NANGANGAMOY na parang mabahong basura ang Kamara kung ikokompara sa Senado. Ang ibig sabihin, kung performance at liderato ang pag-uusapan, higit na mayroong maipagmamalaki ang mga senador kaysa mga kongresista. Kaya nga, hindi dapat ipagmayabang nitong si Speaker Pantaleon Alvarez na marami silang naipasang panukalang batas o resolusyon dahil nasusukat ang performance ng lehislatura sa pamamagitan ng kalidad ng mga …
Read More »Abuso de kompiyansa ang mga mambabatas
SORI na lang sa mga tutol sa planong baguhin ang ating Saligang Batas. May tatlong pamamaraan sa pagbabago o pag-amiyenda na naaayon din mismo sa Saligang Batas, kung hindi ako nagkakamali ay sa pamamagitan ng: 1) Constituent Assembly (Con-Ass); 2) Constitutional Convention (Con-Con); at 3) Constitutional Commission (Con-Com). Kaya walang maaaring makatutol kung talagang desidido ang kasalukuyang administrasyon na isulong ang …
Read More »Nakalulungkot at eskandalosong katotohanan
NAKALULUNGKOT na dahil sa gutom ay tila nasira na ang kinabukasan ni Paul Matthew Tanglao, isang 21 taon gulang na supermarket clerk matapos siyang mahuli, ikulong at sampahan ng kaso dahil sa pagnanakaw ng maliit na lata ng panawid gutom na corned beef na nagkakahalaga ng P31.50 o katumbas ng 0.63 US cents sa pera ng mga Amerikano. Nahaharap sa …
Read More »Senator Gatchalian nadale ng bashers
SABI ni Senator Sherwin Gatchalian, inubos ng social media bashers ang kanyang pasensiya kaya na-provoke siya at unfortunately ‘bumigay’ kaya nakapagbitiw ng mga mura ‘este salitang sabi nga ‘e inappropriate sa isang mambabatas na gaya niya. Hinaing ng Senador, “First, these are trolls. They have been provoking me since before the campaign. They’re designed to demean you to bring out …
Read More »Happy New Year! God bless us all!
NAPAKAGANDA ng taong 2017, kahit maraming ups & down ay maraming nangyaring accomplishment sa ating bansa. Pasalamat rin tayo sa buhay nating lahat sa ating Panginoong Hesus. Talagang mabigat ang pagsubok pero nandoon ang ating Panginoon na umaalalay sa ating buhay. Kaya sa pagpasok ng 2018, sana lalo pang gumanda ang ekonomiya ng ating bansa sa pamumuno ng ating mahal …
Read More »Dagdag-singil ng “Data Trail” sa I-Card inireklamo
MARAMI ang natatanggap nating reklamo laban sa Data Trail, ang official contractor para sa I-Card ng mga foreigner na iniisyu ng BI. Nakapagtataka raw, sa kabila ng resibong binabayaran ng mga kliyente ay may extra ‘P500’ service fee ang sinisingil sa bawat I-Card na ipina-process nila?! Wattafak!? Hindi ba may official receipt na nga ‘yan? Bakit naniningil pa ng limang …
Read More »Kahirapan lalaganap, patitindihin ng TRAIN
MUKHA yatang hindi maganda kung ‘di man malas ang pagsalubong sa taong 2018 para sa sambayanang Filipino. Ikalawang araw pa lang ng Enero ay sinalubong na tayo ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo. May dalawang linggo pa lang ang nakararaan nang huling nagmahal ang mga produktong petrolyo at simula kahapon ay P0.20 na naman ang itinaas ng gasolina kada …
Read More »Bagong comfort rooms sa NAIA terminal 2 ikinatuwa ng balikbayans at iba pang pasahero
ISA tayo sa mga natuwa nang makita natin na nadagdagan na ang comfort rooms sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2. Wala na tayong nakitang mahabang pila sa comfort rooms lalo na sa mga babae hindi gaya nang dati. Tuluyan na rin bumango ang simoy ng hangin sa NAIA terminal 2 kasi nga wala nang panghing naaamoy. Aba e halos …
Read More »Imbestigasyon sa NCCC matutulad lang sa RWM
SABAY-SABAY na naman ang imbestigasyon sa nasunog na New City Commercial Center (NCCC) Mall sa Davao City na kumitil sa 37-katao. Paiimbestigahan daw ang trahedya para makasuhan kung sino man ang mapapatunayang may dapat panagutan sa batas. Bukod sa Department of Justice (DOJ), Department of Labor and Employment (DOLE) at National Bureau of Investigation (NBI), malamang na may iba pang ahensiya o …
Read More »Pasaway na pulis sa New Year
HINDI lamang makukulit na sibilyan kundi mismong mga pasaway na pulis na mahilig magpaputok ng kanilang baril kapag sumasapit ang Bagong Taon ang dapat na matamang bantayan ng Philippine National Police o PNP. Nakalulungkot dahil sa kabila ng mahigpit na kampanya ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, patuloy na tumataas ang bilang ng indiscriminate firing kapag sumasapit …
Read More »2018: Ang Bagong Taon
MANIGONG Bagong Taon sa ating lahat! Another year over a new one is coming. Sa lahat-lahat, maraming-maraming salamat po. Sa mga napuna at napuri, sa mga nagtanong at sumagot, sa mga sumama ang loob ngunit nagkusang loob, sa lahat ng nagbigay at tumanggap, maraming salamat pong muli sa lahat-lahat. Mga piging nating pinagsaluhan, dinaluhan at pinagsamahan sana’y mag-iwan ng isang …
Read More »PDEA tagumpay sa isinulong na drug war (Sa loob ng 100 araw)
NAPAKAHUSAY ng naitalang track records ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang isinulong na giyera kontra droga sa loob ng unang 100 araw, alinsunod sa atas ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Ang sabi ng Pangulo, ‘patayin’ (read: puksain) ang malaganap na ilegal na droga sa buong bansa. ‘Patayin’ (read: dakipin) ang mga bigtime pusher at mga user na nagiging …
Read More »PH delikado pa rin sa mamamahayag (Sa tala ng Reporters Without Borders (RSF)
APAT sa limang mamamahayag na target ng mga assassin ay pinaslang. ‘Yan ang ulat ng Reporters Without Borders (RSF) sa taong ito, na nakalap ng Rappler, matapos maging zero media killings noong nakaraang taon. Pero ngayong 2017, bumalik ang Filipinas sa talaan ng “deadliest countries for journalists.” Ayon sa Rappler, sa listahan ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), 156 …
Read More »Kaligtasan hindi dapat pabayaan sa panahon ng kalamidad
HINDI naging maganda ang Pasko ng marami nating mga kababayan sa Visayas at Mindanao dahil sa pananalasa ng bagyong Urduja at Vinta na tumama sa kanila bago pa sumapit ang Kapaskuhan. Mas nakalulungkot ay iyong dami ng mga namatay sa kalamidad. Base sa tala ng NDRRMC, mahigit sa 200 ang nasawi mula sa Mindanao dahil sa paghagupit ng bagyong Vinta, at …
Read More »Paolo Duterte, dapat tularan ni GM Balutan
ANG ginawang pagbibitiw sa tungkulin ni Presidential son Paolo “Polong” Duterte bilang bise-alkalde ng Davao City ang wastong halimbawa at tunay na kahulugan ng salitang “delicadeza.” Isang mabuting katangian na bibihira na nating matagpuan sa mga nasa pamahalaan ngayon. Pagdating sa delicadeza, si Polong ang dapat magsilbing ehemplo na dapat tularan ng mga kapit-tuko sa puwesto, partikular ang mga opisyal na …
Read More »Isang mapagpalayang Pasko sa ating lahat
ANG araw ng Kapaskuhan ay ipinagdiriwang natin na mga mananampalataya bilang paggunita sa pagsilang ng dakilang manunubos na si Hesukristo. Dangan nga lamang ay may palagay ako na para sa karamihan, ang pagbubunying ito ay nakatuon lamang sa kanyang masayang kapanganakan at hindi natutuhan ang mas malalim na ibig sabihin ng pangyayaring ito. Kung susuriin natin ang dasal na itinuro …
Read More »Albri’s Food Philippines Inc., nagbabayad ba ng tamang excise tax?
KAPADO ba talaga ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang operasyon ng Albri’s Food Philippines Inc.? Nagbabayad ba ng buwis ang Albri’s nang dapat at sapat, alinsunod sa kategorya ng kanilang negosyo at/o produkto sa BIR?! Naitatanong natin ito, dahil mukhang bulag ang BIR sa operasyon ng Albri’s na kailan lang ay nasunog ang warehouse sa California Village, San Bartolome, …
Read More »Nasaan ang “propriety” sa P6-M Christmas Party ng PCSO sa Shangri-La?
ENGRANDE sa ‘di lang maluho ang idinaos na Christmas Party ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) habang binabayo ng bagsik ni bagyong “Urduja” ang ating mga kababayan sa Kabisayaan. Ibinulgar ni dating jueteng whistleblower at ngayo’y PCSO director Sandra Cam na mahigit sa P10-milyon ang halagang nawaldas mula sa pondo ng PCSO sa mala-bonanza at extravaganteng Christmas Party ng PCSO sa Isla …
Read More »Digong, Imee OK sa unilateral ceasefire
MUKHANG “nagdilang angel” si Ilocos Norte Governor Imee Marcos matapos manawagan kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na magdeklara ng unilateral ceasefire ang pamahalaan laban sa mga rebeldeng komunista ngayong kapaskuhan. Inayunan ni Digong ang hiling ni Imee na isang unilateral ceasefire ang gawin ng pamahalaan ngayon 24 Disyembre hanggang 2 Enero para maipagdiwang ang araw ng Pasko nang higit na …
Read More »2018 trilyones na budget ng PH huwag na sanang dambungin
UMAABOT sa P3.77 trilyon ang pambansang budget ng ating bansa para sa 2018 na pirmado na ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, Napakalaki ng budget na ito na ang may pinakamalaking hati ay Department of Education (DepED), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Tiyak na tiba-tiba …
Read More »Nagpaparamdam si Cam sa mga ‘lord’ ng jueteng?
KATATALAGA pa lang sa kanya ni Pang. Digong sa puwesto, intriga agad ang ipinasalubong ng dating “jueteng” whistblower na si Sandra Cam sa mga dinatnan niyang opisyal sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Kasunod ng pagkakatalaga kay Cam noong Dec. 13, ipinangalandakan ni Cam sa isang press conference na kanya raw lilinisin ang mga katiwalian sa PCSO. Paniwala pala ni Cam, siya …
Read More »Pasikat kasi
ANG kontrobersiya kaugnay sa padalos-dalos na pagbibigay ng Department of Health ng bakuna laban sa Dengue sa ating mga kabataan ay bu-nga ng walang kalingang pagtupad sa tungkulin at pagpapalapad ng papel o pagpapasikat ng mga nasa poder sa kanilang mga padrong politikal. Dahil sa kapabayaang ito ay nalalagay nga-yon sa panganib ang buhay nang laksa-laksa na-ting mga kabataan na …
Read More »Abusadong DA Usec binanatan ni Pres’l son-in-law Atty. Mans Carpio
ISANG undersecretary ng Department of Agriculture (DA) ang tila astang First Lady daw na nagtatarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at ipinahiya pa ang mga staff ng airline nang hindi mabigyan ng VIP treatment. Hindi pa natin alam kung sinong undersecretary sa DA dahil tatlo pala sila. Sina Berna Romulo Puyat, Evelyn Laviña at Ranibai Dilangalen. Sino …
Read More »Realisasyon ng “ENDO” sa NAIA inumpisahan na ni GM Ed Monreal
HETO ang tunay at genuine sa kanyang mga sinasabi — si Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal — ang unang opisyal ng Duterte administration na nagpatupad ng pagwawakas ng end of contract (ENDO) o contractualization sa hanay ng mga empleyado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Mahigit 1,000 building attendants (BA) na nagtatrabaho sa NAIA terminals ang …
Read More »Senator Richard Gordon inulan ng puna at batikos sa social media
BILANG chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, hindi lamang si Senator Richard “Dick” Gordon ang dapat na nagsasalita sa congressional hearings — gaya nang naganap kamakailan sa Dengvaxia probe. Mismong netizens ang umalma sa tila pagkopo ni Senator Dick dahil halos namonopolyo na niya ang pagsasalita at diskusyon. Nasilip ng netizens na tila si Senator Dick lang ang daldal nang …
Read More »