Friday , November 15 2024

Opinion

Business minded people, Mag-ingat kay alyas Lovely… but deadly

Bulabugin ni Jerry Yap

HUSTLER na, estafador at manggagantso pa. ‘Yan ang bungad sa inyong lingkod ng mga biktima ng investment scam ni alyas Lovely… but deadly. Ibang klaseng magpasakay si Lovely but deadly. Sa una, hihikayatin ka niyang mag-invest sa business niya. Siyempre dahil sa prinsipyong kaysa matulog ang pera sa banko o kaya sa vault, ipasok na lang sa investment, kikita pa …

Read More »

BI detention cell mas masahol pa sa New Bilibid Prison! (Attn: Sen. Dick Gordon)

Bulabugin ni Jerry Yap

ISANG matinding sumbong ang nakaabot sa inyong lingkod hinggil sa matinding pagmamalabis na dinanas ng mahigit 277 Chinese nationals na kailan lang ay nakapiit sa BI Warden’s Facility Compound sa Bicutan, Taguig City. Kung matatandaan ang 277 Chinese nationals ay hinuli lahat sa isang investment fraud sa Ortigas, Pasig City mahigit isang buwan na ang nakararaan. Ang 243 sa kanila …

Read More »

Provincial Media Security official itinumba sa Tacurong City

Bulabugin ni Jerry Yap

ISANG dagok na naman sa hanay ng media people ang humambalos nang pagbabarilin nang limang beses si Benjie Caballero, station manager ng Radyo Juan, provincial stringer ng Remate, at presidente ng Provincial Task Force on Media Security, kahapon ng tanghali sa Tacurong City. Hindi pa nga nakahuhuma ang Metro press people nang paslangin si Jupiter Gonzales, kolumnista ng Remate, sa …

Read More »

P10-M bullet proof SUV ng BI official

GAANO kaya karami ang banta sa buhay ng isang opisyal sa Bureau of Immigration (BI) para bumili ng bullet proof na sasakyan? Marami sigurong atraso ang damuhong BI official kaya’t siya ay nagpasiyang bumili ng bullet proof SUV na P10 milyon ang halaga.\ Para sa BI insiders, ang pangunahing atraso ng BI official na kanilang alam ay modus niya na ipitin …

Read More »

Literatura at Lusog-Isip (2)

BILANG pagdiriwang ng Pandaigdigang Buwan ng Lusog-Isip, ipinalabas muli ng Philippine Psychiatric Association (PPA) ang PELI-ISIPAN (Pelikula at Isipan: Sulyap sa Isip sa Likod ng Lente) sa tulong ng Hiraya at Sining at ng Cope UP kamakailan sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) Auditorium sa UP Diliman, Lungsod Quezon. Ito ang pinakaunang pista ng mga pelikulang may kinalaman …

Read More »

Jwahar Aldswari dapat isalang ng NBI-IACAT sa imbestigasyon

Bulabugin ni Jerry Yap

ISANG overstaying na si Jwahar Mohammed Aldswari ang naging kasabwat nitong si Admin Officer Jayson Cutaran sa kanyang human trafficking activities. Siya umano ang naging kontak at kasabwat sa pagpapaalis ng mga turistang Pinoy/Pinay patungong Saudi Arabia dahil sa mga kontak niyang employer. Umabot umano sa mahigit 100 katao ang napaalis ng dalawa, patunay na kasama sa human trafficking activities …

Read More »

Mag-ingat sa raket ng isang Immigration officer (Attn: SoJ Menardo Guevarra)

Bulabugin ni Jerry Yap

NAKATANGGAP tayo ng reklamo mula sa isang malapit na kaanak natin na nabiktima ng estafa ng isang dating Immigration offixer ‘este Officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Tinukoy ng biktima ang isang Jayson Cutaran aka Jun Wei Lee na dating Immigration Officer pero ‘pansamantalang’ nag-resign sa BI.     ‘Di naglaon, dahil nakakuha umano ng konek sa isang staff ng DOJ …

Read More »

“Polio” sinipa ng Taguig City sa kanilang libreng supplemental oral polio vaccination

Bulabugin ni Jerry Yap

UMARANGKADA na ang Taguig City sa kanilang libreng supplemental oral polio vaccination. Ang ultimong layunin niyan, ‘sipain’ at i-knockout ang polio sa kanilang siyudad pero ang naging resulta sila ang may pinakamataas na puntos sa National Capitol Region (NCR).  ‘Yun nga, nanguna ang Taguig sa local government units sa NCR sa pagpapatupad ng “Sabayang Patak kontra Polio” (SPV) campaign ng …

Read More »

K-12 program rerepasohin ng Kamara dahil ‘di nakatugon sa kawalan ng trabaho sa bansa

Bulabugin ni Jerry Yap

IPINAREREPASO ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang K-12 program ng Department of Education (DepEd) dahil hindi nakatugon sa pakay na solusyonan ang kawalan ng trabaho sa bansa. Una nang nagpahayag si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na kailangan rebisahin ang batas na sumasaklaw sa gitna ng mga isyung bumabalot sa sistema ng edukasyon. “The investigation is long overdue …

Read More »

Imbes ending ng ENDO, Party-list Rep gusto 24 months probation para sa mga obrero at ibang empleyado

Bulabugin ni Jerry Yap

IMBES wakasan ang kontraktuwalisasyon o ENDO sa sistema ng paggawa at pag-eempleyo, iminungkahi ni Probinsyano Ako party-list Rep. Jose “Bonito” Singson, Jr., sa kanyang House Bill 4802 na susugan ang Labor Code of the Philippines at gawing 24-buwan ang probation period ng mga obrero at mga empleyado. Aba’y kagaling, ang dami ngang nanawagan na wakasan na ang kontraktuwalisasyon at ENDO, …

Read More »

Albayalde at 13 “Ninja cops”‘guilty until proven innocent’?

NAGHAIN na raw ng kaso ang Criminal In­vestigation and Detec­tion Group (CIDG) laban kay dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Alba­yalde at sa tinaguriang “Ninja cops” na sangkot sa modus na ‘agaw-bato’ noong 2013 sa Pampanga. Si Albayalde ay sinampahan ng mga kasong kriminal: paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) for misappropriation; misapplication or …

Read More »

Batas militar sa mata ng historyador at ng kuwentista

KUMUSTA? Bukas, 24 Oktubre, si Dr. Galileo Zafra ay magbibigay ng panayam na pinamagatang Ang Balagtasan: Kasaysayan at Transpor­masyon ng Isang Anyo ng Panganga­witran. Pinakiusapan niya kami ni Dr. Michael Coroza na magtanghal kahit wala ang T – na si Teo Antonio na ngayo’y nasa California – sa grupo naming kung tawagin ay MTV. Upang maging napapanahon, ang pinili naming …

Read More »

Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nagpaparamdam na sa mga Duterte

Bulabugin ni Jerry Yap

KUNG hindi mapapunta ang ninang sa binyag, dalhin ang binyag sa ninang. Mukhang iyan ang napag-isip ni Marinduque Congressman Lord Allan Velasco nang muli niyang pabinyagan ang kanyang bunsong anak na si Sara sa Davao City nang sa gayon ay makadalo ang ninang nitong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.  Noong una kasing magpabinyag nang bonggang-bongga si Velasco sa …

Read More »

Another one bit the dust RIP Jupiter Gonzales

Bulabugin ni Jerry Yap

MALUNGKOT ang naging wakas ni Jupiter Gonzales. Tinapos ng dalawang balang naglagos sa kanyang ulo ang  kanyang 52-anyos na buhay. Nakikiramay  tayo sa kanyang mga naulila. Pero ang isa sa malungkot na bahagi nito at ang katotohanan na hindi kayang pasubalian, nagpapatuloy ang media killings sa bansa. Si Jupiter ay reporter at kolumnista ng pahayagang Remate at Bagong Toro.               Kilala …

Read More »

Katarungan kay FPJ

Sipat Mat Vicencio

SA DARATING na 14 Disyembre, Sabado, ang ika-15 anibersaryo ng kamatayan ni Fernando Poe Jr. Taong 2004, sa St. Lukes Medical Center, Quezon City, binawian ng buhay si FPJ sa edad na 65. Matagal nang panahon pumanaw si FPJ pero hanggang ngayon ang kanyang alaala ay patuloy na sinasariwa ng taongbayan. Ang kamalayan ng mahabang panahong kapiling nila si FPJ sa …

Read More »

Habang bisita si Pangulong Digong… Away ng Barretto sisters sa lamay ng tatay sumapaw sa isyu ng ‘GCTA’ at ‘Ninja cops’

Bulabugin ni Jerry Yap

ISANG ‘pambansang aliwan’ talaga ang showbiz sisters na walang ginawa kundi ipaglaladlaran ang away nilang magkakapatid sa publiko. Ang alam lang natin, mahilig sa word war ang Barretto sisters, pero nagulat tayo sa pinakahuling insidente na para silang mga manok na panabong na nag-derby sa harap pa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sabi nga ni Senator Christopher “Bong” Go, kung …

Read More »

13 ‘Ninja Cops’ itutumba?

NABABAHALA si da­ting Criminal Inves­tigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Maga­long sa seguridad ng 13 tinaguriang “Ninja cops” na sangkot sa ‘agaw-bato’ noong 2013 sa Pampanga. Sa isang panayam, sabi ni Magalong: “I hope that those involved in the 2013 drug bust in Mexico, Pampa­nga, will finally realize that they are on their own.” Dahil …

Read More »

Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica seryoso laban sa ahensiyang tiwali

Bulabugin ni Jerry Yap

AYON kay Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica, gagawin nila ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan na dawit sa red tape, linggo-linggo. Napakainam na pahayag ‘yan DG Belgica. Parang kumukuti-kutitap na pag-asa ‘yan sa sambayanang Filipino. Mayroon lang pong suhestiyon ang mga kabulabog natin na unahin ninyong sampolan dahil hanggang sa kasalukuyan ay …

Read More »

Ateneo students nagprotesta sa kawalan ng aksiyon vs ‘sexual predators’

Bulabugin ni Jerry Yap

KUNG ang ibang youth and student organizations sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad ay nagpoprotesta laban sa pagtaas ng tuition fees, malupit na hazing, at iba pang isyung panlipunan, ang mga estudynate sa Ateneo de Manila University (AdMU) ay nagpoprotesta ngayon dahil sa ‘kakaibang kalibugan’ (pasintabi po sa termino) ng mga inirereklamong professor. Pero ang higit na ikinapupuyos ng loob …

Read More »

Literatura at Lusog-Isip

HABANG abala sa pirmahan ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Universal Health Care Law (UHC) – o ang Republic Act No. 11223 — ang Kalihim ng Department of Health (DOH) na si Dr. Francisco Duque III, nasa ikasampung palapag naman ang kaniyang mga kawani upang ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng Lusog-Isip. Ginanap ang dalawang makasaysayang okasyong ito noong 10 Oktubre …

Read More »

MRT/LRT railways & platforms hindi ligtas sa pasahero at tila laging nag-aanyaya ng kamatayan

Bulabugin ni Jerry Yap

ILANG beses na bang nagkaaberya ang railways system sa bansa gaya ng LRT at MRT dahil may tumalon, naipit, hindi nagsara ang pinto at kung ano-ano pang aberya na nakababalam sa pagtakbo ng nasabing transport system?! Hindi naman natin masasabing hindi well-travelled ang mga namumuno riyan sa transportation department natin kaya masasabi nating alam nila kung ano ang itsura ng …

Read More »

Chief PNP post ‘pinakawalan’ na ni Oca San

Bulabugin ni Jerry Yap

NAGBITIW, iniwanan o biglang bumaba sa kanyang puwesto bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) si P/Gen. Oscar Albayalde. ‘Yan ay dahil sa nabuhay na isyu ng ‘ninja’ cops na sinabing mga eksperto sa pagre-recycle ng mga nakukuhang ilegal na droga sa malalaking suspek. Tinaguriang ‘ninja’ ang nasabing mga pulis dahil sa kanilang mga sorpresang pag-atake at pandarambong laban sa …

Read More »

Panalo si Panelo!

Sipat Mat Vicencio

KAHIT saang anggulo tingnan, panalo si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa commute challenge na ipinanawagan ng makakaliwang grupo para patunayan kung tunay na umiiral ang tinatawag na “mass transport crisis” sa Metro Manila. Hindi inakala ng marami na tatanggapin ni Panelo ang kanilang hamon, at sa halip mabilis na ikinasa ng presidential spokesperson ang commute challenge, at simula sa kaniyang …

Read More »

Deportation ng 106 Pinoy illegal workers mula Iraq

IPINAGMALAKI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang napaulat na pitong tourist workers ang naharang umano ng kanyang mga tauhan sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) bago makaalis patu­ngong Malaysia, kama­kailan. Ayon kay Morente, lima sa kanila ay peke ang mga dokumento at mula sa Malaysia magtutungo sana sa Australia para magtrabaho. Napag-alaman pa umano ng mga BI personnel …

Read More »