NGAYONG 2 Disyembre 2017 ay ika-118 anibersaryo ng kamatayan ni Gregorio Del Pilar sa Tirad Pass para mabigyan ng panahon ang kanyang padron na si Emilio Aguinaldo na makalayo mula sa mga humahabol na sundalong Amerikano kahit malinaw pa sa sikat ng araw na winaldas niya ang pagkakataon para magtagumpay ang rebolusyon na inumpisahan ng kanyang ipinapatay na si Andres …
Read More »Walang batas sa nagugutom
MALUPIT ang batas para kay Almira Cartina matapos siyang maaresto ng mga pulis dahil sa umano ay pagnanakaw kamakalawa ng umaga sa Marikina City. Agad ikinulong si Cartina sa salang pagnanakaw ng 1 ½ kilong karne mula sa isang meat shop sa nabanggit na lungsod. Kulang kasi ang detalye ng ulat na lumabas sa pahayagan dahil hindi kasi nila marahil itinuturing na …
Read More »Saan patungo ang impeachment hearing laban kay CJ Sereno?
SA pinakahuling development, pinayagan na ng Supreme Court na humarap ang en banc justices kung ipatatawag ng House Committee on Justice sa impeachment hearing laban kay Chief Justice Lourdes Sereno. Sa pagpayag ng Supreme Court, ang tatlong justices at court employees ay puwede nang humarap sa House panel sa impeachment rap laban kay Chief Justice Sereno. Ibig sabihin nakahanda na …
Read More »Kung ang protektor ay instrumento ng panunupil sino pa ang magtatanggol?
MALAKING kabalintunaan ang mga huling insidente nitong nakaraang linggo para sa isang beteranong mamamahayag — si Mat Vicencio. Matapos mailathala ang mga kolum na kritikal sa isang opisyal ng pamahalaan na nakatutok sa kaligtasan ng mga mamamahayag, nabalitaan ni Vicencio na ipinagtanong ng una ang mga lugar na kanyang pinaglalagian o tinatambayan. Hindi lang sa isa, kundi sa dalawang tabloid …
Read More »Pagbabalik ng drug war sa PNP
KUNG may natutuwa man ay marami ang nababahala sa balita na balak ibalik ni President Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang pangangasiwa sa kanyang kampanya laban sa droga. Nangangamba sila dahil mula nang masimulan ang giyera ng Pangulo sa ilegal na droga nitong nakalipas na taon ay naging kontrobersiyal ito sa dami ng mga nasawing suspek. May mga nagsasabi …
Read More »Anibersaryo ng NBI matagumpay!
“EXCELLENCE in service, now and beyond,” ‘yan ang naging tema ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang 81st Anniversary sa pamumuno ng kagalang-galang at respetadong Director na si Atty. Dante Gierran. Simula nang pamunuan niya ang NBI ay napakarami nang nabago. Itinapon ang mga pasaway at corrupt na agent sa probinsiya. Sa termino lang niya nagkaroon ng day-care center …
Read More »Pasaway na negosyante sa QC ‘di uubra kay Domingo
IKAW ba ay isang ilegal na negosyante – walang kaukulang business permit ang negosyong pinatatakbo sa Quezon City? Kung isa ka sa tinutukoy na nagnenegosyong walang permit mula sa Quezon city Business Permit Licensing Department (BPLD) na pinamumunuan ni Ginoong Garry Domingo, naku po, mas mabuti pa siguro ay boluntaryo mo nang isara ang negosyo mo kung hindi may paglalagyan …
Read More »Licensing power ng PAGCOR ililipat sa Kongreso (Sa House Bill No. 6514 nina Alvarez at Bondoc)
KAPAG naaprubahan ang House Bill No. 6514 na inihain ni Speaker Pantaleon Alvarez na co-author si Rep. Juan Pablo Bondoc, ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ay magiging Philippine Amusement and Gaming Authority (PAGA) na lamang. Ayon sa explanatory note sa nasabing House Bill, dahil parehong operator at regulator ng mga casino ang PAGCOR, hindi maiiwasang pagdudahan kung may …
Read More »Absuwelto si Faeldon; Napahiya ang Senado
MAKATARUNGAN ang pagkakadismis ng kaso laban kay dating commissioner Nicanor Faeldon at iba pang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa P6.4 billion shabu shipment kamakailan. Si Faeldon at iba pang dating Customs officials ay inabsuwelto ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors dahil sa kawalan ng probable cause o sapat na kadahilanan para sampahan sila ng kaso sa …
Read More »Iginuhit ng tadhana
NITONG nakaraang Sabado, 25 Nobyembre 2017, tuluyang pinag-isang dibdib ang dalawang nagmamahalang nilalang sa katauhan nina Michael Ferdinand “Mouse” Marcos Manotoc at Carina Amelia “Cara” Gamboa Manglapus sa San Agustin Church, Paoay, Ilocos Norte. Tunay na may kakaibang bertud ang pag-ibig dahil si Mouse ay apo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at si Cara naman ay apo ni dating Senador …
Read More »Joma hindi mamamatay sa sariling bayan — Duterte
MUKHANG nauubusan ng respeto sa isa’t isa sina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Ma. Sison. Ayon kay Pangulong Digong: “I won’t allow dying Sison to return home.” Inihayag niya ito sa San Beda College of Law alumni homecoming. Sabi ng Pangulo, “I will not allow him to enter his native land and …
Read More »PAUMANHIN
HINDI nakapagpasa ng artikulo para sa kanyang kolum na SIPAT sa araw na ito ang beteranong mamamahayag na si Mat Vicencio, dahil kina-ilangan niyang magpunta sa pulisya at ipa-blotter ang natanggap na death threat. Paumanhin po sa kanyang mga suki. Hinihiling rin namin ang inyong dasal laban sa masasamang intensiyon at elemento a t para iligtas siya sa kapahamakan. — …
Read More »Gen. Danny Lim at MMDA pinagtatawanan, iniinsulto; Illegal terminal, balik na!
BALIK na ang raket na illegal terminal ng mga pampasaherong bus at van sa Bgy. 659-A na sakop ni sharewoman, ‘este, Chairwoman Ligaya V. Santos sa Plaza Lawton at Liwasang Bonifacio sa Maynila. Kumalat sa social media nitong Lunes (Nov. 21) at Martes (Nov. 22) ang mga kuhang larawan na makikitang mas dumami pa ang mga nakaparadang bus at van sa …
Read More »Civic group na Tagasupil, inirereklamo ng vendors!
MABIGAT na inirereklamo ng sidewalk vendors na nakapuwesto mula Hermosa St., hanggang Tayuman ang grupong tagasingil ‘este Tagasupil na umano’y humihingi sa kanila ng tara kada isang linggo. Anak ng tara! Hinaing ng mga vendor na inoobliga raw silang magbigay ng P100 kada isang linggo ng mga tauhan ng Tagasupil. Hindi raw sila puwedeng pumalya dahil kinokompiska nila ang kanilang …
Read More »Transport Usec Cesar Chavez nagbitiw na (Sa kapalpakan ng MRT 3)
“SIMPLE sense of delicadeza.” ‘Yan ang rason kung bakit tuluyang nagbitiw si Undersecretary Cesar Chavez bilang Undersecretary for Railways ng Department of Transportation (DOTr). “I’m tendering my irrevocable resignation. Hindi puwedeng lagi tayong naninisi sa nakaraan dahil responsibilidad na natin ito,” pahayag ni Chavez sa press briefing. Ang tinutukoy dito ni Chavez, ang walang katapusang kapalpakan ng MRT 3. Mula …
Read More »Biktima nga ba si ex-Gen. Dionisio “Tagoy” Santiago?
SA pinakahuling mga pangyayari hinggil sa pagkakasibak kay ex-Gen. Dionisio Santiago sa Dangerous Drug Board (DDB), lumalabas na fictitious ang lumagda sa liham na sinasabing ‘reklamo’ ng mga empleyado ng nasabing ahensiya laban sa kanya. Ang tanong ngayon, kung ‘fictitious’ ang nakapirmang pangalan, peke rin kaya ang mga reklamo?! Tampok sa mga reklamo ang pagbiyahe sa Europa ni Tagoy kasama …
Read More »Si Sereno at si Alvarez
KAABANG-ABANG ang mangyayari ngayong araw sa Kamara sa pagsisimula ng pagdinig sa reklamong impeachment na inihain laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Tiyak na kapana-panabik ang magiging palitan ng mga pahayag sa pagitan ng nagreklamo, ng inirereklamo at ng mga miyembro ng Kamara na didinig sa kaso. Lalong magiging mainit ang resulta nito lalo pa’t nagpahayag na ang Chief …
Read More »Roque, hari ng sablay
MAY panibagong bersiyon si Presidential spokesperson Harry Roque sa media kamakalawa tungkol sa umano’y dahilan kung bakit sinibak sa puwesto si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Dionisio Santiago bilang hepe ng Dangerous Drugs Board (DDB). Tahimik na sana ang isyu pero marami ang nagulat na biglang naungkat ang pagkakasibak kay Santiago sa DDB. Sa kanyang …
Read More »Kapalpakan ng MRT 3 ayusin at tapusin na!
ISA sa vital needs ng isang bansang naghahangad umunlad ang transportasyon. Pansinin na ang lahat ng mauunlad na bansa ay may moderno, abanse at maayos na mass transportation system. Ang rickshaw o tuktuk na hinihila ng tao sa mainland China at Hong Kong ay napalitan na ngayon ng mga express train. Ang bansang Japan ang unang nagkaroon ng bullet train. …
Read More »Saludo sa integridad at delicadeza ng mga Hapones (Attn: DOTr USEC CESAR CHAVEZ)
DEEP apology o mahigpit na paumanhin ang ipinaabot ng Tsukuba Express train sa Japanese public nang umalis nang maaga, 20-minutos bago ang takdang oras, sa Minami Nagareyama, kamakalawa, dahil sa malaking abala na nagawa nila sa mga pasahero. Ang Tsukuba Express train po ay nagdurugtong sa Tokyo at kanugnog na mga lugar sa hilagang bahagi ng Japan. Batid ng lahat …
Read More »Walang sisihan sa huli
KABI-KABILA ang mga debate kung dapat nga bang suspendihin ang operasyon ng MRT ngayon kahit walang pal- ya ang mga aberya nito na naglalagay sa panganib ng mahigit 600,000 pasahero na sumasakay rito araw-araw. Ayon sa pamunuan ng MRT at maging ng mga opisyal ng Department of Transportation, matagal na nilang pinaplano ang pagsuspende sa operasyon nito ngunit hindi nila …
Read More »Mga preso sa city jail tinangayan ng P1.4-M
WALANGHIYA nga naman! Anak ng pu…sa talaga, akalain ninyong maging ang inmates ay pinagnakawan. Ha?! Sinong mga nagnakaw at paano naman sila pagnanakawan samantalang nakakulong sila? Paano naman sila napasok ng mga ‘akyat-bahay’ samantala guwardiyado ga ang kanilang ‘mansiyon?’ Iyon na nga ang nakatatawa e, guwardiyado na nga ang kanilang ‘mansiyon’ napasok o nalusutan pa sila ng mga demonyong magnanakaw. …
Read More »Bayaning pulis
MAY mga pulis man na dapat kainisan dahil sa pang-aabuso sa kapangyarihan at paggawa ng katiwalian ay may mga kabaro rin sila na tunay na maipagmamalaki ng sambayanan. Patunay na rito ang kabayanihan na ipinakita nina PO3 Cyril Gobis ng Sta. Cruz Municipal Police Station ng Laguna Police Provincial Office at PO2 Joselito Lantano ng Police Security and Protection Group …
Read More »ASEAN Summit 2017 matagumpay! Good job Pres. Rody!
HUMANGA at pinuri ng head of states ang maayos na seguridad na inilatag ng ASEAN Security Task Force kaugnay ng idinaos na ASEAN Summit 2017 sa ating bansa. Sa kabuuan ng nasabing okasyon ay binigyang-diin na paiigtingin ng Duterte administration ang tax reform at prayoridad ang pagpapatupad ng infrastructure projects tungo sa kaunlaran ng ating bansa. Sinabi ni Secretary of …
Read More »Malaking eskandalo sa BIR kumakalat sa social media
HABANG isinusulat natin ang pitak na ito ay malapit nang umabot sa 700,000 ang views sa Facebook at nakapanood ng kumakalat na video laban sa ilang opisyal at tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Partikular na binabanggit ang pangalan ni Commissioner Caesar Dulay at ang revenue district officers (RDO) ng BIR sa Parañaque at Pasay City. Umabot na kaya sa kaalaman …
Read More »