Friday , November 15 2024

Opinion

Major, major problem sa LTFRB

Bulabugin ni Jerry Yap

MULING nabuhay ang korupsiyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng isang ‘muling nabuhay’ na major, major problem sa nasabing ahensiya. Muli raw nabuhay itong si major, major problem dahil sa kupad ng kanyang bossing na mag-aproba at pumirma sa mga nakabinbing papeles sa kanyang mesa. Dahil daw sa kakuparan, natutong maghanapbuhay si major, major problem kaya muling …

Read More »

Philippine media dapat mangamba

HINDI maganda ang balitang pagpapasara sa news portal na Rappler, nitong nakalipas na dalawang araw, base sa order na inilabas ng Securities and Exchange Commission. Lalong nalalagay sa alanganin ang imahe ng administra­syong Duterte dahil sa ginawang utos ng SEC laban sa Rappler na kilala namang isang news organization na kritikal sa kasalukuyang pamahalaan. Kaya nga, hindi malayo na ang …

Read More »

Actor Robin Padilla hilaw na makabayan

SA kabila ng kanyang “bad boy” image ay na­pahanga rin tayo ng aktor na si Robin Padilla sa maraming pagkakataon. May mga taglay na kahanga-hangang katangian si Robin sa totoong buhay bilang isang mabuting nilalang na wala sa hanay ng mga tulad niyang nasa lara­ngan ng showbiz. Ilan sa magagandang kaugalian na ating hinangaan kay Robin ang pagiging matulungin, maayos na …

Read More »

Ang Kalayaan sa Pamamahayag

MARIING kinokondena ng Usaping Bayan ang lumalabas na pagtatangka ng mga nasa poder na patayin ang kalayaan sa pamamahayag sa pa­mamagitan ng kung tawagin noon ni dating Senador Rodolfo Biazon ay legal gobbledegook. Wala sa loob ng vacuum ang pamamahayag kaya dapat nating maunawaan ang konteksto ng desisyon ng Security and Exchange Commission (SEC) na tanggalan ng rehistro ang Rappler, …

Read More »

LTFRB region IV-A official dapat maging buena mano ng PACC

Bulabugin ni Jerry Yap

NGAYONG chairman na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) si dating VACC chair Dante Jimenez, baka gusto niya ng buena manong trabaho na tiyak ikatutuwa ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Inirerekomenda natin na imbestigahan niya ang isang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) na nagpapatayo ng isang building sa Tacloban, Leyte. ‘Yan daw pong ipinatatayong building ay hindi komersiyal …

Read More »

Matinding traffic sa East Avenue prehuwisyo na sa kabuhayan

Bulabugin ni Jerry Yap

MATAGAL nang inirereklamo ng mga motorista ang prehuwisyong traffic sa East Avenue. At ang isa sa mga dahilan niyan, ang kaliwa’t kanang parking ng mga bus na hinuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Kaya kung manggagaling sa EDSA, dalawang lane na lang ang nadaraanan ng mga motorista. Ang ipinagtataka natin, napakataas magpataw ng penalty ng LTFRB, e …

Read More »

“Anarchy” sa San Juan sa pagtatago ng mayor

LUMUTANG din sa wakas nitong nakaraang linggo si Mayor Guia Gomez, isang buwan matapos magpalabas ng Notice of Sufficien­cy ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa inihaing petisyon na humihiling sa pagpapatawag ng recall election sa lungsod ng San Juan. Imbes sa kanyang opisyal na tanggapan sa City Hall ay sa kanyang bahay nagpatawag ng press conference ang ina ni Sen. …

Read More »

PAUMANHIN

Sipat Mat Vicencio

PAUMANHIN HINDI matutunghayan ang kolum ng beteranong mamamahayag na si Mat Vicencio ngayong araw. Kasalukuyan si­yang nasa komperensiya na tumatalakay sa karapatan ng mga mamamahayag. Muli siyang matutungha­yan sa Biyernes. — Patnugot

Read More »

Proud to be QCPD!

PANGIL ni Tracy Cabrera

That’s the thing about life, it is fragile, precious, unpredictable and each day is a gift, not a given right.                                                                      — Dying cancer patient                                   Holly Butcher   PASAKALYE: Gusto ko pong i-share sa inyo ang bahagi ng mensahe ng cancer patient na si Holly Butcher, na may taning sa buhay. Marahil ay magiging inspirasyon po ang kanyang …

Read More »

PAO chief Acosta entrometida ba!? (Dengvaxia ‘ibibiyahe’ sa senado)

Bulabugin ni Jerry Yap

KUNG mayroong pangarap sa politika, huwag kaladkarin ang pinakaimportanteng imbestigasyon sa kasaysayan ng kalusugan at siyensiya sa ating bansa. Ganito ang gusto sana nating ipayo kay Public Attorneys Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta. Hindi natin maintindihan kung bakit sumasawsaw si Madam Persida sa isyu ng Dengvaxia gayong mayroon nang isinasagawang imbestiga­syon ang mga kaukulang awtoridad at ahensiya ng pamahalaan. …

Read More »

A very good year to start at BI

Bulabugin ni Jerry Yap

UNANG pasabog sa taong 2018 ang inilabas na Operations Order No. JHM-2018-001 ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente tungkol sa Restoration of Express Lane Funds. Ito ang matagal nang hinihintay ng buong ahensiya na muling ibinabalik ang overtime (OT) pay ng lahat ng mga kawani at manggagawa ng kagawaran. Pursuant to General Appropriations Act of 2018 na nilagdaan …

Read More »

Bongbong out, Imee in

Sipat Mat Vicencio

MABIGAT ang naging pahayag kamakailan ni dating Senador Bongbong Marcos nang sabihin sa isang pulong balitaan na hindi na siya tatakbo sa Senado sa darating na midterm elections sa May 2019. Katuwiran ni Bongbong, dinaya siya noong 2016 vice presidential race at siya ang nanalo laban kay Leni Robredo. Mabilis ang naging konklusyon ng ilang poli­tical observer sa naging pahayag ni …

Read More »

Pista ng Itim na Nazareno

BILANG isang Kristiyanong bansa ay taon-taon nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Itim na Nazareno ng Quiapo. Isa itong malakihang pagdiriwang na dinadalohan ng milyon-milyong deboto. Katulad ng ating mala-paganong paggunita ng Mahal na Araw, ang magulong prosesyon ng Itim na Nazareno sa paligid ng Basilica ng Quiapo ay malinaw na impluwensiyado ng ating paganong nakaraan kaya ang pagdiriwang nating ito …

Read More »

Rising Sun beerhouse sa Rizal Avenue hindi matinag

YANIG ni Bong Ramos

Kaya naman pala di matiwag ang Rising Sun beerhouse sa Rizal Avenue ay dahil sa nuknukan daw ng lakas sa kinauukulan ng maintainer nitong si Thelma na may blessing naman daw sa isang piskal sa Manila City Hall. Ang Rising Sun na unang naulat na nagpapalabas ng lewd show sa loob ng 24 oras ay matatagpuan sa kahabaan ng Rizal …

Read More »

Bank ATM fraud maaresto kaya?

Bulabugin ni Jerry Yap

NITONG nagdaang holidays, habang abala ang mga tao sa kani-kanilang event at concern, hindi rin nagpatalo ang mga ‘tirador’ na hacker at kinana ang account ng mga depositor. Karamihan ng mga naging biktima ay depositor ng BDO (Banco de Oro), ang pamosong banko ng tycoon na si Henry Sy. Isa sa mga humingi ng tulong sa inyong lingkod na tawagin …

Read More »

Pondo para sa dobleng suweldo ng teachers dapat pagsikapan ni DBM Sec. Ben Diokno

Bulabugin ni Jerry Yap

PAGKATAPOS ng umento sa mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel, isusunod na ni Pangulong Rodrigo “Duterte” ang umento sa mga titser. As usual, sumasakit na naman ang ulo ni Department of Budget Ma­nagement (DBM) Secretary Benjamin Diokno dahil hindi raw niya alam kung saan kukunin ang budget. Kung sabagay, kahit tayo ang nasa sapatos ni Secretary Diokno, masakit …

Read More »

SOJ Aguirre, NBI Director Dante Gierran at BoC chief Lapeña pride ng ating bansa

MARAMING magagaling na opisyal ngayon sa ating bansa. At ilan sa mga hinahangaan sa kasalukuyan at pride ng ating bansa ay sina SOJ Atty. Vit Aguir­re, NBI chief, Atty. Dante Gierran at BoC Chief Gen. Sid Lapeña. Maganda ang ginagawa nila sa Duterte administration at totoong serbisyo publiko ang kanilang ginagawa. Kaya marami ang humahanga sa kanila na sila’y pinagkatiwalaan …

Read More »

Pres. Rodrigo Duterte: ‘Salamat’ po sa TRAIN

SA mga nagbabalak kumuha ng hulugang sa­sakyan ay huwag nang ituloy kahit mababa ang down payment. Kasama sa malaking papatawan ng mataas na buwis ang mga bagong sasakyan sa ila­lim ng Republic Act No 10963, ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN Law) na ipinasalubong sa atin pagpasok ng nakaraang Bagong Taon. Ngayon pa nga lang ay mahigit P50 na ang presyo ng …

Read More »

Entrance fee sa casinos ipapataw ng BIR

Bulabugin ni Jerry Yap

IPATUTUPAD na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang entrance fee o qualifying fee sa mga casino. Ayon sa National Tax Research Center (NTRC), mayroon nang kinokolektang P100 ang Philippine Amusement and Gaming Corp., (PAGCOR) sa mga pumapasok sa Casino at maaari umano itong gawing P500. Maaari rin umanong hanggang  P1,500 ang ipataw na entrance fee. Sa ganang atin, mas …

Read More »

Absuwelto ni Ex-Gov. Joel Reyes sampal sa mukha ni Sec. Harry Roque

Bulabugin ni Jerry Yap

KUNG hindi pa makahuma sa kanilang pagkagitla ang naulilang pamilya ni Dr. Gerry Ortega, ano naman kaya ang pakiramdam ni Presidential spokesperson Secretary Harry Roque na tumayong abogado ng biktima sa desisyon ng Court of Appeals? Sabi nga, the decision of Court of Appeals is like a thief of the night. Isang magnanakaw na dumarating sa oras na hindi inaasahan. …

Read More »

Lifestyle check sa Region IV-A LTFRB official

Bulabugin ni Jerry Yap

MATAPOS natin ikolum ang manyakol na opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), heto, isa pang opisyal ang dapat na isalang sa lifestyle check dahil sa kagulat-gulat na pagyaman. Alam kaya ni LTFRB chief Martin Delgra III na mayroon siyang isang opisyal sa Region IV-A na nagpapatayo ngayon ng isang 3-storey mansion sa Tacloban? Ang lupit ng bata …

Read More »

‘Banal’ na desisyon ng Court of Appeals (Pagbalewala sa Korte Suprema at pagsira sa rule of law)

INAASAHAN  ang pag­dagsa ng milyon-mil­yong deboto bukas dahil sa kapistahan ng Itim na Nazareno Quiapo. Halos lahat sa mga deboto ay sumasampa­lataya na kahit may pa­nganib ang taunang pakikilahok sa mahabang prusisyon at sakripisyo sa pagpasan ng Itim na Nazareno, may kapalit naman itong himala sa kanilang buhay. Pero ang sinomang deboto na nasasangkot o akusado sa mabigat na krimen, …

Read More »

Huwag gamitin ang Itim na Nazareno

Sipat Mat Vicencio

BUKAS ang araw ng kapistahan ng Itim na Na­zareno. Sa araw na ito, muling isasabuhay ng mga debotong Katoliko ang kanilang mga panata  sa pamamagitan ng pagdarasal at paglahok sa mahabang prusisyon tanda ng kanilang pagmamahal, pagpupugay at debosyon sa Itim na Poon. Ngayong ang ika-411 taon ng Feast of the Black Nazarene.  Sa temang “Pag-ibig ang Bukod na Ganap …

Read More »

Mahabang pila hindi dapat isisi sa IOs

Bulabugin ni Jerry Yap

NITONG nakaraang kapaskuhan dagsa ang libo-libong pasahero sa airport kaya naman tumambak ang dami at haba ng pila sa arrival and departure counters ng Immigration sa airport. Naging problema ang bagong implement na fingerprint scan at facial recognition na ipinatutupad sa immigration counters. Kung dati ay inaabot ng 10 seconds per assessment ang isang pasahero, nitong nakaraang peak season ay …

Read More »

24/7 non-stop lewd show sa Recto at Rizal Avenue

YANIG ni Bong Ramos

WOW! Masyadong ‘petmalu’ ang laban ng dalawang  naglalakihang mga beerhouse sa Recto at Rizal avenues sa Sta. Cruz Manila. Non-stop at 24 oras anila ang sayawan ng mga babaeng hubo’t hubad mula alas-otso ng umaga. Eight to eight all week through. Tatlong shifting umano ang grupo ng mga dancer na may tig-walong oras sa stage ang bawat grupo. Mandatory na …

Read More »