Friday , November 15 2024

Opinion

Barangay elections ‘wag nang harangin

sk brgy election vote

HINDI na dapat ipinipilit pa ng mga magagaling sa Kamara ang panukala nila na muling iurong ang nakatakdang eleksiyon sa barangay  ngayong  Mayo.  Hayaan  na sana itong mangyari u­pang tuluyang mapalitan ang mga pasaway sa barangay. Nagsalita na nga si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na may eleksiyong mangyayari sa barangay ngayong Mayo ay kung bakit ba ipinipilit pa nang husto …

Read More »

Dagdag allowance sa CAFGU, ikonsidera rin

MAY kinalimutan pa ba ang Pangulong Duterte na bigyan ng salary increase sa mga kawani na may kaugnayan sa pagtatanggol sa mamamayan o bansa sa kalaban ng gobyerno? Wala naman na siguro. Lamang talagang hindi yata maiwasan na sa kabila ng dagdag suweldo ng Pangulo sa mga pulis at sundalo, mayroon pa rin mga pasaway. Sige pa rin sa pangongotong, …

Read More »

Trapo ayaw ng halalan?

BINAWI na naman mga ‘igan ang pag-arangkada ng “Barangay at SK Elections” sa May 14, 2018 at isasagawa ito sa buwan ng Oktubre 2018. Sus ginoo! Ano ito, “Approved without thinking (he he he…) sa Kamara ang muling pagpapaliban ng nasabing barangay elections? Nakaiirita na mga ‘igan! Mantakin n’yo nga naman, sa panig ng mga kongresistang pro-Duterte’y walang kaabog-abog nang …

Read More »

‘Killer driver’ pinababa ang kaso sa MPD

Angelo Sanchez PRRC

MARAMING tsuper partikular sa Kamaynilaan ang hindi dapat nagkalisensiya pero nakalulusot dahil kahit sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi maikakailang naglipana pa rin sa mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga pasaway na fixers. May nakakuwentohan nga akong taxi driver na nagsabing pangunahing kuwalipikasyon ng mga pampasaherong bus sa mga aplikanteng tsuper na nakapatay na sa manibela. …

Read More »

Suspended prosecutor na paborito ni De Lima nakabalik na sa Maynila

TAHIMIK na nakabalik nang walang kalatis sa kanyang dating puwesto sa Maynila si Chief City Prosecutor Edward Togonon na matatandaang sinuspende ng Department of Justice (DOJ) noong nakaraang taon. Wala nga yatang ipi­nagkaiba ang kapangyarihang taglay ng anting-anting ni ‘Nardong Putik’ sa bertud ng kasabihang: “It’s not what you know. It’s who you know.” Magugunitang si Togonon ay sinuspende ni DOJ …

Read More »

Imee sa Senado nakapondo na ang boto

Bulabugin ni Jerry Yap

SA nakaraang 15th Liga ng Mga Barangay-Cagayan Congress sa Clark, Pampanga, napabalitang humingi ng basbas si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa mga opisyal ng barangay sa Cagayan na suportahan sila, sakali mang may tumakbo sa kanilang pamilya sa national elections. Pero dahil may nakahain pang protesta si dating senador Bongbong Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) mas malamang na si …

Read More »

Sereno bigyan ng pagkakataon sa impeachment court

LALONG umiingay ang panawagan para kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw na sa kanyang puwesto habang hindi pa tuluyang nasisimulan ang impeachment case laban sa kanya. Sa ginawang panawagan ng mga empleyado ng Korte Suprema at grupo ng mga hukom, hiniling nila na magsakripisyo na ang Punong Mahistrado at magbitiw na para sa katahimikan na rin ng sambayanan …

Read More »

Sino si alyas ‘Talex’ sa BoC-POM?

SIYA raw ang kumokontrol ngayon sa lahat ng players sa Bureau of Customs at ang paboritong tambayan daw nito ay sa mga sulok-sulok sa Port of Manila (POM) at ang Law division ang kanilang lugar ng bayaran. May sarili silang brokerage at isa sa kaso­s-yo ay isang alyas Mike. Sila ang nagpapatawag ng customs exam­i­ners at appraisers ‘pag may hotraba …

Read More »

Ilegal na sugal hindi matuldukan

NAKALULUNGKOT isipin, sa kabila ng masinsinang kampanya ni President Duterte laban sa lumalabag sa batas ay hindi matuldukan ang pamamayagpag ng ilegal na sugal. At lalong nakagu­gulat na may maliliit na perya na binansagang ‘pergalan’ na naghahandog ng bawal na sugal na tulad ng “color games” at “drop ball” na garapalang tumatakbo kahit malapit sa mga himpilan ng pulisya na …

Read More »

Ilang pulis sa QCPD PS4 bitin sa salary increase ni PRRD?

SINO ba ang station commander ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4? Si Supt. Carlito Grijaldo pala ang bossing dito. Ayos, kung gayon dahil masasabing napakasuwerte sa kanya ng mga residente na nasa area of responsibility ng PS 4. Bakit? Paano kasi, masipag na opisyal si Gri­jaldo – kung kampanya rin lang naman sa kriminalildad ang pag-uusapan, aba’y …

Read More »

EO13 ni Du30, nega sa PNP at CIDG

MAHIGIT isang taon matapos pirmahan at ipatupad noong 2017 ni Pangulong Duterte ang kanyang Executive Order No. 13, ang all-out war nito laban sa illegal gambling, nilalaro lamang ito ng Philippine National Police (PNP) at ang sangay nitong Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil ang jueteng at iba pang anyo nito gaya ng “peryahan ng bayan,” pares, swertres, masiao, …

Read More »

Senator Juan Ponce Enrile nagboluntaryong maging taga-usig ni CJ Lourdes Sereno

Bulabugin ni Jerry Yap

MUKHANG gusto na namang mag-landing sa history ni Senator Juan Ponce Enrile. Boluntaryo siyang nagpresenta para maging prosecutor sa impeachment trial ni Suprenme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ang sabi niya kay House justice committee chairman, Rep. Reynaldo Umali, nais niyang ibahagi ang kanyang ‘institutional memory’ sa prosekusyon ni CJ Sereno. Agad naman itong sinunggaban ni Rep. Umali. Huwag …

Read More »

Sa panahon ni Mayor ERAP

PANGIL ni Tracy Cabrera

Help others and give something back. I guarantee you will discover that while public service improves the lives and the world around you, its greatest reward is the enrichment and new meaning it will bring your own life.   — Arnold Schwarzenegger PASAKALYE Text po sa inyong lingkod: Bakit noong panahon ni Mayor (Lito) Atienza at Mayor (Alfredo) Lim (ay) lagi pong …

Read More »

Meralco, dupang!

electricity meralco

DAGDAG na kalbaryo na naman ang daranasin ng publiko sa panibagong pagtaas ng si­ngil sa koryente nga­yong Marso at sa mga susunod na buwan. Ngayong buwan ay 85 sentimos na karagdagang halaga ang isusuka ng publiko kada kilowatt-hour na konsumo sa koryente, ayon sa Manila Electric Co. (Meralco). Kung pakikinggan ay parang nagmamagandang-loob pa ang Me-ralco at sa Abril na lang …

Read More »

‘Ulo’ ni Bello ibigay sa mga obrero

Sipat Mat Vicencio

KUNG hindi maibibigay ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pangakong wawakasan ang lahat ng anyo ng contractualization, ma­kabubuti sigurong sibakin na lamang niya si Labor Secretary Silvestre Bello III. Kung ganito ang gagawin ni Digong, mababawasan ang galit ng mga manggagawa, lalo pa’t kung sa darating na 15 Marso ay hindi magugustuhan ng mga obrero ang pipirmahan ng pa­ngulong draft …

Read More »

Regulasyon ng HOA dues & fees sapol sa ordinansa ni Mayor Edwin Olivarez

Bulabugin ni Jerry Yap

ISA tayo sa mga natuwa sa nilagdaang City Ordinance ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez kaugnay ng napakaraming bayarin sa iba’t ibang homeowners associations (HOAs) sa iba’t ibang subdibisyon na nasa loob ng lungsod. Tinawag na “An Ordinance Regulating the Imposition of Dues and Fees by the Homeowners’ Association/Federation of Homeowners’ Association within the Territorial Jurisdiction of the City of …

Read More »

P1-B environmental fees saan nga ba napunta? (Sa Boracay)

Bulabugin ni Jerry Yap

HINDI pa si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang nakaupong presidente ng bansa ay tinatanong na natin kung saan napupunta ang P75 environmental fees na sinisingnil sa mga turista, dayuhan man o lokal. Noon pa kasi natin napapansin ang deterioration o pagkasira ng isla ng Boracay. Napuna na natin ang hindi mabilang na pagtatayo ng malalaking estruktura pero hindi natin maintindihan …

Read More »

e-Passport printing bakit nanatili sa APO-UGEC kahit maraming reklamo ng iregularidad?

Bulabugin ni Jerry Yap

MULI na namang umalingasaw ang isyu ng e-passport printing sa ilalim ng  APO Production Unit at United Graphic Expression Corp. (UGEC). Sa hearing ng House of Representatives’ good government and foreign affairs committees hinggil sa alegasyon ng iregularidad sa printing ng e-passport tahasang sinabi ni dating Foreign Secretary Perfecto Yasay Jr., na ang joint venture agreement ng state-run APO Production …

Read More »

Kahalagahan ng kababaihan

WOMEN’S month ngayong Marso. Ibig sabihin, dapat kilalanin natin ngayong buwan ang tunay na kahalagahan ng ating mga kababaihan, nasa loob man si­ya ng tahanan, eskuwelahan, trabaho, tanggapan ng gobyerno, kalye, at kahit saang lugar na may mga kababaihan. Napakahalaga ng pagkakataong ito para kilalanin natin ang kanilang ginagampanang papel sa lipunan. Makabubuting bigyang panahon natin na suriin kung gaano …

Read More »

OWWA raket ng ‘DDS’ na dumayo pa para mangotong sa Japan

TOTOO man o hindi ang ipinarating na balita sa atin ay dapat paimbestigahan agad ng Philippine Embassy sa Tokyo ang raket sa umano’y pa­ngongolekta ng pera sa mga Pinoy ng mga nagpapakilalang ‘DDS’ sa Japan. Ipinangongolekta raw ng mga damuho ng kontribusyon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) pati sa mga residenteng Pinoy na nakabase sa Japan na hindi naman mga …

Read More »

Iboboto pa ba ninyo ang ganitong barangay chairman sa Tondo?

ISANG lasing na barangay chairman sa Tondo, Maynila ang nangulit at nakipagtalo sa mga opisyal ng ahensiyang nakapaloob sa Office of the President noong nakaraang Biyernes, 2 Marso 2018. Kinilala ang lasing na opisyal na si Ronaldo Torres, chairman ng Barangay 60 sa nasabing lungsod, na hindi pa man nagsisimula ang operasyon ng joint inter-agency massive cleanup ng Estero dela …

Read More »

Ginto sa Olympic sisikaping sungkitin ni POC Chairman Bambol Tolentino

Bulabugin ni Jerry Yap

ILANG dekada nang hilahod sa gintong medalya ang mga atletang Filipino sa Olympiada kaya ito ang pangarap ngayon ni Philippine Olympic Committee chairman Abraham “Bambol” Tolentino. Naniniwala si Chairman Bambol, sa pamamagitan ng Siklab Atleta Pilipinas Sports Foundation, Inc., mahusay na matutukoy ang panga-ngailangan ng mga manlalarong Filipino upang maisakatuparan ang kanilang “Olympic dreams.” Sa 2020 Olympics na gaganapin sa …

Read More »

Sindikato ng droga, kasabwat, bigong ipasibak si QCJ warden Moral

TOTOO nga pala ang info nitong nakaraang linggo na kasama sa reshuffle ng Bureau of Jail Manage­ment and Penology – National Capital Region  (BJMP-NCR) si Supt. Ermilito Moral, Quezon City Jail Warden. Sinasabing kabilang si Moral sa tatanggalan ng posisyon dahil tatlong beses nang nagkaroon ng riot sa loob ng anim na buwan sa piitang ipinagkatiwala sa kanya o simula nang …

Read More »

Tuloy ang laban

SA tingin ng iba ay nagiging desperado ang ilang mambabatas, lalo nang hilingin ng ilang miyembro ng oposi­syon ng Kongreso na makialam si President Duterte sa pagsisikap ng gobyerno na imbestigahan ang pagkasawi ng mga bata na naturukan ng kontrobersiyal na bakuna na Dengvaxia. Sa tingin nila ang Pangulo ang dapat magresolba sa isyu at utusan si Public Attorney’s Office …

Read More »

STL sa Albay at Camarines Sur, pilit na sinisira!

DAHIL sa kamandag ng payola, nagmamaang-maangan ang lokal na pulisya sa Albay at Camarines Sur sa muling paglipana ng ilegal na sugal gaya ng peryahan at paggamit sa Small Town Lottery (STL) para sa larong jueteng. Ang hangarin ng mga gambling lord kasabwat ang ilang corrupt na politiko at opisyal ng pulisya ay siraan ang STL, ang tanging legal numbers …

Read More »