mga business unit head na sina Sir Deo Endrinal at Ma’am Julie Anne Benitez na nag-celebrate ng kanyang birthday three days ago, na sinorpresa ni Coco Martin at well-attended ang surprise party. Ang nasabing misa ay pasasalamat ng Dreamscape sa Itaas, at lahat ng mga show nila mula 2015 …
Read More »Baguhang actor, may attitude na, ‘di pa marunong tumulong sa mga kapatid
NOONG baguhan pa ang young actor na ito ay nakitaan na siya ng mga co-star niya ng ‘attitude’. Napapailing na lang ang mga senior star sa kanya dahil kahit ang taga-timpla ng kape sa set ay sinisigawan daw ng aktor. Hindi nga raw siya kinibo ng ilang buwan ng bida sa serye dahil sa maling trato niya sa maliliit na …
Read More »The Voice, naghahanap na ng artists para sa kauna-unahang ‘Teens’ season
MATAPOS marinig ang boses ng adult at kiddie artists, pagkakataon naman ng teens na bumida ngayong 2017 sa kauna-unahang pagkakataon sa buong Asya sa top-rating singing reality show na The Voice. Nagsimula na nga ang paghahanap sa susunod na singing superstar sa pamamagitan ng auditions na ginanap sa Quezon City, Bataan, Cavite, at Tacloban, Leyte Kamakailan na dinumog ng higit …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com