MAGSILBING babala sana sa mga opisyal ng pamahalaan, mga politiko at taong gobyerno na naiuugnay sa ilegal na droga ang nangyari sa pamilya ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog nitong mga nakaraang araw nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay na ikinasawi niya, ng kanyang misis, mga kapatid at mga kasamahan. Nakaumang na naman ang tila kamay na bakal ng …
Read More »Justified ang raid ng PNP sa Ozamiz dahil Martial Law
MARAMI na namang nagmamagaling na kumukuwestiyon sa madugong insidente na ikinasawi ni Mayor Reynaldo Parojinog Sr., at 14 pa nitong Linggo ng madaling-araw sa Ozamiz City. Kabilang diyan si ‘Batorni’ este, Atty. Ferdinand Topacio, ang tumatayong abogado ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog na anak ng napaslang na alkalde. Kamakailan lang ay tumayong abogado si Topacio ng mga …
Read More »Altar ng Karahasan
MARAMING responsableng mamamayan ng ating Republika ang ngayon ay puno ng pangamba para sa mga kabataan sa kasalukuyan sapagkat ang tumatanim sa kanilang murang kaisipan ay isang kultura na naghahatid ng kamatayan, galit at kawalang galang sa mga institusyon bilang mga tugon sa mga usaping panlipunan. Araw-araw na ginawa ng Diyos ay ulat sa mga telebisyon, pahayagan, radyo at internet …
Read More »‘Untouchables’ sa Ozamiz nagwakas na rin (War lords, drug lords, Kuratong etc.)
PAROJINOG. ‘Yan umano ang pangalan na kapag narinig ng mga taga-Ozamiz ay parang biglang magsisitakbo sa loob ng kanilang mga bahay ang mga residente. Kaya naman nang mapabalitang napatay ang dating mayor na si Reynaldo Parojinog, ang kanyang misis at 13 iba pa, lumabas ang iba’t ibang reaksiyon sa social media. Pero mas marami ang nagsasabi na parang nabunutan sila …
Read More »Sinong gagabay sa mga pari?
MAKAILANG ulit nang nalagay sa pangit na imahen ang Simbahang Katolika, hindi lang dahil sa pakikialam sa mga isyung politikal, kundi higit dahil sa mga balitang pang-aabuso ng kanilang mga manggagawa, lalo na ng mga paring ang pakilala sa mga sarili ay mga alagad ng Diyos. Nalagay na naman sa matinding kahihiyan ang Simbahan dahil sa pagkaaresto ng isang pari …
Read More »QCPD ID sa ‘Banaue Boys’ nasasamantala?
MAGANDA ang layunin ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11, sa pagbibigay ng “QCPD identification card (ID)” sa mga gumagalang ‘Banaue Boys’ sa Banaue St., Quezon City. Ang tinutukoy nating ‘Banaue Boys’ ay mga freelance na nagbebenta ng mga ‘nakaw’ ‘este mali pala – hindi pala nakaw (sorry po ha… wala naman kasi kayong ibinibigay na resibo …
Read More »SONA ng Pangulo Kahanga-hanga
MATAPANG, prangka at makabuluhan ang sinabi ng ating Pangulong Duterte sa pangalawang State of the Nation Address (SONA) niya. Tinalakay niya lahat ng issue ng ating bansa pati ang TRO sa Supreme Court. Kanya rin ipinaalala na ibalik na mga Amerikano ang ating Balangiga bells na pag-aari natin na simbolo ng ating bayan lalong-lalo sa Eastern Samar. Pasalamat tayo dahil …
Read More »‘Kapag Puno na ang Salop’
TULAD ng pamagat ng isa sa mga pelikula ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. na “Kapag puno na ang salop” ay napuno at naubusan na rin ng pasensiya si President Duterte sa mga komunista at pati na sa kanilang lider na si Jose Maria Sison. Si Sison na founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) ay …
Read More »Leave cancellation sa airport police hanggang kailan?
MARAMING Airport police ang nagtatanong kung kailan maili-lift ang memorandum sa kanila kaugnay ng leave cancellation. As in lahat ng klaseng leave ay suspended until when?! Nitong nakaraang buwan ng Mayo nag-isyu si Manila International Airport Authority Assistant General Manager for Security and Emergency Services (MIAA AGM-SES) Allen Capuyan ng memorandum na kanselado ang leave ng mga Airport police. ‘Yan …
Read More »Illegal terminal sa Plaza Lawton bawal kotongan
PATUNAY na talagang ugat ng krimen ang illegal terminal na pinatatakbo ng sindikato sa Plaza Lawton sa Maynila na malimit nating itampok sa pitak na ito, tatlong miyembro ng Manila Police District (MPD) na naaktohang nangongolekta ng “TONG” ang nadakip ng mga kapwa nila pulis, kamakailan. Huli sa ikinasang entrapment ng Philippine National Police Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) si …
Read More »Bello: pro-Joma anti-Digong
MAKAPILI ba itong si Labor Secretary Silvestre Bello III? Sa halip kasing suportahan ang panawagan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na tapusin ang pakikipag-usap sa rebeldeng komunista, lumalabas na ayaw niya itong mangyari. Dapat ay sumusunod si Bello sa kagustuhan ni Digong at hindi kung ano ang gusto ni-yang mangyari. Bakit parang ayaw pa rin bumitaw nitong si Bello at …
Read More »Tunay na naglilingkod sa bayan
There is always the danger that we may just do the work for the sake of the work. This is where the respect and the love and the devotion come in — that we do it to God, to Christ, and that’s why we try to do it as beautifully as possible. — Mother Theresa PASAKALYE: Naging magaspang ang pamamahala …
Read More »‘Nabinyagan’ ni ‘Gorio’ si QC OIC, VM Joy Belmonte
“WHEN it rains, it pours.” Depende nga lang kung ano ang ibubuhos ng ulan. Sa kaso ni Quezon City vice mayor Joy Belmonte, hindi baptism of fire kundi baptism of raining criticism ang sumubok sa kanyang ‘judgement call’ kamakalawa. Talaga namang inulan ng galit at pangungutya ang pansamantalang officer-in-charge ng lungsod na si Vice Joy dahil huli na nang magsuspendi …
Read More »Dulay, wala ‘raw’ alam sa Del Monte scam?
SA PAGDINIG nitong Martes sa House Committee on Ways and Means, nagmukhang ‘walang alam’ si Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay sa kabulastugan ng 17 opisyal ng kawanihan na nagpababa sa dapat bayarang buwis ng Del Monte Philippines Inc., mula sa halos P30 bilyon sa kakarampot na P65 milyon. Ikinatuwiran ni Dulay na hindi nagdaan sa kanyang tanggapan ang …
Read More »Suspensiyon ng klase
NAKARANAS na naman tayo ng malalakas na buhos ng ulan at malawakang pagbabaha bunga ng habagat na hinatak patungong Luzon ng damuhong bagyong “Gorio” sa loob ng ilang araw. Nitong nakalipas na Miyerkoles ay maraming lugar na ang binaha bunga ng tuloy-tuloy na pagbagsak ng ulan at marami sa ating mga kababa-yan ang naprehuwisyo. Tulad ng mga nakalipas na pagbuhos …
Read More »Eastern Samar Gov. Conrado Nicart, Jr. comatose nga ba?
IPINATATANONG ng mga taga-Eastern Samar kung ano na ang health status ngayon ng kanilang gobernador na si Conrado Nicart, Jr.? Habang naghahanda ng kanilang reklamo sa Ombudsman ang mga nagmamalasakit o crusader na Samarnon na pinangungunahan ng mamamahayag na si Art Tapalla, Joel Amongo, kasalukuyang presidente ng Department of the Interior and Local Government – National Police Commission (DILG-NAPOLCOM) Press …
Read More »OFWs pinagagalit laban kay Digong
IGINAGAWA nang kaaway si beloved Pres. Rodrigo R. Duterte nang ilan sa kanyang mga naitalaga sa puwesto. Tila sinasadya nang ilan sa mga pinagtiwalaan pa man din ng pangulo, na magpatupad ng mga patakaran na ikagagalit nang marami kay Pang. Digong. Noong una, ipina-ngalandakan ni Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na wala raw babayaran ni isang …
Read More »SOMA
KAMAKAILAN ay inihatid sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA ngunit imbes iulat sa taongbayan ang kanyang mga nagawa sa loob ng isang taong pamamalagi sa poder ay mas pi-niling ilabas ng Pangulo ang kanyang saloobin kaya may palagay ang Usaping Bayan na mas dapat na tinawag na State of the …
Read More »Hindi ipinagkanulo ang “source”
IMBES ipagkanulo ang “source” minabuting aminin ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na walang katotohanan ang kanyang pahayag sa media hinggil sa P100 milyon suhol ng yellow group para sirain ang pamilyang Marcos. Ang pangyayaring ito ay naganap sa hearing ng House committee on good government and public accountability matapos takutin at pagbantaan ni Ilocos Rep. Rudy Fariñas na ipakukulong …
Read More »Fashion SONA umiral pa rin sa pagbubukas ng 17th Congress
KAHIT na sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na simpleng State of the Nation Address (SONA) lang ang gusto niya at ayaw niya ng magarbo, lumutang pa rin ang ilang mambabatas at kanilang mga kabiyak suot ang mga mamahaling Mindanao Tapestry lalo na ang T’nalak. Sa mga nagdaang administrasyon kasi, parang may fashion show kapag SONA. Pabonggahan, mula ulo hanggang …
Read More »Martial law extension asahang makatutulong
PARA sa kapayapaan kaya hiniling ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Kongreso ang martial law extension. Pinayagan ito ng mayoridad ng mga mambabatas, alang-alang sa pagsupil sa terorismo sa Marawi. Bagamat maraming taga-Marawi ang dumaraing na hirap na sila sa kanilang sitwasyon at gusto nang bumalik sa kanilang lugar kahit hindi pa ganap ang kapayapaan, hindi ito papayagan ng pamahalaan. …
Read More »Ang nakaraan ang dahilan nang ngayon
MARAMING kritiko ang nagtataka kung bakit sa kabila nang laganap na patayan, kawalan nang konkretong accomplishment ng kasalukuyang administrasyon at pagiging nasa bingit natin sa diktadura ay nananatiling mataas ang rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga survey. May palagay ako na ang labis na pagkasuya ng mamamayan sa nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang dahilan …
Read More »Mas magandang PR ang dredging ng Pasig River
NAGKATOTOO ang kasabihang “Ang basurang itinapon mo ay babalik sa iyo” nang pumutok sa social media lalo sa mga mamamahayag ang ka bulastugan ng mga nasa likod ng publisidad ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada hinggil sa Manila Bay Clean-Up Drive ng lungsod. Sabi nga sa Facebook accounts ng ilang mediamen, nakahihiya na nagpatapon ng basura sa Manila Bay si …
Read More »Libreng IDOLE card para sa OFWs naunsiyami?! (Biglang binawi ni Labor Sec. Bebot Bello)
ABA, sa sobrang bilib namin sa IDOLE (identification card for overseas Filipino workers) na ipapalit sa Overseas Employees Clearance (OEC) agad nating pinuri sa ating kolum nitong nakaraang linggo. Natuwa kasi ang inyong lingkod dahil malaking tulong ito sa itinuturing nating “Bagong Bayani” — ang mga OFW. Ang sabi pa nga, libreng ipamimigay ito at ipadadala pa raw sa mga …
Read More »Hindi lang krimen
SA nakalipas na isang taon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, masasabing ang kampanya ng kanyang pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot ay matagumpay. Ang bilang ng krimen sa bansa ay bumaba at higit sa lahat ang kalakalan ng droga ay hindi na namamayagpag ngayon. Pero hindi masasabing lubos ang tagumpay ng pamahalaan ni Duterte kung ang pagtutuunan lamang …
Read More »