Tuesday , December 16 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Bong, lalaya na

bong revilla jr

MAY umugong na balita, na baka raw sa susunod na buwan ay payagan nang makapaglagak ng piyansa si Bong Revilla. Ibig sabihin makalalabas na siya sa Crame matapos ang apat na taong pagkakakulong. Kung kami ang tatanungin mabuting balita iyan. Kasi sinasabi nga nila na basta nakalabas si Bong, babalikan niya ang paggawa ng pelikula. Baka sakaling si Bong ang muling …

Read More »

Ai Ai, nagtatanim ba ng sama ng loob?

GUSTO naming isipin na sa kabila ng kanyang katanyagan at katayuan sa buhay, isang pangkaraniwang tao pa rin si Ai Ai de las Alas. Ayaw naming mabuo sa aming isipin that also, just because isa siyang Papal awardee (last year) ay “saintly” na kung gaano niya patakbuhin ang kanyang pang-araw-araw na buhay. Amidst all these trappings, tulad ng bawat isa …

Read More »

Pag-alis ng mga co-host ni Willie (ng sabay-sabay), nakapagtataka

MINSAN na naming tinalakay dito ang nakapagtatakang exodus o pag-alis nang halos sabay-sabay ng mga co-host ni Willie Revillame sa Wowowin. Nauunawaan namin noong una ang kaso ni Super Tekla who was the first to go. Balita kasing lagi itong late kung mag-report sa studio. Knowing Willie, kahit valid pa ang rason ng pagiging huli ng kanyang mga katrabaho, kawalan pa rin ‘yon ng …

Read More »

Kris Aquino, balik-Kapamilya na

Kris Aquino Star Cinema

KAABANG-ABANG sa Biyernes kung ano ang magandang balita ni Kris Aquino na ipo-post niya sa kanyang social media accounts dahil sa sinabi niyang, “GO confirmation.” Ang alam namin ay tungkol sa pelikulang gagawin ni Kris sa Star Cinema na kasama ang sikat na loveteam at baka may schedule na kung kailan ang shooting. Bago kasi umalis si Kris ay may mga binago sa script …

Read More »

Arjo at Sue, naghihiraman muna ng mouthwash bago maghalikan 

NAPAKARAMING kissing scenes nina Arjo Atayde at Sue Ramirez sa seryeng Hanggang Saan na dalawang linggo na lang mapapanood sa ABS-CBN kaya ang tanong ng lahat, hindi ba nagseselos ang rumored boyfriend ng aktres na si Joao Constancia na miyembro ng Boyband PH. Kaagad na sabi ni Sue nang makausap namin pagkatapos ng presscon ng HS, “Hindi!  Gets niya naman (romantic scene). Actually, gusto niyang mag-artista pero as of now hindi pa puwede maybe …

Read More »

Joshua, humanga lang, ‘di intensiyong manloko

KAWAWANG Joshua Garcia! Binabantaan na siya ni Dennis Padilla na mag-aala—action star ‘pag nagtangka uli ang actor na “pagtaksilan” at “paiyakin” ang anak na si Julia Barretto na girlfriend nga ni Josh in real life. Biktima si Josh ng innocence n’ya kung paano tratratuhin ng madla ang celebrities na gaya n’ya. Akala n’ya, pag nag-private message (PM) siya sa isang tao, hindi ibubuyangyang ‘yon ng …

Read More »

OFW na pinainom ng chlorine bumubuti na

MAAARI nang ilipat sa regular ward mula sa Intensive Care Unit (ICU) anomang oras ang Filipina worker na sapilitang pinainom ng liquid bleach ng amo sa Saudi Arabia. Sinabi ni Elmer Cato, Acting Assistant Secretary for Public Diplomacy ng Department of Foreign Affairs (DFA), bumubuti na ang kalagayan ni Agnes Mancilla makaraan maratay ng mahigit sa isang linggo sa King Fahad …

Read More »

Bebot inatake sa puso sa motel

PATAY ang isang babae makaraan umanong atakehin sa puso habang nasa loob ng motel sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay S/Insp. Ferdinand Espiritu, ang biktima ay tinatayang 20-30 anyos, maliit ang pangangatawan, 5’1” ang taas, at nakasuot ng pink shirt at asul na maong pants. Batay sa ulat ni PO2 Rockymar Binayug, dakong 3:54 pm nang mag-check-in ang …

Read More »

Barangay narco-list nasaan na?

MARAMI na ang naghahanap ng barangay narco-list na sinabi kamakai­lan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kanilang ilalabas sa publiko. Ang siste, nagsimula na’t lahat ang Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) elections pero wala namang naglabas ng listahan. Nasaan ang barangay narco-list na sinabing ilalantad para maging gabay ng constituents sa kanilang pagboto? Kaya hanggang ngayon, …

Read More »

P5-Milyon ipinatalo ni Cong sa 10th NCA 6-Cock Derby sa Ynares Sports Complex

HINDI naman ganoon kaunlad ang lalawigan na pinagmulan ni Mr. Congressman. Pero nakapagtatangkang nakapagpatalo siya ng P5 milyon sa 10th NCA 6-Cock Derby sa Ynares Sports Complex kamakailan. Kaya ba ninyong hulaan kung sino si Cong?! Kung hindi man namataan si Congressman sa Ynares, ‘yan ay dahil may tinatawag na ‘telephone betting.’ Sa telepono lang puwede nang tumaya. Ang galing …

Read More »

Barangay narco-list nasaan na?

Bulabugin ni Jerry Yap

MARAMI na ang naghahanap ng barangay narco-list na sinabi kamakai­lan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kanilang ilalabas sa publiko. Ang siste, nagsimula na’t lahat ang Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) elections pero wala namang naglabas ng listahan. Nasaan ang barangay narco-list na sinabing ilalantad para maging gabay ng constituents sa kanilang pagboto? Kaya hanggang ngayon, …

Read More »

‘Utuan’ uso na naman

SINISIMULAN nang utuin ng mga kandidato sa nalalapit na local election ang mga tao partikular ang mga barangay chairman at iba pang mga barangay official na unang magdaraos ng kanilang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa 14 Mayo 2018. Kanya-kanyang estilo ng pang-uuto ang mga kandidato sa publiko. May mga nagme-medical mission, may nagbibigay ng libreng bigas, may nagpapalaro …

Read More »

ENDO sa uno huwag sanang mapako

MINSAN nang ibinasura mga ‘igan ang usaping ‘contractualization’ na panawagan ng mga Labor groups sa bansa na wakasan na. Ngunit sa pagkakataong ito, bagamat wala pang final version ng ‘Executive Order’ posible namang pipirmahan ni Ka Digong ang nasabing ‘Executive Order’ kontra contractualization sa Mayo Uno, itataon sa Labor Day. “I can only surmise that the final version of the …

Read More »

Quo warranto vs Sereno kaninong ideya?

SINO nga ba ang nasa likod ng pagpapatalsik kay on leave chief justice Maria Lourdes Sereno? Si Pangulong Rodrigo R. Duterte ba? Kung ang kampo ni Sereno ang tatanungin, ang Pangulo o ang Palasyo ang kanilang pinaghihinalaan nilang nasa likod ng lahat. Pinabulaanan at pinagtawanan lang ng Palasyo ang akusa­syon ng kampo ni Sereno. E, sino nga ba ang nasa …

Read More »

Libo-libong kandidato dumagsa sa Comelec (Sa barangay at SK polls)

DUMAGSA sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros, Maynila ang libo-libong kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections para maghain ng kanilang certificate of candidacy (COC). Tinatayang 4,000 katao ang pumila sa opisina ng Comelec nitong Miyerkoles. Marami umano sa kanila ay 4:00 pa ng madaling-araw pumila. Napag-alaman, dahil sa sobrang siksikan at init ng panahon, may …

Read More »

Mag-ama, 6 pa arestado sa drug den

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang mag-ama, at anim iba pang hinihinalang drug user makaraan salakayin ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug den sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat, dakong 9:25 pm nang salakayin ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni C/Insp. Jowi-louie Bilaro, kasama ang Philippine Air Force 300th Air Intelligence Security Wing, Special Mission Group, PDEA-Camanava …

Read More »

Koreano, misis tiklo sa buy-bust sa Pampanga

lovers syota posas arrest

NADAKIP ng mga pulis ang isang South Korean national at kaniyang Filipina wife sa isinagawang buy-bust operation sa Mabalacat, Pampanga, kamakalawa. Ayon sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina Jake Lee, 36, at Joy Ann Casuparan, 18, mga residente sa Brgy. Balibago, Angeles City. Sinabi ni Supt. Ruel Cagape, hepe ng Mabalacat Police, inaresto ang mag-asawa makaraan ang isinagawang …

Read More »

Latero nahulog mula sa 30-piye bubungan, patay (Nagkukumpuni ng yero)

PATAY ang isang 51-anyos latero makaraan mahulog habang kinukumpuni ang bubong ng bodega ng isang  paper company sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Bonifacio Plantinos, residente sa Northwind, San Jose Del Monte City, Bulacan sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan. Sa ulat kay Valenzuela police chief, S/Supt. …

Read More »

19-anyos kelot kritikal sa boga ng AWOL na pulis

gun shot

KRITIKAL ang kalagayan ng isang 19-anyos lalaki nang tamaan ng bala sa ulo makaraan magpaputok ng baril ang isang AWOL na pulis sa Taguig City, nitong Lunes ng gabi. Inoobserbahan sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Joven Manalastas, residente sa Purok 5, V.P. Cruz St., Brgy. Lower Bicutan. Kinilala ni Taguig City Police chief, S/Supt. Alexander Santos, ang lasing na …

Read More »

2 PNP official, 2 pulis sinibak sa P60-M SAF allowance scam

SINIBAK sa puwesto ang apat na dating opisyal ng Special Action Force (SAF) kasunod ng reklamong plunder o pandarambong na isinampa sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y hindi ibinigay na halos P60 milyong allowance sa SAF troopers. Sinampahan ng plunder at malversation of public funds sina dating SAF director at ngayo’y PNP directorate for integrated police operations Southern …

Read More »

VP Leni at LP stalwarts walang alam sa holocaust

NAGIMBAL ang Palasyo sa pagiging ignorante ni Vice President Leni Robredo at mga kasamahan niya sa Liberal Party (LP) sa lagim na idinulot ng holocaust at nagawa pang ngumiti nang magpakuha ng larawan sa Holocaust memorial sa Berlin. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagimbal siya sa paghingi ng paumanhin ni Robredo sa naging aksiyon ng kanyang pang­kat sa Holocaust …

Read More »

BI wow mali kay Sister Fox

Sister Patricia Fox

  INAMIN ng Palasyo, nagkamali ang Bureau of Immigration sa pagdakip sa 71-anyos Australian nun na si Sister Patricia Fox. “Mayroon naman pong batas na ang mga dayuhan ay hindi dapat nanghihimasok sa politika natin… Ang problema lang ay mukhang nagkamali dito kay Sister Fox,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “Siguro apologies are in order kasi madalian naman siyang …

Read More »

Duterte kay Sis Fox: Umuwi ka sa Australia at doon magprotesta

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duter­te  kay Sister Patricia Fox, 71-anyos Australian nun, na umuwi sa sariling bansa at iprotesta ang mga nagaganap na paglabag sa karapatang pantao roon. Sa kanyang talumpati sa turn-over ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon, inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdakip kay Fox noong Lunes. Ipinagmalaki ng Pangulo, siya lang bilang Punong Ehekutibo ang may karapatan magpasya kung …

Read More »

6 sakada patay 16 sugatan sa talim ng kidlat (Sa Sipalay City)

kidlat patay Lightning dead

SIPALAY CITY, Negros Occidental – Patay ang anim na sakada, habang 16 ang sugatan, makaraan tamaan ng matalim na kidlat sa Brgy. Manlocahoc, sa lungsod na ito, nitong Miyerkoles ng hapon. Sinabi ni C/Insp. Nasser Canja, hepe ng Sipalay City Police, sumilong ang mga sakadang nananagpas ng tubo sa ilalim ng truck dahil sa malakas na buhos ng ulan. Nasa …

Read More »

Anak sinunog, ama nagbigti sa kulungan (Sa Davao City)

dead prison

DAVAO CITY—Nagbigti sa loob ng Sasa Police Station ang isang lalaki nitong Miyerkoles, isang buwan nang nakakulong matapos niyang sunugin ang sariling anak. Ayon sa ulat, natagpuang nakabitin sa kisame, gamit ang benda, ang katawan ng bilanggong si alias Roger, 4:30 ng umaga. Salaysay ng ibang bilanggo, ilang araw nang tuliro si Roger nang malaman niyang ililipat na siya sa …

Read More »