MARAPAT lamang na tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ng Estados Unidos na bentahan tayo ng F-16 multi-role fighting aircraft dahil nakita niya ito na isang paraan ng manipulasyon upang mapanatili tayong mga Filipino sa ilalim ng laylayan ng mga Kano. Matagal nang mahusay na ginagamit ng mga Kano ang pagbebenta ng mga pinaglumaang armas sa atin para manatili …
Read More »Bagong CJ De Castro gustong magpalapad ng sariling anino
MALIWANAG ang sabi ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte na sa “seniority” siya nagbase sa pagkakatalaga kay dating Associate Justice Teresita de Castro bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema. Ito ay bilang sagot sa mga batikos na ang pagkakatalaga kay De Castro sa puwesto ay premyo sa pagkakapatalsik kay dating chief justice Ma. Lourdes Sereno na kanyang pinalitan sa puwesto. Paliwanag …
Read More »Bigas, bigas nasaan na ang bigas?!
SIGNOS na ba para sa mga Filipino na ang isang bansang halos taguriang rice granary ay nagkakaproblema sa supply ng bigas sa kasalukuyan?! Isang nakatatakot na pangitain na baka isang umaga ay wala nang mabiling bigas ang masang Filipino — kaya kahit ang binubukbok na bigas ay pinag-aagawan. Kung umaangal ngayon sa walang tigil na pagtaas na presyo ng bigas, …
Read More »Isyu ng kuropsiyon sa AFPMC, tapusin na!
DAPAT nang matuldukan ang isyu ng kuropsiyon sa Armed Forces of the Philippines Medical Center (AFPMC) dahil ang kawawa rito ay mga sundalo na handang magbuwis ng buhay para sa mamamayan at bansa. Imbes mabigyan sila ng sapat na lunas gaya ng libreng gamot para sa malubhang sugat dahil sa pagtatanggol sa bayan ay sila pa ang nadudugasan ng ilang …
Read More »Media ipinangongolekta ng ‘payola’ sa Customs
IPINANGONGOLEKTA ng ‘payola’ ng isang Malacañang official ang mga miyembro ng media mula sa mga smuggler at tiwaling opisyal ng Bureau of Customs (BoC). Ito ang inamin ng isang Customs official matapos masukol at mabuking sa pagkawala ng mga high-end luxury vehicles na una nilang nasabat sa isang sub-port sa Mindanao. Kabilang sa hindi na makita ang kompiskadong 38 luxury vehicles …
Read More »Rice hoarders, bakit wala pang naisasako?
MAGKANO na kaya ang bigas sa mga susunod na panahon —- kapag nagpamilya ang mga apo natin? P100 per kilo? Posible at maaaring mas mataas pa rito. Naalala ko, noong bata pa ako —- marahil 10-anyos, sumasama na ako sa aking tatay sa pamamalengke. Kaya ako’y natutong mamalengke at makipagtawaran. Noon, apat na dekada na ang nakalilipas, ang isang kilo …
Read More »Krisis sa bigas
ANG krisis sa bigas sa lungsod ng Zamboanga at sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawitawi (Zambasulta) ay matinding babala sa kapalaran na maaari nating sapitin kung magtatagumpay ang mga economic manager sa kanilang mungkahi na umasa sa inangkat na bigas at bawasan ang paggasta sa programa ng gobyerno sa bigas sa Filipinas. Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, …
Read More »BoC nagkaisa laban sa mga intriga!
MARAMING isyu ang naglalabasan sa Bureau of Customs pero alam natin na ‘yung mga smuggler ay hindi uubra kay Commissioner Isidro Lapeña at lalo pa silang hihigpitan. Kaya kung ako sa inyo ay huminto na kayo sa kalokohan dahil seryoso si Comm. Lapeña na wakasan ang inyong mga kalokohan dahil ang gusto niya ay maging maayos na ang sistema ng …
Read More »Imee: hero ko ang tatay ko!
NGAYONG araw, ipinagdiriwang ang National Heroes Day o ang Pambansang Araw ng mga Bayani sa buong bansa. Sari-saring anyo ng paggunita ang ginagawa ng ating mga kababayan para bigyang pugay ang mga namayapang bayani na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at demokrasya ng Filipinas. Sa tuwing sumasapit ang huling Lunes ng buwan ng Agosto, batay sa Republic Act 3827 …
Read More »FDA lubayan ninyo si Dr. Farrah!
HINDI gaanong pinansin ng national media ang napabalitang pag-raid ng mga ahente ng Food and Drug Administration (FDA) at Philippine National Police (PNP) sa isang medical center sa Victoria, Tarlac, noong isang Biyernes, 17 Agosto 2018. Hindi kasi gaanong sikat ang nasabing medical center at malayo sa atensiyon ng mga taga-Metro Manila. Hindi rin gaanong kilala ang may-ari nito, si …
Read More »Joel Cruz ng Aficionado nakalusot nga ba sa BIR?
BILYON-BILYON ang nawawala sa gobyerno dahil hindi idinedeklara ng tinaguriang Lord of Scent na si Joel Cruz ang kinikita ng kanyang kompanyang gumagana ng iba’t ibang pabangong pang-masa. Kaya naman gusto nating tanungin ang Bureau of Internal Revenue (BIR), totoo bang halos P6.4-B ang tax liability ni Cruz sa gobyerno?! Kamakailan, ‘yan ang ibinunyag ng nagpapakilalang businesswoman na si Ms. …
Read More »Mga salamisim 6
KAMAKAILAN ay naiulat sa mga pahayagan na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ay nagsabing dapat nang mag-”move on” ang mga tumutuligsa sa kanyang pamilya kaugnay sa madugo nitong paghahari bansa sa loob nang 20 taon. Patutsada ng panganay na babaeng anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos, “the millennials have moved on, and I think people at my …
Read More »Lim idinepensa si Duterte
IDINEPENSA ni dating Manila Mayor Alfredo Lim si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte laban sa mga nagkakalat ng fake news at paninira tungkol sa kalusugan ng pangulo. Sabi ni Lim, imbes maghangad na may masamang mangyari sa ating Presidente, mas makabubuting ipanalangin natin ang patuloy na pagiging maayos ng kanyang kalusugan at tagumpay ng kanyang pamumuno sa bansa. Ang pahayag ay ginawa …
Read More »Isang panawagan kay Sen. Grace Poe
KAMAKAILAN, sa harap ng puntod ng yumaong Ferdinando Poe Jr., sa Manila North Cemetery, ginunita ng ilang tagasuporta ang ika-79 anibersaryo ng kapanganakan ng tinaguriang “Hari ng Pelikulang Pilipino.” Nakalulungkot mang sabihin, pero hindi tulad noong mga nakaraang taon, higit na mas marami ang nagtutungo sa puntod ni FPJ. Maging anibersaryo man ng kapanganakan o ng kanyang kamatayan, ang mga tagasuporta …
Read More »PCOO allergic na kay Mocha
SIYAM na opisyal daw ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang nakiusap kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-dismiss si Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa kontrobersiyal na video tungkol sa Charter change na ini-post sa social media. Ang sulat para sa Pangulo ay may kopya rin sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go. …
Read More »‘Quasi-judicial power’ tanggalin sa Comelec para patas ang halalan
GUSTO raw ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na i-deputize siya ng Commission on Elections (Comelec) para masiguro na magiging malinis ang pagdaraos ng halalan sa 2019, aniya: “I commit to the Filipino people that this will be a clean election. Sabihin ko sa Comelec na i-deputize personally ako.” Wala na lang sigurong masabi at maisip na gimik ang pangulo na …
Read More »Pamilya Villar interesado bang makopo ang Boracay?
NAGDUDUDA tayo na ang mga Villar ay isa na sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Bakit ‘kan’yo? Para kasing hindi sila nasisiyahan kung ano ag mayroon sila ngayon at target yatang kopohin din ang Boracay. Mahigpit ang ginagawang monitoring ni Senator Cynthia Villar bilang chairperson ng Senate committee on environment and natural resources. Sabi niya mismo, gusto nga raw nila, buwan-buwan …
Read More »FDA malupit sa tradisyonal na panggagamot at medisinang alternatibo
WALA bang alam na ibang paraan ang Food and Drug Administration (FDA) kundi ang manakot at mangdahas ng mga doktor na nakatutulong sa maraming pasyente sa pamamagitan ng alternatibong medisina?! Isa ang kilalang si Dr. Farrah Agustin-Bunch na may klinika sa lalawigan ng Tarlac ang hindi nakaligtas sa ‘mala-berdugong’ pag-atake ng mga kinatawan ng awtoridad mula sa FDA kasama ang …
Read More »Census ng pulis sa barangay, naaayon ba sa batas?
NAPUKAW ang ating atensiyon sa mga tanong ng isang kaibigan na nai-post niya sa Facebook kamakailan lang. Legal bang magsagawa ng census ang mga lokal na pulis sa mga bahay-bahay sa barangay? May karapatan ka bang tumanggi na sagutin ang Census Form? Ayon sa kaibigan natin, nagbahay-bahay ang mga pulis sa kanilang barangay sa Cainta nitong Sabado. May dalang ‘barangay …
Read More »Mga salamisim 5
KAHAPON ay ginunita ng marami ang pataksil na pagpatay kay Senador Benigno Aquino Jr., sa tarmac ng Manila International Airport na mas kilala ngayon bilang Ninoy Aquino International Airport. Naganap ang pamamaril ilang araw matapos magkaroon ng isang malaking symposium sa Pamantasang Santo Tomas na nagsalita si dating Senador Jose W. Diokno (RIP) kaugnay sa nagaganap na pandarahas ng rehimeng …
Read More »MIAA officials huwag sisihin
LIBO-LIBONG pasahero ang na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagkabalaho ng Xiamen Air nitong nakaraang Biyernes sa runway ng nasabing paliparan. Dahil nakabalaho sa runway, natural maraming eroplano ang hindi nakaalis at nakansela ang flights. Habang ang mga dumarating naman ay sa Clark International Airport (CIA) pinalapag. Ang resulta, napuno ng mga pasahero ang NAIA at CIA, …
Read More »Philippine Sports todong suportado ni Alan Cayetano
MALAKING bentaha sa larangan ng sports ang pagkakaroon nila ng kakampi sa katauhan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano. Sariwa pa sa ating alaala na hinikayat niya si Pangulong Rodrigo Duterte na pumayag para matuloy ang pag-host ng bansa sa 30th Southeast Asian Games sa 2019. Matatandaang umatras ang Filipinas noong Hulyo dahil sa problema sa terorismo sa Mindanao. …
Read More »4-araw na pasok solusyon sa trafik?
SABI nila, sa kamatayan lang daw nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang mayayaman at mahihirap. The ‘great equalizer’ ‘ika nga. Bilyonaryo ka man o isang-kahig, isang tuka, sa libingan pa rin ang bagsak mo. Pero sa panahon ngayon, maituturing na rin ang trapik sa Metro Manila na ‘great equalizer.’ Magarang kotse man o karag-karag na jeep, tiyak na titirik sa kalye dahil …
Read More »Si Bongbong ang papalit kay Digong
MALINAW ang mensahe ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na gugustuhin niyang si dating Senador Bongbong Marcos ang pumalit sa kanya sakali mang siya ay magbitiw sa kanyang puwesto bilang presidente ng Filipinas. Pero “panic” kaagad ang grupong dilawan at mabilis na kinontra ang pahayag ni Digong dahil kung susundin daw ang Konstitusyon sa isyu ng pagpapalit ng pangulo si Vice …
Read More »27 ‘invisible’ barangays sa Maynila, iimbestigahan
PAIIMBESTIGAHAN daw ni Department of Interior and Local Government (DILG) acting Sec. Eduardo Año ang 27 non-existent o multong mga barangay sa Maynila. Sabi ni Año, wala raw sasantohin ang DILG pero kailangan lang daw nila ng datos at impormasyon para sa isasagawang imbestigasyon. Kung sinsero talaga si Año at desididong imbestigahan ang 27 ‘invisible’ barangays na ikinokolekta ng Real Property …
Read More »