PAHAYAG ng Department of Trade and Industry (DTI), sapat ang supply ng commodities partikular ang mga bigas kaya walang dapat ipag-alala ang taong bayan at ‘di dapat mag-panic buying dahil sa idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte nang isang buwan na lockdown. Pero ang tanong ng bayan, paano na ang mga manggagawa na “No work No pay!?” Gaya ng mga nagtatrabaho …
Read More »‘Lockdown’ man ‘yan o ‘community quarantine dapat ipatupad nang handa ng IATF-COVID-19
GAANO kahanda ang Inter-Agency Task Force COVID-19 sa pagpapatupad ng ‘lockdown’ o ng ‘community quarantine?’ Alam kaya o nagkakaisa kaya ang mga awtoridad sa kanilang pag-iisip kung ano ang itsura o ano ang mangyayari kapag ipinatupad nila ang ‘community quarantine?’ Mukhang ang sagot po sa dalawang tanong na ‘yan ay bold capital letters na “HINDI PA PO!” Nang magsimula ang …
Read More »Leftist group at ang COVID-19
DITO natin masusubukan ang tindi at lupit ng mga grupong makakaliwa, sa gitna ng paglaganap ng COVID-19, kung magsasagawa sila ng mga kilos-protesta matapos ang deklarasyong ‘lockdown’ sa Metro Manila ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte. Dahil nga sa walang ginawa kundi magpropaganda, nakatitiyak tayong maghahanap ng ‘butas’ ang mga dogmatikong organisasyong kaliwa para mapuna si Digong at sisihin ang kanyang …
Read More »Chinese occupation posible?
NANAWAGAN si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte sa Kongreso na magpasa ng batas para maging legal ang Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) ng mga Genuine Intsik (GI) sa bansa. Sabi ni Digong, “I want it legalized. If they can pass a law about POGO, fine, go ahead. Supervise it by law. Hindi kami (Not us).” Katuwiran ni Digong, kaya pinapayagan niya ang …
Read More »Magkaisa laban sa coronavirus (COVID-19)
HINDI biro ang hinaharap na pagsubok ngayon ng buong mundo dahil sa patuloy na pagkalat ng coronavirus o COVID-19. Likas man ito o bio-chemical warfare na ipinakalat umano ng mga kolonyalista, wala na tayong magagawa kundi harapin ito nang buo ang loob, may pagkilala sa ating mga lider, nagkakaisa at higit sa lahat may pananalig sa Dakilang Lumikha. Hindi emosyon …
Read More »Self-imposed community quarantine o lockdown?
SIMULA sa 15 Marso 2020, araw ng Linggo, ipatutupad na ang community quarantine sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila. Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Año, ilan sa mga klaripikasyon on #NCRQuarantine because of #Covid19 ay: (1) Hindi ito total lockdown. We’re just restricting movement, going in and outside of Metro Manila. (2) …
Read More »‘Manunuhol’ dapat ipahuli, at asuntohin ni Sen. Dick Gordon
INAMIN ni Blue Ribbon Committee chairman Senador Richard Gordon sa panayam sa senado na tinangka siyang suhulan ng Rodriguez group kapalit ng pagpapatigil ng pagdinig sa anti-money laundering law o pagpasok ng milyon-milyong dolyares ng naturang grupo sa paliparan na hinihinalang pera ng mga Chinese national na pumapasok sa bansa. Ayon kay Senator Gordon, lumapit sa kanya ang isang kaibigan …
Read More »I.T.A.L.Y.
KUMUSTA? Sa pagpasok ng linggong ito, sabay putok ng balita na umabot na sa 9,172 ang pinatunayang kaso ng coronavirus disease (COVID 19) sa Italya. O, mula sa 97, umabot sa 463 ang namamatay na Italyano. O 60% sa kanila ang pumapanaw araw-araw. Dinaig na nga nila ang mga taga-South Korea. Kaya, nagpasiya ang Prime Minister ng Italya na si …
Read More »Handa ba talaga sa “State of Public Health Emergency” ang pamahalaan?
HANDA ba talaga ang pamahalaan na magpatupad ng “State of Public Health Emergency” kaugnay ng krisis sa coronavirus o COVID 19? E kasi ba naman, masyado tayong nagtataka kung bakit tuwing haharap sa panayam ang mga opisyal ng gobyerno at Department of Health (DOH) e parang wala silang alam gawin kundi takutin o alarmahin ang sambayanan. Sa araw-araw yatang ginawa …
Read More »Ilegalista sa NAIA Terminal 1 winalis ni APD manager Col. Jose Rizaldy Matito
UNA, nagpapasalamat po tayo sa mabilis na pagtugon ni Airport Police Department (APD) manager, Col. Jose Rizaldy S. Matito sa inilabas nating kolum hinggil sa mga naglipanang ilegalista sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na walang awang binibiktima ang mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) at turista. Hindi lang OFWs, inilagay pa sa kahihiyan ang ating bansa …
Read More »Silang mga babae sa 2022
SA pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, hayaan ninyong isa-isahin ko ang mga babaeng politiko na maaaring mamuno sa Filipinas sakaling sila ay tumakbo sa nakatakdang May 9, 2022 presidential elections. Kung bibilanging lahat, siyam ang mga babaeng kwalipikadong maging kandidato sa pagkapangulo, at malamang na masungkit ng isa sa kanila ang pinakamataas na puwesto kalaban ang mga lalaking politiko na …
Read More »COVID 19, to whom it may concern na!
KRITIKAL ang kondisyon ng 62-anyos lalaking positibo sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH). Siya ang ika-5 sa kompirmadong tinamaan ng COVID-19 infection sa bansa. Pinangangambahan na magiging mabilis ang pagkalat ng virus sa bansa matapos makompirma na pati ang kanyang maybahay na 59-anyos ay nagpositibo rin sa COVID 19. Sila ang maliwanag na ebidensiyang mayroon nang “local transmission” ng …
Read More »Malungkot ba sa buhay niya o nambu-bully si Atty. Topacio?!
ITINATANONG po natin ito dahil hindi po ako makapaniwala na ang isang abogadong tinatagurian ang kanyang sarili na ‘celebrity lawyer’ ay aasal na gaya sa isang ‘kanto boy.’ Kaya sa decorum pa lang, laglag na itong si Atty. Topacio. Nitong nakaraang Biyernes, matapos ang aming hearing sa Pasay City, ipinakita sa amin ni Atty. Ferdinand Topacio kung anong klaseng tao …
Read More »Mahihilig sa malls mag-ingat
NAKAAALARMA hanggang ngayon ang pagkalat ng coronavirus, at ilang bansa na ang apektado. Nanganganib na rin magkaroon ng mga travel ban gaya sa bansang Japan o Italy. Kaya ang mga kababayan nating nagbabalak magbakasyon sa ating bansa ay naudlot o ipinagpaliban sa pangamba na ‘di agad makabalik sa pinanggalingan kung saan naroon ang kanilang trabaho lalo na ‘yung may pamilyang …
Read More »Si Kim Chiu at ang peace and order sa panahon ni PNP Chief Archie Gamboa
KUNG sensitibo sa usapin ng peace & order ang Philippine National Police (PNP), ang tangkang ambush on a broad daylight sa isang bisinidad na itinuturing na middle class community, ay isang nakaaalarmang sitwasyon — si Kim Chiu man o hindi ang sakay ng Hyundai H350. Kung gabi nangyari ang ambush, sasabihin nating pinili ng mga suspek na roon isagawa ang …
Read More »Natumbok ni Senator Richard Gordon… Paglabag ng homeowners association officials huling-huli sa camera
TUMBOK na tumbok ni Senator Richard Gordon ang matagal nang hinaing ng homeowners sa Multinational Village sa Parañaque City. Ilang beses na po nating tinalakay sa ating kolum ang mga isyung illegal structure, illegal constructions, at paglabag sa R1 Zoning. R1 Zoning is one of the most commonly found zoning types in residential neighborhoods. Sinasabi rito ang single-family homes to be built, with …
Read More »Kape’t Ka Pete
KUMUSTA? Noong 1999, idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na World Poetry Day tuwing Marso 21. Naniniwala kasi ang UNESCO sa kapangyarihan ng tula upang katawanin ang malikhaing kaluluwa ng diwa ng tao. Tula ang patotoo sa pagiging tao ng bawat isa sa pamamagitan ng pahayag o pagpapahayag na ang tao, saan mang sulok ng mundo, …
Read More »Purga
NGAYONG darating na Marso 29, ipagdiriwang ng mga pulang mandirigma ang ika-51 anibersaryo ng pagkakatatag ng New People’s Army o NPA. Ang NPA ay ang brasong militar ng Communist Party of the Philippines na pinamumunuan ni Jose Maria Sison. Si Joma, ang milyonaryong hukluban na nagtatago sa The Netherlands, ang siyang nagpapatakbo ng armadong rebolusyon sa Pilipinas sa mahabang panahon …
Read More »Namantikaan sa ‘pastilyas’ at VUA raket nagtuturuan
MATAPOS ituro na siya ang ‘protektor’ ng mga tiwaling opisyal at empleyado sa Bureau of Immigration (BI) sa nabulgar na ‘Pastillas’ raket, binuweltahan ni dating Department of Justice (DOJ) secretary Vitaliano Aguirre II si columnist cum Special Envoy to China Ramon Tulfo at kapatid na si Wanda Tulfo-Teo, dating kalihim ng Department of Tourism (DOT). Bagama’t umamin si Aguirre na siya ang …
Read More »‘Pastillas 19’ nalabusaw pero malabnaw
KUNG sa opinyon ng maraming nakapanood sa hearing ng komite ni Senador Risa Hontiveros tampok ang isyu ng sex trafficking sa hanay ng POGO workers na ‘di naglaon ay napunta sa ‘Pastillas scam’ ay malaking usapin ang kanilang natisod, hindi sa mga tinatawag na ‘eksperto’ sa kalakaran sa loob ng Bureau of Immigration (BI). Ayon sa ilang mga taga-BI, tila …
Read More »Ilegalista sa NAIA terminal 1 naglipana
HANGGANG gayon pala ay namamayani ang grupo ng mga ilegalista sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1. Kaya nagtataka tayo kung bakit sinasabing mahigpit ang seguridad sa NAIA pero nakalulusot ang mga ilegalista?! Totoo kayang itong grupo nina Yurhi, Lakap, Ed Tulo, Gulay bros, Milher, Pinky, May, Mimi, Judith, at Marisel ay protektado ng isang Kapitan? Ang grupong ‘yan …
Read More »Power tripper si Cayetano sa ABS-CBN franchise renewal
KUNG napakalakas mag-power trip ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa ‘pagbara’ sa hinihinging franchise renewal ng ABS-CBN Corp., biglang nag-iiba na ngayon ang takbo ng mga pangyayari. Nauubusan na yata siya ng boltahe at tumitiklop na sa isang malaking gusot na siya rin naman ang may kagagawan unang-una. Pero ang matindi, ipinapasa na niya sa iba ang problema. Kung …
Read More »Chinese military o hitmen?
NABABALOT ng malaking misteryo ang madugong kaso ng patayan nitong nakaraang linggo sa isang Chinese restaurant sa Makati. Palaisipan daw sa mga awtoridad ang Chinese military ID ng bumaril at nakapatay kay Yin Jian Tao na noong Huwebes ng gabi ay binaril sa mismong VIP room ng Jiang Nan Hot Pot restaurant sa barangay Bel-Air. Mukhang nagkakatotoo ang isa sa mga …
Read More »Isyung privatization ng NAIA maingay, MIAA employees tutol
TAHIMIK… Tila ‘punebreng papailanlang’ ang ‘katahimikan’ bilang simbolo ng protestang ilulunsad ng mga empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) tuwing lunch breaks laban sa planong privatization ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Iniisip ko pa lang ay kinikilabutan na ko sa anyo ng protestang ito. Tahimik na parang magluluksa? Paano kaya ito gagawin ng mga empleyado?! Walang tigil ang …
Read More »Manalangin laban sa 2019 NCOV
DUMATING na rin ang Department of Health (DOH) medical team na sumundo sa 30 kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) mula Wuhan, China. Dinala agad ang mga kababayan natin sa Athlete’s Village sa New Clark City, Tarlac. In fairness sa pamahalaan – DOH, maraming salamat sa hakbangin para ilayo o iligtas ang 30 OFWs sa Wuhan, China na pinagmulan ng …
Read More »