Thursday , November 14 2024

Opinion

Breakfast forum ni Mayor Fred Lim biglang dinumog

NAKAGUGULAT ang biglang pagdami ng mga nagsisidalo, umaaligid o nagsi-uzi sa Breakfast Forum ni Mayor Alfredo Lim. Dati kasi ang nakikita nating regular na dumarating lang ay sina Itchie Cabayan, Jerry Tan, Caloy Baltazar at ilang beterano at ilang senior citizen na hindi na kayang tawaran ang katapatan at paghanga kay Mayor Lim. Pero nagulat tayo nang mapansin natin na …

Read More »

Sumisirit na presyo at buwis pasabog ng 2015

PAGKATAPOS ng dagdag-pasahe sa MRT at LRT na talagang ikinadesmaya ng sambayanang commuters (mula P15 naging P37) heto na naman ang taas-singil sa serbisyong tubig. Hindi pa nga natin nararamdaman ang komportableng serbisyo ng dalawang concessionaire ng Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS), nagkaroon pa sila ng lakas ng loob na magdagdag ng singil sa kanilang serbisyong mas mabilis lang …

Read More »

Another big PDEA’S great escape

May nagpadala po, bayan, kay Mayor Afuang ang isa niyang avid leader na empleyado ng PDEA, na naglalaman ng isang papeles na nag-uulat ng kanilang isasampang kaso sa ombudsman vs. PDEA D.G. Arturo Cacdac Jr. et’al. Pangulong Noynoy, narito po mahal naming pangulo ang isang kalulunos-lunos na pagtakas sa PDEA under the leadership of D.G. Arturo Cacdac Jr. October 15, …

Read More »

Granada pinasabog sa Bilibid Gang War

NOONG umaga ng Huwebes ay nakatanggap tayo ng sumbong na isa ang patay at marami ang sugatan sa gang war umano sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prison. Agad natin itong inalam at nakumpirma na isa nga ang nasawi at 19 ang sugatan sa pagsabog ng granada sa Building 5 ng maximum security compound kung saan nakapiit …

Read More »

Trabaho sa abroad hindi sagot sa kahirapan

KAPIT minsan sa patalim para mabuhay, ito ang isa sa mga paraan ng ating mga manggagawa dahil sa hindi makataong pagtingin sa kanila ng kanilang mga employer maging ito man ay dayuhan o lokal. Ito ang nararanasan ng ating mga lokal na manggagawa sa mga pabrika maging sa mga tanggapan ng gobyerno o maging pribado. Gusto sana ng ating manggagawa …

Read More »

Sino ang dapat managot sa pagpaslang kay Nerlie Ledesma!?

NAKATATAKOT na dumarating tayo sa panahon na wala tayong magawa kundi makiramay at kondenahin ang pamamaslang sa isang kasama sa larangan na ating ginagalawan. Sa Bisperas ng translasyon ng Itim na Nazareno at ilang araw bago dumating si Pope Francis sa bansa, buena mano ang dugo ni Nerlita “Nerlie” Ledesma, isang mamamahayag na nakabase sa Bataan at news reporter ng …

Read More »

Papansin si MMDA Chairman Tolentino

NATAWA naman ako rito sa hakbang ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino. Pagsusuutin niya ng diaper ang kanyang mga traffic enforcer na aalalay sa prusisyon ng Black Nazarene sa Maynila ngayon. Maging komportable naman kaya ang traffic enforcer na naka-diaper? Magawa kaya nilang magwewe o dumumi sa diaper? Kung sakali naman, hindi ba papanghe at mangamoy naman …

Read More »

Angeles City Mayor next target naman ni “Leon Guerrero”

TILA naging kultura na ang “pakapalan ng mukha” ng mga opisyal ng gobyerno sa ating bansa. Kahit tambak ang kinasangkutang kaso o eskandalo sa korupsiyon, sila pa ang malalakas ang loob na ayaw umalis at lumayas sa poder ng kapangyarihan. Gaya na lang ni Senator Manuel “Lito” Lapid, nagdeklara siya na kakandidatong mayor ng Angeles City dahil ang kanyang termino bilang …

Read More »

May gustong magpahamak kay Sen. Grace Poe

MARAMING nang-uurot kay Senadora Grace Poe na tumakbo sa presidential elections sa Mayo 1016. Ano man ang kanilang mga motibo, waring itinutulak nila sa malalim na banging pampolitika ang anak ng yumaong si FPJ na nasa unang termino pa lamang sa Senado. Pero nag-iisip si Sen. Poe, mas may pagninilay-nilay kaysa mga nang-uurot na gusto siyang patakbuhin sa pinakamataas na …

Read More »

May pakana sa MRT/LRT fare hike makapal

Una sa lahat ay ibig kong batiin ang ating mga mambabasa ng isang makabuluhang pasko. Harinawa ay maging masaya ang panahong ito para sa ating lahat. * * * Sa kabila ng paggunita natn sa pagsilang ng ating taga-pagligtas na si Hesus ay marami sa atin ang patuloy pa rin na nagwawalanghiya. Una na rito ay ang mga taksi drayber …

Read More »

Hindi kaya ma-Corona si VP Jojo Binay sa kanyang new spokesman?

ISANG litigation lawyer daw ang bagong tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay — isang Atty. Rico Quicho. Kilalang litigation lawyer pero hindi na siya bago sa trabahong pagiging spokesman dahil ganito ang naging trabaho niya kay impeached Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Si Cavite Gov. Ronvic Remulla naman, gaya ng sinabi niya hanggang Disyembre 2014 lang siya kaya ngayon …

Read More »

QC CAP sa Commonwealth, effective!

IYAN na nga ba ang sinasabi ng nakararami, kaya raw maraming nawawalan ng tiwala sa mga alagang constable ni MMDA chairman Francis Tolentino ay dahil marami-rami na rin sa kanila ang abusado na animo’y hari ng bansa o daig pa si PNoy. Kunsabagay, illegal DAP lang naman ang kailegalan ni PNoy (ayon sa Korte Suprema iyan ha) kasabwat si DBM …

Read More »

Mga amateur na Senador

ITO ang analysis ng political observers sa nakaraang pagbanat kay Vice President Jejomar Binay ng kating- kating mga senador na sina Koko Pimentel, Peter Cayetano at Antonio Trillanes kuno ay mga ill-gotten wealth ng nasabing opisyal. Halos ibato na nila ang buong kitchen sink para gibain nang todo-todo si VP Binay. Aminin man at hindi, nasaktan din si Binay sa …

Read More »

Jueteng all the way sa Isabela

MUKHANG nagkakaisa ang local government unit at pulisya sa Santiago City, Isabela kapag pagkukuwartahan ang pinag-uusapan? Isang alyas JOE DELA KRUS at ROBERT NGO-NGO ang matunog na matunog ngayon na siyang may hawak ng JUETENG sa nasabing lalawigan. Ang impormasyon na nakarating sa atin, nanghihiram umano ng kapal ng mukha ang dalawang ‘yan sa isang Kamaganak Inc., ni Mayor Joseph …

Read More »

PNoy pupunta sa Romblon sa Biyernes

INAABANGAN na ng aking mga kababayang Romblomanon ang pagdating ni Pangulong Noynoy Aquino sa lalawigan sa Biyernes. Nasa Romblon na nga ang advance party ni PNoy na sakay ng BRP Pangulo ng Philippine Coast Guard. Wish ng mga Romblomanon, makita ni PNoy ang mga sirang tulay lalo na sa Espanya, San Fernando at mga bako-bako na kalsada ng “marble country.” …

Read More »

PNoy dapat tutukan ang 4Ps ng DSWD

PANAHON na siguro para tingnan at busisiin din ni PNoy ang DSWD na pinamumunuan ni Dinky Soliman. Hindi kasi maganda ang findings ng COA na malinaw na maraming palsong nagawa ng natu-rang ahensiya lalo na sa implementasyon ng 4PS o CCT dahil sumablay daw ibigay sa mga tunay na nangangailangan ang tulong ng pamahalaan. Malinaw kasi sa 2013 financial report …

Read More »

BJMP official na “BFF” ni Peter Co nakasalang for promotion!? (Attn: SILG Mar Roxas)

MATINDI raw talaga ang kamandag ng pera nitong si convicted drug lord Wu Tuan Yuan alias Peter Co na siyang nakuhaan ng matataas na kalibre ng baril at daang libong pera nang salakayin ng grupo (NBI) ni Justice Secretary Leila De Lima ang National Bilibid Prison nitong nakaraang buwan. Walang kaduda- dudang kahit nasa karsel, patuloy pa rin na namamayagpag …

Read More »

Tama ‘yan, mamamayan muna! at Paalam Papa Pianong

HAPPY New Year! Naniniwala akong masaya ang inyong pagsalubong sa bagong taon – masaya dahil kompleto ang inyong pamilya, masaya dahil binig-yan tayo uli ng Panginoong Diyos ng panibagong pagkakataon na maglingkod sa kanya – gawin ang mga plano niya para sa atin at masaya dahil wala rin naputukan sa inyo. He he he… Lamang, nakalulungkot ang mga naririnig kong …

Read More »

LTFRB inasunto sa Ombudsman

UNA sa lahat ay binabati ko kayong mga matapat kong mambabasa ng isang mapagpalaya, at mapagyamang bagong taon. Mabuhay tayong lahat nang matiwasay at puno ng kaligayahan sa taong ito. * * * Ibig ko rin magpasalamat sa pamilya Zurbano, lalo na sa mag-asawang Joel at Grace at mga anak, dahil sa kanilang mainit na pagtanggap sa inyong lingkod nitong …

Read More »

Pagpapalakas sa NDRRMC

SA TAKBO ng kasalukuyang panahon na madalas tamaan ng kalamidad ang ating bansa bunga ng lupit ng kalikasan, kapabayaan ng tao at iba pang trahedya ay mahalagang mapalakas ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa pagbibitiw sa puwesto ni Secretary Panfilo “Ping” Lacson bilang pinuno ng Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR) sa …

Read More »

Maligayang Bagong Taon

MAGANDANG bagong taon po sa lahat ng ating mga suki and prens na mambabasa ng ating kolum. Sana maging masagana ang taong ito para sa inyong lahat at magdulot ng kaayusan at kasaganahan sa inyong mga pamilya. Binabati rin natin ang Customs officials for doing a good job under the Aquino Administration. Last year, the commissioner of customs John Sevilla …

Read More »

‘Di sangkot sa traffic incident si Cadete “Choy” Cataluna

NAGING laman kahapon ng backpage ng Police Files TONITE ang isang Cadete na si “Choy” Cataluna ng Tondo, Manila. Sa ulat ng aming reporters na sina German Roque at Andi Garcia mula sa blotter ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) na ang imbestigador ay si PO3 Jayjay Jacob, sinasabing si Cadete Kris Antonel “Choy” Cataluna kasama sina …

Read More »

MET P40-M lang kay Mayor Lim, P200-M kay Erap

LUSOT sana ang pagpapanggap ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na nagmamaskarang may malasakit sa historical at cultural heritage kung hindi nagkaroon ng transaksiyon sa pagbawi ng makasaysayang Metropolitan Theater (MET) ang administrasyon ni Mayor Alfredo Lim noong 2007 sa Government Service Insurance System (GSIS). Hindi siguro ibinenta ng “de facto mayor” ang makasaysayan din namang Army …

Read More »

Lungga ng mga criminal ginalugad ng ‘Task Force Galugad’ ng SPD

FOR the first time ay umaksiyon ang pamunuan ng Southern Police District Office laban sa mga pinaghihinalaang kriminal na naglulungga sa Pasay City. Kahapon ng madaling araw sa pamumuno ni SPDO director Chief Superintendent Henry Ranola, ginalugad ng combined team ng SPDO operatives at ng pulisya ng Pasay City ang mga kalye, eskinita na nakasasakop sa public market ng lungsod. …

Read More »

Saan napunta ang P2.57-Bilyon Pabahay para sa mga biktima ng bagyo, Madame Dinky?!

HINDI natin hinahangad na maranasan ni Social Welfare and Development Secretary Donkey ‘este Dinky Soliman ang matulog sa bangketa o ‘yung walang masulingan at masilungan habang hinahampas ng malakas na hangin at ulan… Pero kung hindi niya maipaliliwanag kung saan napunta ang P2.57-bilyon ‘e pwede bang ang maging parusa sa kanya ‘e ‘yung ilagay natin siya sa gitna ng rumaragasang …

Read More »