Friday , January 10 2025

News

P31.9-M gastos sa 8-day working visit ni PNoy

UMABOT sa P31.9 milyon ang gastos ng pamahalaan sa walong araw na official working visit ni Pangulong Benigno Aquino III sa Spain, Belgium, France at Germany. Umalis ang Pangulo kamakalawa ng gabi para sa kanyang four-nation working visit sa Europe mula Setyembre 13 hanggang Setyembre 20, kasama sina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, Finance Secretary Cesar Purisima, Agriculture Secretary …

Read More »

Makati residents binalaan vs LPG gang

PINAG-IINGAT ng Makati City Police ang mga residente sa lungsod sa bagong modus operandi ng nagpapanggap na mga ahente ng Liquified Petroleum Gas (LPG) tanks Base sa ulat ng pulisya, nagpupunbta sa mga bahay-bahay ang mga pekeng nagpapakilalang ahente ng gasul . Sinasabi ng mga suspek na iinspeksiyonin nila ang tangke kung may leak upang makapasok sa bahay ng bibiktimahin. …

Read More »

Malolos COP sinibak (2 tauhan sabit sa KFR)

SINIBAK sa pwesto ang hepe ng Malolos City Police sa lalawigan ng Bulacan makaraan masangkot sa kidnapping ng isang Chinese national sa Caloocan City ang dalawa niyang tauhan. Sa ulat mula sa tanggapan ni Bulacan Police director, Senior Supt. Ferdinand Divina, sinibak si Supt. Donato Bait at itinalaga si Supt. Arwin Tadeo bilang acting Malolos City police chief. Ang pagkakasibak …

Read More »

Barko lumubog 3 patay, 3 missing 144 nasagip

TATLO ang kompirmadong namatay habang 144 ang nailigtas sa lumubog na RoRo vessel, ang M/V Maharlika II sa Southern Leyte kamakalawa ng gabi. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagpapatuloy ang search and rescue operation upang mabatid kung mayroon pang mga pasahero sa lumubog na RORO vessel. Sinabi ni Philippine Coast Guard spokesperson Armand Balilo, may tatlong iniulat na namatay …

Read More »

Mechanical problem itinuro sa paglubog ng RoRo

ISINISI sa mechanical failure ang paglubog ng Roll-on, Roll-off (RORO) ship na M/V Maharlika II nitong Sabado ng gabi. “Hindi naman dahil d’un sa bagyo kundi dahil siya’y nasiraan, dead on waters. Iyon ang inisyal na report sa amin,” ani Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commander Armand Balilo. Matatandaan, inihayag ng mga pahinante, dakong 4 p.m. nitong Sabado nakaranas sila …

Read More »

Ex-Colonel 6 bodyguards inasunto ng FBI agent

SINAMPAHAN ng kasong grave threats, grave coercion at direct assault ang isang retired police colonel at anim na bodyguards dahil sa pananakit sa isang ahente ng Federal Bureu of Investigation (FBI) nitong Lunes ng gabi, sa Pasay City. Sinabi ni Chief Supt. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), dakong 3:00 p.m., nang pormal na isampa …

Read More »

4 tsekwa kalaboso sa P2-B shabu (Laboratory, bodega sinalakay)

APAT na Chinese national ang naaresto nang salakayin ang isang shabu laboratory at warehouse na nagresulta sa pagkompiska ng 200 kilo ng shabu sa San Fernando City, Pampanga. Makaraan ang isang linggong surveillance, armado ng dalawang search warrant, ni-raid ng operatiba ng PNP anti-illegal drugs ang sinasabing mega laboratory, 200 kilo ng shabu ang nakuha na tinatayang nagkakahalaga ng P2 …

Read More »

Mag-utol na tulak tiklo sa 55 gramo ng shabu

UMAABOT sa 55 gramo ng shabu, granada at mga bala ang nasamsam mula sa mag-utol na tulak sa isang raid ng mga tauhan ng Antipolo city police. Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Honorable Judge Agripino Morga, executive jusge ng San Pablo City RTC Branch 29, sinalakay ng mga tauhan ni Rizal Police Provincial Office director Sr. Supt. …

Read More »

Media sinita ni PNoy sa crime rates (Imbes PNP)

MEDIA at hindi si Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima ang sinisi ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga ulat na tumaas ang antas ng kriminalidad at dumami ang mga police scalawag. Sa kanyang talumpati sa ginanap na “Agenda sa mga kabalikat sa reporma” kahapon sa Palasyo, sinabi niya na hindi nabibigyan ng pansin ng media ang solusyon at …

Read More »

Classroom bumigay 10 estudyante grabe (Sa Naga City)

Limang estudyante ang sugatan nang gumuho ang sahig ng isang gusali ng eskuwelahan sa Naga City kamakalawa. Ginagamot sa Naga City Hospital sanhi ng mga sugat at pasa sa katawan ang 10 biktima. Ayon kay Adelina Denido, Principal ng Sta. Cruz Elementary School, dakong 4:00 pm, nang maganap ang insidente sa Gabaldon Building, habang nasa kalagitnaan ng Parents Teachers Association …

Read More »

Power crisis kukunin sa Malampaya (Bilyong piso solusyon)

MAGMUMULA sa kontrobersyal na Malampaya Fund ang anim bilyong pisong gagastusin para malutas ang power crisis hanggang 2016. Sinabi ni Energy Secretary Jericho Petilla, kapag nabigyan ng special powers si Pangulong Benigno Aquino III sa pamamagitan ng joint resolution ng Kongreso, sisimulan na ng DoE na kumontrata ng itatayong modular generators para mapunuan ang kulang na 300 megawatts sa power …

Read More »

2 pulis-Malolos timbog sa kidnapping

MATAPOS maalarma nang malaman na nakabuntot na sa kanila ang mga operatiba ng Caloocan City Police, dalawang pulis-Malolos, Bulacan, na nahaharap sa kasong kidnapping ang sumuko sa kanilang opisyal, iniulat ng pulisya kahapon. Agad dinala sa kustodiya ng Caloocan City Police ang mga suspek na sina PO1 Danilo Sytamco, Jr., at PO3 Xerxes Martin, kapwa nakatalaga sa Malolos Police Station. …

Read More »

More power kay PNoy madaling ilusot sa Kongreso (Ayon kay Speaker Sonny Belmonte)

KOMPIYANSA si Speaker Sonny Belmonte na hindi mahihirapang makalusot sa Kongreso ang hirit na joint resolution ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para matugunan ang napipintong kakulangan sa suplay ng koryente sa 2015. Katwiran ni Belmonte, “Everyone dreads a power shortage in 2015.” Hindi na rin aniya kakailanganing magpatawag ng special session ni Aquino ngunit dapat magkaroon ng “time management …

Read More »

Dialogue sa Palasyo nagmukhang ‘miting de avance’

MISTULANG State of the Nation Address (SONA) ang isinagawa ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa ginanap na “Agenda Setting Dialouge” sa kaalyadong mambabatas, pribadong sektor at buong gabinete sa Malacañang kahapon. (JACK BURGOS) ‘NANILAW’ ang Palasyo sa tila “miting de avance” para sa 2016 elections sa ginanap na “paglalatag ng agenda sa mga kabalikat sa reporma” na pinangunahan ni …

Read More »

TRO vs Benhur’s Ordinance No. 550 (Grupo ng riders humirit)

HINILING ng motorcycle riders organization sa Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) na maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa isang ordinansa na nagbabawal sa mga lalaking magkaangkas sa motorsiklo. Dakong 7:00 a.m., nag-motorcade ang Motorcycle Riders Organization patungong City Hall mula C5 Julia Vargas, bilang pagpapakita ng protesta sa Ordinance No. 550. Agad tinungo ang RTC, kasama ang Arangkada …

Read More »

Astig na parak sinibak (Trike driver binugbog)

AGARANG pagsibak sa puwesto bilang kasapi ng Police Security and Protection Group (PSPG) si PO2 Leonardo Sebial na inireklamo ng dalawang tricycle driver sa Mandaluyong City. Si  PO2 Sebial, ay sinampahan ng kasong physical injuries (2 counts) sa Mandaluyong City prosecutor’s office nina Alvin Dela Cruz dahil sa 11 suntok na kanyang inabot at Cesar Vitores na nasapok din habang …

Read More »

Bebot na police asset sinalbeyds

ISANG bebot na sinasabing asset ng mga pulis ang binigti ng almabre at isinilid sa garbage box ang natagpuan sa Delpan Bridge, sa Maynila, kahapon. Sa imbestigasyon ni  SPO2 Milbert Balingan, ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), tinatayang nasa 20 hanggang 25-anyos, 5’2 ang taas, mahaba at blonde ang buhok, nakasuot ng pink polo shirt, brown short pants at walang …

Read More »

Termino ng barangay officials ipapantay sa pangulo

NAIS ni Sen. Teofisto Guingona na palawigin hanggang anim taon ang kasalukuyang tatlong-taon termino ng barangay officials. Sa Senate Bill No. 2390 ni Guingona o An Act Extending the Term of Barangay Officials to Six Years, layon nitong matulungang maipagpatuloy at maimplementa ang mga proyekto sa mga barangay. Nakasaad din sa panukala na layunin nitong mapagyaman pa ang mga programa …

Read More »

Lola todas, 3 apo grabe (Bahay inararo ng trak)

TODAS ang isang 53-anyos lola habang sugatan ang tatlong paslit na apo nang suyurin ng rumaragasang trak ang kanilang bahay sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Ayon sa Manila Police District –Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), isinugod sa Gat. Andres Medical Hospital ang mga biktimang sina Prince Go, 3; Janica Timcang, 1; at Althea Timcang, 2 buwan gulang, pawang residente ng Radial …

Read More »

Luis tutumbok sa Tuguegarao, Isabela

POSIBLENG mapaaga ang pagtama ng bagyong Luis sa ng Northern Luzon ngayong araw kaysa unang pagtaya na sa Lunes pa mananalasa. Ayon sa PAGASA, maaaring tumbukin ng sentro ng bagyo ang Tuguegarao at Isabela kung hindi magbabago ng direksyon. Inaasahan din dadaanan ang Ilocos provinces bago lumabas ng landmass. Kahapon ay namataan ang bagyo sa layong 780 kilometro sa silangan …

Read More »

2 killer ng couple tiklo

KALABOSO ang dalawang lalaki na responsable sa pagpatay sa mag-asawang negosyante sa ilalim ng tulay sa North Luzon Expressway (NLEX), Pulilan, Bulacan. Kinilala ang mga suspek na sina Renato Mendoza, 43, ng Brgy. Sta. Cruz, Sta. Maria at  Romnick de Guzman, 25, ng Brgy. San Juan, Balagtas, Bulacan kapwa duck racers. Ayon kay Bulacan Police director S/Supt. Ferdinand Divina, inaresto …

Read More »

VP Binay 13% tongpats sa Makati projects (P52-M kita sa Phase 1 pa lang ng Parking Building)

IBINUNYAG kahapon ni dating Makati Mayor Ernesto Mercado na kumikita ng 13 porsyento si Vice President Jejomar Binay bilang ilegal na komisyon sa lahat ng pampublikong proyekto sa siyudad simula nang manungkulan bilang Mayor. Sinabi ni Mercado na kabilang dito ang Makati Parking Building na kumita nang hindi kukulangin sa P52 milyon si Vice President Binay sa Phase 1 pa …

Read More »