HOLDAPAN, prostitusyon, mga kababaihang naglipana sa kalye na nagbebenta ng pandaliang aliw, akyat-bahay, lahat ‘yan ay hindi naaksiyonan ng pulisya diyan sa Antipolo. Bulag at bingi ang mga awtoridad. *** Dapat siguro ay sipain na ang hepe ng pulisya sa Antipolo, dahil walang silbi! Iniaasa na lamang ang lahat sa mga tamad niyang tauhan! Pagbabalik ni ER Ejercito Mahigpit na …
Read More »Presidential bets Jojo Binay at Digong Duterte nagbabangayan na
NOONG napanood natin ang Pili/PINAS Debate para sa mga presidential bets nitong March 20 sa University of the Philippines Cebu, ‘nakyutan’ tayo sa bak-apan at purihan nina Vice President Jejomar Binay at Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte sa isa’t isa. Ang sabi pa nga ni Digong, “We are (siya at si Binay) the only qualified candidates to run for …
Read More »PNP ‘apolitical’ nga ba?
SA mga huling ulat sa lahat ng pahayagan mula noong pumutok ang balita na nakita ng mediamen ang apat na heneral ng PNP na umano’y kausap ang isang staff ng isang presidentiable sa Nuvotel sa Cubao, Quezon City hanggang kahapon, maraming mga kasama sa pagsusulat ang di-makapaniwala na hindi ito kulay-politika tulad ng isang nagpahayag na sila’y nagmiting lang umano …
Read More »‘Taxi driver’ na kawatan, rapist timbog
BUMAGSAK sa kamay ng mga elemento ng Mandaluyong City Police sa pamumuno ni Senior Supt. Joaquin Alva ang damuhong nagpapanggap na taxi driver para nakawan at gahasain ang kanyang mga pasahero. Kinilala ang suspek na si Ricky Ramos na ang taktika ay nakawin ang taxi at gamitin para makakuha ng biktima na kadalasan ay call center agents sa lugar ng …
Read More »Super rich na ba si Tata Rik? (Cannot be reached na…)
‘YAN ang mga alingasngas laban sa isang Tata Rik. Hindi ka na raw ma-reach ng ilan sa mga kaibigan mo dahil sa ikaw daw ay masyado nang rich? Para sa inyong kaalaman, si Tata Rik ay isang matikas at maimpluwensiyang pulis bagama’t kareretiro lang niya noong nakaraang taon ay hindi pa rin nawawala ang kanyang asim. Mantakin ninyo na siya …
Read More »San Juan inilipat sa Maynila trabaho inagaw sa Manileño
HINDI lang pala alkalde ang dumayo sa Maynila. Hinakot din ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang mga taga-San Juan City para magtrabaho sa Manila City Hall. Kaya naman umalma ang Regular Employees Association of City Hall – Manila (REACH-M) sa anila’y “San Juanization” ng lungsod. Sa halip kasi na bigyan ng trabaho ang mga Manileño gaya …
Read More »Pasahe sa traysikel sobra taas
SUMBONG ng mga residente sa SunValley lungsod ng Parañaque ang mataas na singil ng pasahe sa traysikel, kompara sa ibang lugar. Dapat aksiyonan ito ng Trycicle Regulatory Board ng lungsod dahil nahihirapan ang mga residenteng pasahero sa mahal ng pasahe! Hindi lang sa lungsod ng Parañaque, lalo na sa lungsod ng Pasay, pinakamarami na yatang terminal at miyembro ng TODA …
Read More »Problemado sa TABS sa Pier
ANG online Terminal Appointment Booking System (TABS) ay pinoprotesta ngayon ng mga license brokers and Truckers which set the schedule for delivery and withdrawal of cargos sa mga pantalan. Dapat daw ay on time, if not the trucker/broker will be penalized for the delay of P3,000. Pero wala naman daw resibo na ibinibigay! Ang hinaing ng mga trucker dahil heavy …
Read More »Ano ang katotohanan sa ‘laylayan’ ni Leni Robredo!?
MULA sa “Daang Matuwid,” heto ang bago, “Iaangat ang nasa laylayan.” Napahagalpak nga ng tawa ‘yung kahuntahan natin kasi, kapag iniangat ang laylayan, hubo na raw ang tawag diyan! Hehehe… Kidding aside, kung susundan natin ang analogy ni Madame Leni Robredo, saan naman niya ilalagay ang mga iaangat niya mula sa laylayan? Iaangat ba niya, kapantay niya? O iaangat para …
Read More »Bato-bato sa langit nakokonsensiya ang galit
WIKA nga ng aking Pipit mga ‘igan, “Walang lihim na hindi nabubunyag.” Lalabas at lalabas ang katotohanan. Sisingaw at sisingaw ang baho nito, kung kaya’t ingat lang sa aking Pipit na sadyang matinik sa pagtuklas ng mga katiwalian at katarantaduhan ng tinagurian pa man ding mga lingkod–bayad ‘este’ bayan partikular sa administrasyong Erap! ‘Igan, bato–bato sa langit ang tamaa’y huwag …
Read More »Style president na kung magsalita si Digong Duterte
KUNG papansinin, style president of the Republic of the Philippines na, kung magsalita at magtalumpati ang presidential candidate na si Rodrigo “Digong” Duterte. Style president na rin kung siya ay nangangampanya sa iba’t ibang dako ng Filipinas. Sa pinakabagong TV political ads ni Duterte, habang siya ay nagsasalita, makikitang katabi na niya ang wumawagayway na bandila ng Republika na naging …
Read More »Mayor Villanueva ng Amadeo Cavite isinusuka ng mga botante
DAHIL umano sa kawalan ng responsibilidad sa bayan ng Amadeo, Cavite bilang punong-bayan, unti-unting nalulugmok ang bayan ng Amadeo, na kilala sa tanim na Kape. Ito ang sigaw ng mga residente na dumalo sa isinagawang Forum na “Know your Candidates” na inorganisa ng PPCRV at ng Comelec sa nasabing bayan. *** Hindi dumating at inisnab ni Mayor Benjader Villanueva na …
Read More »Freedom of Information (FOI) Bill…na naman?!
HETO na naman… Kinakaladkad at ginagasgas na naman ng mga kandidato/politiko ang Freedom of Information (FOI) Bill. Ilang presidential candidates at vice presidential candidates ang nangangako ngayon na kung mananalo sila, ipapasa nila ang FOI Bill. Siya nawa! Mangyari nawa! Hindi na uso ang turntable pero sandamakmak pa rin pala ang sirang plaka. ‘E noong 15th at 16th Congress pa …
Read More »Galit ng 40k mahihirap sa CC, ipadarama; at Ali choice ng Manilenyo
TINAWANAN Ng grupong Maralitang Tagalungsod ng Kalookan (MaTaKa) ang mga survey na ipinakakalat ng ilang kakampi ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan na tiyak na magwawaging landslide si Liberal Party (LP) presidential bet Manuel “Mar” Roxas sa Caloocan City. Kaya lang ang tanong ay makatotohanan ba ang survey o peke? Ayon kay MaTaKa Chairman Elmer Cruz, ang totoo ay pang-apat lamang …
Read More »Kahit mga lola inaresto sa Kidapawan
MATAPOS ang malupit na masaker na ipinalasap ng puwersa ng gobyerno sa mga magsasaka sa Kidapawan City ay nasundan ito ng kabi-kabilang pag-aresto. At ang nakalulungkot, pati ang matatandang babae, lalaki at mga buntis ay kabilang sa mga pinagdadampot at ikinulong. Sa katunayan, ang dalawang lola na sina Valentina, 78, at Jovita, 65, ay naulat na nana-nawagan ng tulong pinansiyal …
Read More »Accomplishments ng BOC-EG aprub
HINDI na po tayo magtataka dahil ang namumuno riyan ay totoong tao at matinong public official, ‘di ba? At ‘yan ay si Customs Enforcement Group DepComm. Ariel Nepomuceno na magaling humawak ng tao kaya sinusunod siya. Kamakailan ay nakasakote na naman sila ng ilegal na droga sa NAIA. Ibig sabihin one word is enough for them. Kapag sinabing trabaho, trabaho …
Read More »2 mambabatas may ginagawang misteryo?
THE WHO ang dalawang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kinukulapulan ngayon ng intriga dahil daw sa kanilang illicit affair? Ayon sa ating Hunyango, ‘di niya inakalang “Babaerong Boylet”pala or in short Bi-Bi si Congressman dahil may dyowa na siya pero kinalantare pa raw ang kanyang kamambabatas. Kung makikita si Bi-Bi mala-basketbolistang artistahin ang arrive niya at halos ‘di …
Read More »Plunder laban kay Bongbong palso na naman (Pakana ni PNoy gamit ang asong tulad ni Rafaela David ng Akbayan)
KUMBAGA sa giyerang US-Vietnam, iwinawagayway na ng mga Vietcong ang kanilang bandilang pula ‘e nagpaplano pa ang mga Kano na makaeksena… Ganyan ang nangyayari ngayon sa mga detractor sa nagungunang vice presidential candidate na si Bongbong Marcos. Sabi nga ng mga political analyst, tapos na ang labanan sa bise presidente. Kahit saan sumuling at kahit sinong tanungin kung sino ang …
Read More »Itaga n’yo pa sa bato, dangal at karapatan ibabalik ni Mayor Lim!
LAHAT nang inagaw na karapatan ng Manileño para sa mga libreng serbisyo ay ibabalik ni Mayor Alfredo Lim. Lahat ng prehuwisyong ginawa ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada sa mga Manileño ay kanyang iwawasto. Bukod sa mga libreng serbisyo, kanselado lahat ng ilegal na kontratang pinasok ni Erap na nagpahirap sa mga Manileño, tulad ng mga pampublikong …
Read More »Pamilya, sinisi ni Leni sa pagbagsak sa bar exams
HINDI katanggap-tanggap ang mga palusot ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo sa kanyang pagbagsak sa bar examinations noong 1992. Dahil maisisiwalat din naman lalo’t nasa huling yugto na ang pangangampanya at batuhan ng putik ng mga kandidato, nagtapang-tapangan na si Leni at kanyang inamin kamakailan sa harap ng isang college graduating class sa Quezon na isa siyang bar …
Read More »Pacquiao-Bradley malamang na gamitin ng mga politiko
HUWAG na tayong magulat kung maraming politiko ang naghanda ng venue para makapaghandog ng libreng panonood ng Pacquiao-Bradley fight ngayong araw (Abril 10, 2016 sa ating bansa). As usual sa MGM Las Vegas gaganapin ang laban. Habang ang buong mundo ay nag-aabang sa pay per view. Tinatayang mag-uuwi si Manny Pacquiao ng US$20 milyones habang US$6 milyon naman kay Tim …
Read More »Richard A. Albano: 3 dekada at 6 taon serbisyo bilang bantay at laban sa kriminalidad
SA darating na Abril 15, ibababa ang tabing sa 3 dekada at 6-taon serbisyo publiko ng isa sa mga pinagpipitagang opisyal ng PNP na si PCSupt. Richard Albano, kabilang sa PMA “Maharlika” Class 1984. Sa haba ng panahong ito, mula sa pagiging tentyente sa binuwag na Philippine Constabulary na dating isa sa mga service branches ng Armed Forces of the …
Read More »Kandidatong walang proclamation rally sa Pasay City
HANGGANG sa kasalukuyan ay hindi pa pala nakapagsasagawa ng sariling proclamation rally ang isang kandidatong mayor sa lungsod ng Pasay. Bukod sa wala nang balak na magsagawa ng proclamation rally, dalawa pa raw ang dala-dala nitong presidentiable candidates sa Pasay, si Jojo Binay ng UNA at Grace Poe na isang independent candidate. Isa raw iyan sa dahilan kung bakit ang …
Read More »‘Terror Attempt’ ba ang narekober sa Baclaran?
DALAWANG improvise explosive devices na posibleng “intentionally magnified” ang narekober kamakailan sa Baclaran na hinihinalang ‘terror attempt’ sa nasabing luggage. Dahil dito ay nagkaroon ng pangamba ang napakaraming vendors na naglipana sa nasabing lugar, kompleto sa baterya, detonating cords, tatlong pako at switch. Ang explosion ay ‘di kalayuan sa Police Community Precint, sa isang Supermarket. Pagkatapos ng pagsabog, nakarekober ang …
Read More »NAIA Terminal 3 potensiyal sa security risk
MARAMING nakapuna sa napakaraming commercial establishments at advertisements ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Siyempre mayroong mga natutuwa pero marami rin ang nag-iisip na mukhang sobrang dami naman. Dahil commercial establishments, hindi lang mga pasahero ang nakapapasok, pati mga well-wishers at mga naghahatid. Baka dumating pa ang panahon na kahit sino na lang, kahit walang transaksiyon sa …
Read More »