Friday , December 27 2024

Gov’t/Politics

FM Jr., pinigil PhilHealth contrib hike

Philhealth bagman money

INUTUSAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na suspendihin ang pagpapatupad ng dagdag sa monthly contribution ng mga miyembro nito ngayong taon. Nakasaad ito sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin para sa Philhealth at sa Department of Health (DOH). “In light of the prevailing socioeconomic challenges brought about by the COVID-19 …

Read More »

Sa PH airspace shutdown,
DUTERTE ISALANG SA P10.8-B UNTRANSPARENT LOANS NG CAAP

CAAP

DAPAT managot ang mga responsable sa naganap na PH airspace shutdown noong Linggo, kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Bayan Muna. “Heads must roll starting with Pres. Duterte who spent P10.8 billion in untransparent loans on CAAPs Communications Navigation Surveillance Air Traffic Management (CNS ATM) in 2018,” sabii ni Neri Colmenares, tagapangulo ng Bayan Muna.                Ang kahina-hinala …

Read More »

PH airspace shutdown, busisiin — Palasyo

010323 Hataw Frontpage

MASUSING pagsisiyasat ang ginagawa ng mga kinauukulang ahensiya kasunod ng pansamantalang pagsasara ng airspace ng Filipinas noong Linggo, ayon sa Malacañang. “A thorough investigation is being conducted by appropriate agencies,” ayon sa Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil sa text message sa mga mamamahayag. Hindi bababa sa 282 flights ang kinansela, inilihis, o naantala sa araw ng Bagong …

Read More »

Tulfo dalawang beses na-bypass ng CA
DSWD MAY BAGONG OIC USEC PUNAY ITINALAGA

122822 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Undersecretary Eduardo Punay bilang officer-in-charge ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kinompirma ito ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil sa isang kalatas kahapon. Hinirang si Punay bilang officer-in-charge ng DSWD matapos ang dalawang beses pag-bypass ng Commission on Appointments (CA) sa ad interim appointment ni …

Read More »

Rehistro ng SIM, ‘wag pahirapin

Sim Cards

DAPAT gawing madali ang pagpaparehistro ng kanilang subscriber identity module (SIM) habang sinisigurong pribado ang kanilang datos at impormasyon, pagdidiin ni Sen. Grace Poe sa simula ng implementasyon ng batas sa rehistrasyon ng SIM sa 27 Disyembre.                “Tulad ng pagpapadala ng mensahe sa text, dapat maging madali ang pagpaparehistro ng SIM,” ani Poe. Nanawagan ang senador sa mga telco …

Read More »

Matatag na internet connection tiniyak sa mga liblib na lugar

internet connection

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na patuloy na magtatrabaho sa pagtatatag ng mga koneksiyon sa internet sa mga liblib na lugar sa bansa ang kanyang administrasyon dahil naging pangunahing pangangailangan sa sa post-pandemic ang pag-access sa web. Inihayag ito ni Marcos Jr., nang ‘mag-gatecrash’ siya sa isang Zoom call sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology …

Read More »

China state visit kapag itinuloy
FM JR., BAKA MAGING COVID-19 SPREADER

Bongbong Marcos China Philippines

ni ROSE NOVENARIO NANAWAGAN si public health advocate at former NTF adviser Dr. Tony Leachon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na irekonsidera ang nakaplano niyang China state visit sa susunod na linggo lalo na’t may surge ng kaso ng CoVid-19 sa naturang bansa. Ayon kay Leachon, dapat munang kumuha ng tunay na status ng CoVid-19 cases sa China mula …

Read More »

Automated censorship ng Facebook, inalmahan ng Bayan

122222 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario SA PAMAMAGITAN  ng mga ‘troll ng estado’ nagagawang pigilin, burahin o bawasan ng social media app Facebook ang malayang pagsasalita, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Sa isang kalatas, sinabi ng Bayan na nakatanggap ito ng ulat na dumaraming mga pahayag at video ng mga miyembro nito ang tinanggal sa Facebook dahil naglalaman ng mga tungkol sa …

Read More »

Parreño bagong PAF chief

Stephen Parreño Philippine Air Force PAF

KOMPIYANSA si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na ipagpapatuloy ni bagong Philippine Air Force (PAF) commanding general, Major General Stephen Parreño, ng PAF ang pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko sa ilalim ng kanyang liderato. Dumalo si Marcos Jr., sa change of command ceremony ng PAF na nagluklok kay Parreño bilang bagong commanding general kapalit ni Lieutenant General Connor Canlas, …

Read More »

Lifestyle journalist Oseña-Paez, bagong Palace Press Briefer

Daphne Oseña-Paez

TAGAPAGHATID ng balita at impormasyon at hindi opisyal na tagapagsalita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang magiging papel ni TV host at dating  news presenter Daphne Oseña-Paez. “Makakasama sa bawat briefing na gagawin dito sa Press Working Area. Siya ang magiging tagapaghatid ng balita at impormasyon tungkol sa mga gawain at proyekto ni President… Marcos,” pahayag kahapon ni Press …

Read More »

Sa pagdagsa ng Chinese vessel
PH SUPORTADO NG US VESSELS SA PALAWAN

122122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO SUPORTADO ng gobyerno ng Estados Unidos ang Filipinas sa pagpapahayag ng pagkaalarma sa napaulat na pagdagsa ng mga sasakyang pandagat ng China sa Iroquois Reef at Sabina Shoal sa West Philippine Sea. “The reported escalating swarms of PRC vessels in the vicinity of Iroquois Reef and Sabina Shoal in the Spratly Islands interfere with the livelihoods of …

Read More »

Kahit maraming diskontento, investment fund suportado
KAMARA KAKAMPI NG ‘MAHARLIKA’

121522 Hataw Frontpage

ni Gerry Baldo HABANG umaani ng batikos ang Maharlika Investment Fund sa labas ng Kamara de Representantes , sinabi ni House Speaker Martin G. Romualdez, suportado ito ng karamihan ng mga kongresista. Ayon kay Romualdez “multi-partisan” ang suporta para sa kontrobersiyal na panukalang isinusulong ng administrasyong Marcos. Sa press briefing sa Belgium kasama ang media mula sa bansa, sinabi ng …

Read More »

Travel consultancy firm ipinasara ni Ople 

Department of Migrant Workers

INIUTOS ni Migrant Workers Secretary Susan Ople ang pagsasara ng isang travel consultancy firm na nag-aalok ng mga pekeng trabaho sa Poland. Ayon kay Ople, iniutos nito na ipasara ang IDPLumen Travel Consultancy Services, na naniningil ng aabot sa P 122,000 mula sa mga aplikante. Ang kautusan ay isinagawa ng Anti- Illegal Recruitment Branch (AIRB) ng Philippine Overseas Employment Administration …

Read More »

Inutil na DOTr secretary
TAAS-PASAHE SA BARKO, IDINAING

Barko Ship Dagat

NANAWAGAN ng tulong ang mga pasahero ng barko sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na bigyan ng pansin ang sobrang pagtaas ng pasahe na ipinatupad ng mga kompanya ng barko sa bansa. Ito ang hinaing ng mga pasahero na dumaraan sa Batangas Port lalo ang mga patungong lalawigan ng Oriental Mindoro ngayong panahon ng kapaskuhan. Napag-alaman na mayroong mga …

Read More »

EU Parliament kay FM Jr:
HUMAN RIGHTS DEFENDERS PROTEKTAHAN

ASEAN-EU summit

INAASAHANG tatalakayin ng mga lider ng European Union ang sitwasyon ng karapatang pantao sa Filipinas na ilang beses naging tampok na usapin laban sa administrasyong Duterte sa pagpunta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa Brussels, Belgium upang dumalo sa ASEAN-EU summit. Ilang araw bago tumulak patungong Brussels si Marcos, Jr., kagabi ay nagpadala ng liham ang mga miyembro ng …

Read More »

Trade, economy, climate action agenda ni FM Jr., sa ASEAN-EU Summit

Bongbong Marcos Liza Araneta ASEAN-EU summit

PANGUNAHING agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na isulong ang mga prayoridad ng Filipinas partikular ang kalakalan, maritime cooperation at climate action sa kanyang pagpunta sa Brussels, Belgium para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) Summit. Sa kanyang departure statement  sa Villamor Airbase, sinabi ni FM Jr., ito ang kauna-unahang pagpupulong sa pagitan ng mga pinuno ng …

Read More »

Kahit hindi kunin ang pondo sa SSS at GSIS
MAHARLIKA WEALTH FUND BEHIKULO NG KORUPSIYON — GABRIELA PARTYLIST REP

Money Bagman

HINDI pinalusot ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang tangkang pagsalba sa kontrobersiyal na Maharlika Wealth Fund sa pamamagitan ng pagtatanggal ng pondo ng Social Security System (SSS) at ng Government Service Insurance System (GSIS) bilang source funds na gagamitin sa Maharlika Wealth Fund. Ayon kay Brosas ang MWF ay magiging balon ng korupsiyon, pondohan man ng SSS at ng GSIS. …

Read More »

Kontrobersiyal Salazar nagbitiw na sa DICT

DICT Department of Information and Communications Technology

NAGBITIW na sa puwesto si dating Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Jose Vicente Salazar sa Department of Information and Communications Technology (DICT) epektibo nitong Nobyembre. Inamin ni DITC Secretary Ivan Uy sa kanyang pagharap sa makapangyraihang Commission on Appointments (CA) para sa deliberasyon ng kanyang kompirmasyon bilang kalihim ng DITC. Ayon kay Uy, sa liham na ipinadala ni Salazar kay …

Read More »

Panukalang batas para sa 2nd phase ng CARP, inihain sa Kongreso

Farmer bukid Agri

NAGHAIN ng isang panukalang batas si Bataan 1st district Rep. Geraldine Roman na layong makompleto ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), at magkaroon ng second phase na magbibigay ng subsidiya sa pagkuha at pamamahagi ng mga lupang sakahan sa mga benepisaryo nito. Sa House Bill 223, sinabi ni Roman, habang malinaw sa Saligang Batas ang mandato sa repormang agraryo, hindi …

Read More »

Pag-imprenta ng digital PhilSys ID, pinabibilisan

PhilSys ID digital version

PINAMAMADALI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pag-imprenta ng digital version ng Philippine Identification System (PhilSys) ID. “Let us print out as much as we can and then isunod natin ‘yung physical ID as soon as we can,” sabi ni FM Jr., sa pulong kasama si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio …

Read More »

8% PH inflation rate, masamang balita — FM Jr.

money Price Hike

AMINADO si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang inflation rate ng bansa na 8 porsiyento ay masamang balita, dahil ito’y lumalaganap at hindi maawat.                Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang inflation o ang bilis ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo ay tumaas ng 8 percent year-on-year noong Nobyembre, mas mabilis kaysa 7.7 percent noong nakaraang buwan. …

Read More »

MWF hindi na bago – GMA
Makabayan tutol sa panukala

Money Bagman

HINDI na bago ang pagbuo ng isang sovereign wealth fund kagaya ng Maharlika Wealth Fund dahil ginagawa ito sa ibang bansa, ayon kay dating Pangulo Gloria Macapagal -Arroyo. Si Arroyo, kinatawan ng Pangalawang Distrito ng Pampanga, ay naglabas ng liham na sumusuporta sa panukalang magbubuo ng Maharlika Wealth Fund mula sa pondo ng Social Security System (SSS) at GSIS na …

Read More »

High-rise housing projects tugon sa kakapusan ng disenteng tirahan

High-rise housing projects BLISS

IKINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagtatayo ng high-rise housing o matataas na yunit ng pabahay upang matugunan ang kasalukuyang backlog at makahabol sa tumataas na pangangailangan para sa disenteng tirahan. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kanyang talumpati sa ceremonial turnover ng mga house and lot units mula sa National Housing Authority (NHA) sa Naic, Cavite kahapon na kulang …

Read More »

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

Sonny Angara Money Senate

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national budget para taong 2023. Tanging sina Senate Minority Leader Aqulino “Koko” Pimntel III at Senadora Risa Hontiveros ang tumutol sa ratipikasyon ng panukalang 2023 national budget. Sa bicam report, muling naibalik ang P150 milyong confidential funds para sa Department of Education (DepEd) na pinamumunuan ni …

Read More »

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

120622 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa panukalang Maharlika Wealth Fund, ayon kay retired Supreme Court Justice Antonio Carpio.                Sinabi ni Carpio, ang mga pondo ng GSIS at SSS ay personal na kontribusyon ng kanilang mga miyembro, kasama ang counterparts mula sa kanilang mga amo.                “Kaya, ang kita ng SSS …

Read More »