Saturday , November 23 2024

Opinion

Sen. Grace Poe idiniin o inabsuwelto si PNoy!? (Bagito pero matikas)

MAY pananagutan si Pangulong Benigno Aquino III sa Mamasapano incident pero hindi siya maaaring parusahan dahil sa kanyang immunity bilang pangulo ng bansa. Hindi rin naman umano siya puwedeng i-impeach dahil ang ‘pananagutan’ niya sa Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 kagawad ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) ay hindi ka-impeach-impeach. Ang isang klaro sa committee report …

Read More »

Sorry po…. ‘yon lang naman daw!

ANOMAN pangangatuwiran, anoman pagpapalusot, anoman klaseng paninisi, pagtuturo, hindi pa rin nito mababali ang katotohanan. Hindi lang ang pinangunahang BOI ni Chief Supt. Benjamin Magalong, CIDG Director, ang nagtuturo kung sino ang dapat managot sa pagmasaker sa 44 SAF noong Enero 25, kundi maging ang committee na pinangunahan ni Senador Grace Poe. Yes, isa lang ang naging takbo ng konklusyon …

Read More »

Garcia, palpak ang pamamalakad sa SBMA

HABANG patuloy na ipinagkakait ni Subic Bay Metropolitan Authority  Chairman Roberto Garcia sa mga empleado ng SBMA ang itinakda ng batas na tamang pasahod, pinapaboran naman niya ang mga alipores sa ahensiya. Isa sa sinasabing nakatanggap ng biyaya kay Chairman Garcia ang kanyang Chief of Staff  na si Atty. Moe Villamor.  Ayon sa ating nakalap na impormasyon, taon-taong itinataas ni …

Read More »

Largado ang tayaan ng bookies ng STL sa Laguna; Bakit tameme si Col. Saligao?

HANGGANG sa kasalukuyan ay aktibo pa rin ang illegal na operations ng bookies ng Small Town Lottery sa iba’t ibang municipalidad sa lalawigan ng Laguna. Ilang beses na itong napatunayan ng mga operatiba ng Philippine National Police-Task Force Tugis na  naka-based sa Camp Crame nang sila ay magsagawa ng simultaneous na illegal gambling operations sa bayan ng Los Baños City, …

Read More »

Malate Police Chief Supt. Romeo M. Odrada tiniyak na hindi sila nangha-harass ng vendors

ISANG liham po ang ipinadala ni Malate (Manila) Police chief, Supt. Romeo Odrada sa inyong lingkod kaugnay ng nailathala nating email/reklamo sa ginawa umanong pangha-harass ng mga pulis sa mga vendor na nasa A. Mabini St., sa harap ng Harrison Plaza at sa Adriatico St., sa pagitan ng P. Ocampo at Leveriza streets. Sa kanyang liham, ipinaliwanag ni Kernel Odrada …

Read More »

Trust ratings ni PNoy bumagsak to the max!

EXPECTED ito! Bumagsak nang todo ang approval at trust ratings ni President Benigno “Noynoy” Aquino III sa latest survey ng Pulse Asia. Ito na ang pinakamababang ratings ni PNoy simula nang maluklok noong 2010. Mula sa 59 percent noong November 2014, ang kanyang approval rating ay sumadsad sa 38% nitong Marso 2015, habang ang kanyang trust rating ay lumagpak mula …

Read More »

Dapat nang kalusin ang pamilya Binay!

AYON kay Vladimir Lenin, “A lie told often enough becomes the truth.” Nagiging parang totoo sa isang sinungaling ang anomang bagay na alam niyang kasinungalingan pero paulit-ulit niyang sinasabi. Walang ipinagkaiba ‘yan sa pamilya Binay, parang sirang-plaka,  paulit-ulit na sinasabing politika lang ang nasa likod ng mga isyu ng katiwalian laban sa kanilang angkan. Kahit batid nila na kasinungalingan ito, …

Read More »

Parañaque Budget Head hiniling ipa-lifestyle check (Attention: Ombudsman)

ILANG mga taal na taga-Parañaque na nagtatrabaho sa city hall ang lumapit sa inyong lingkod at nakiusap na tulungan sila para maipa-lifestyle check o mapaimbestigahan ang hepe ng kanilang budget office. Kung hindi tayo nagkakamali, ang kanilang hepe na si Flocerfida Babida ay siya rin hepe noong panahon ni Joey Marquez. Ayon nga sa mga naggugumiit na ipa-lifestyle check si …

Read More »

Natumbok ang tuwid na daan!

IYAN si Chief Supt. Benjamin Magalong, director ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) may ‘balls’ na ‘banggain’ ang pangulo ng bansa. Este, hindi lang pala si Magalong kundi maging ang tropa niya sa Board Of Inquiry na nagsagawa ng imbestigasyon sa Mamasapano, Maguindanao massacre. Pinanindigan ng mama ang sinabi niyang walang mangyayaring whitewash sa imbestigasyon sa pagmasaker sa …

Read More »

GSIS loan ng BOC bakit natetengga?  

MARAMING nagrereklamo ngayon na hanay ng Bureau of Customs personnel tungkol sa kanilang personal loan sa GSIS na umaabot halos ng dalawang buwan na naka-pending sa GSIS. Ito raw ay dahil may requirement po yata na kailangan from BOC-HR to be submitted for approval ng kanilang mga personal loan. Ayon sa BOC employees, tila walang gumagana at bumagal ang proseso …

Read More »

DENR secretary resign muna kung tatakbong Albay gov

NGAYONG last term na ni Governor Joey Salceda sa Albay, marami ang nangangarap na masungkit ang kanyang puwesto. Isa na nga raw dito si Department of Environemnt and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje. ‘Yan ang problema natin sa ilang nakapupuwesto sa pamamagitan ng kanilang political alliances. Masyadong nasasarapan! Kaya kapag nakakita ng pagkakataon sinusunggaban agad. Pero dahil karapatan ng …

Read More »

  ‘Tuwid na Landas’ isinubo ni PNoy sa 2015 PMA Class

SA graduation rites kahapon ng mga batam-batang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa Philippine Military Academy (PMA) ‘Sinaglahi Class 2015’ sa Fort del Pilar, Baguio City, isinubo ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang ipinangangalandakang “Tuwid na daan.” “Ang hamon ko sa inyo, ipagpatuloy ang nasimulan ng nauna sa inyo upang di masa-yang ang sakripisyo sa bayan. …

Read More »

Anarkiya sa Makati

UNLIMITED ang itinatanghal na paglabag sa batas ni Mayor Junjun Binay at ng kanyang angkan sa Makati City Hall, pero walang ginagawa ang gobyerno para pigilan o wakasan ito. Kailan pa naging wasto na gawing bahay ng isang opisyal ng pamahalaan at pamilya ang isang tanggapan ng gobyerno? Hindi ba maliwanag na “obstruction of justice” ang pagbabarikada ng mga bayaran …

Read More »

Para kanino ba sina Deles at Ferrer?

ANG kabayanihan ng 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force na pinatay ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Mamasapano ay nagmulat sa ating lahat tungkol sa pa-nganib na dala ng Bangsamoro Basic Law sa ating republika. Dahil sa walang awang pagmasaker ng MILF at BIFF sa mga PNP-SAF commandos noong Enero 25 ay …

Read More »

Bakit ayaw umalis ni Yorme Junjun sa Makati?  

DESIDIDO ang mga Binay na huwag bitawan ang Makati City. Ilalaban nila sa iba’t ibang paraan at proseso ang pananatili nila sa Makati. Ganito ang ginagawa ngayon ng suspendidong si  Mayor Jejomar Erwin  “Junjun” Binay Jr. Hindi ito nakapagtataka, dahil ganito ang kultura at sistema ng politika sa ating bansa . Nagkaroon lang tayo ng batas na nagbabawal sa nepotismo …

Read More »

Minadali raw ang kaso ni Mayor Binay?

ANG mga politiko kapag nakakasuhan ng katiwalian, ang palusot nila: “Politika lang ‘yan!” Kapag napabilis naman ang desisyon sa kaso at hindi pabor sa kanila, sasabihin nila: “Pinipersonal kami. Hindi na kami binigyan ng pagkakataong makasagot.” Kapag sila naman ang nagsampa ng kaso sa kalaban at medyo natagalan ang desisyon ng korte, sasabihin nila: “Tutulog-tulog ang Ombudsman.” Itong paglabas ng desisyon …

Read More »

Failure of Leadership

IBANG klase talaga ang espesyal na Pangulong BS Aquino kasi mukha talagang totoo ang paratang ng kanyang mga kritiko na siya ay mahilig magturo ng kung sino-sino at manisi ng iba tuwing may aberya. Siguro nga bagay sa kanya ang tawag na “Boy Sisi” o “Boy Turo.” Isang halimbawa ang kasalukuyang problema ng MRT at LRT. Akalain ba naman ninyo …

Read More »

Walang lulusot na kontrabando sa BOC alert order  

LUMABAS sa mga pahayagan kamakailan ang balita tungkol sa sunod-sunod na pagkahuli ng mga kontrabando na tinangkang ipuslit palabas sa BUREAU OF CUSTOMS. Nasakote ang mga kontrabando dahil sa mga alert order na inisyu ng BOC-Intelligence Group at Enforcement Group sa mga pinaghihinalaan nilang kargamento na may ‘tama.’ Ipinakikita lang nila sa ating mga mamama-yan na ang Customs ngayon ay …

Read More »

On-duty id para sa airport media tinapyasan ulit ng access (Pero si Airport Concession King, all-areas ang ID!)

IBANG klase raw ba talagang mag-isip ang mga taong sinasabing ‘think tank’ ni MIAA GM Jose Honrado? Para kasing sa bawat desisyon nila ay may kalakip na depensa sa ipinatutupad na patakaran. Tulad nang inilabas na bagong 2015 On-Duty ID ng MIAA na inisyu sa airport in-house reporters.  Huli na nga nilang ini-release ay parang pinag-tripan pa raw!? Unang tinarantado …

Read More »

Maguindanao Massacre malabo na ang hustisya

NABULAGA ang buong bansa sa desisyon ni Quezon City RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes na payagang magpiyansa ng P11.6–M ang isa sa mga pangunahing akusado sa Maguindanao massacre na si dating Maguindanao officer-in-charge Gov. Sajid Ampatuan. Para kay Solis-Reyes ang presensiya ni Sajid sa mga pulong nang pagpaplano na isakatuparan ang Maguindanao masaker ay hindi konklusyon na malakas ang …

Read More »

‘Gisting Buriki’ humahataw  sa Pulilan Bulacan (Bulacan PNP nganga!?)

WALANG takot ang isang alyas ‘Gisting’ sa pag-o-operate ng ilegal na ‘buriki’ sa Pulilan, Bulacan, na isinasagawa niya sa tungki ng ilong ng tatanghod-tanghod na pulisya sa naturang bayan. Ayon sa ating Bulabog boy, lantaran at garapalan na halos kung isagawa ni alyas ‘Gisting’ ang pambuburiki ng soya beans mula sa trucking na bumibiyahe sa iba’t ibang parte ng Luzon. Gamit …

Read More »