Friday , November 22 2024

News

Bodyguard ng Tuguegarao mayor utas sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang isang ex-PNP member at security aide ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, nang barilin sa Buntun Bridge, Maddarulug, Solana, Cagayan kamakalawa. Patay sa isang tama ng punglo sa dibdib ang biktimang si Gilbert Navalta Acierto, 49, residente ng Villaverde, Nueva Viscaya. Sakay ng kanyang motorisiklo ang biktima ngunit pagdating sa Brgy. Buntun bridge ay bigla siyang …

Read More »

VP Binay obligadong sumagot – CBCP

OBLIGADONG sumagot si Vice President Jejomar Binay sa lahat ng mga akusasyong ipinupukol sa kanya upang maliwanagan ng mga mamamayan kung ano ang mga nakapaloob sa sinasabing overpriced sa parking building sa Makati, pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Binigyang-diin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na Chairman rin ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs, hindi umano …

Read More »

TV host nagwala sa pulisya

ISINAILALIM sa drug at liquor tests sa Camp Crame ang TV host/actor na si Billy Joe Crawford matapos arestohin nang magwala habang lango sa alak sa Police Station 7, sa Bonifacio Global City, sa lungsod ng Taguig kahapon ng madaling-araw. Si Crawford, 30, ng 1126 Filivest Batasan Hills, Quezon City, host ng It’s Showtime, ay agad humingi ng tawad sa …

Read More »

Newsman sugatan sa 6 bagets na snatchers (iPhone 5 tinangay)

KAHIT nasa harap na ng bahay, hindi pa rin nakaligtas ang isang reporter mula sa anim na snatcher nang agawan ng iPhone 5 at saksakin ng anim bagets na snacthers sa Pasay City. Bagama’t hindi na narekober ang iPhone 5, na nagkakahalaga ng P43,000, nagpapagaling na sa San Juan de Dios Hospital sa saksak sa hita at braso ang biktimang …

Read More »

Bus syut sa bangin mag-ama, 1 pa patay (40 sugatan sa Pagbilao)

TATLO katao na kinabibilangan ng mag-ama ang patay habang 40 ang sugatan nang mahulog sa 100 talampakan bangin ang pampasaherong bus na nawalan ng kontrol sa Sitio Upper Sapinit, Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon. Sa impormasyon ng Quezon Police Provincial Office, kinilala ang tatlong namatay na sina Renan Descatamento, 34; ang mag-amang Nestor Vendivel, Sr., 62, at Nestor, Jr.,18. Dakong …

Read More »

Trese 2 taon sex slave ng rapist-Dad

KALABOSO ang isang ama nang isuplong ng tinedyer na anak na ginawa niyang sex slave ng higit dalawang taon sa Caloocan City. Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng suspek na si Nestor Calip, 50, ng Julian Felipe St., Barangay 8, Caloocan City, dahil sa paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang sariling 13-anyos na anak na babae na itinago sa pangalang Gabby. …

Read More »

More green jobs sa Nograles bill

BILANG tulong sa pagpapatupad ng Climate Change Act, naghain si Congressman Karlo Nograles ng Davao City, ng bagong panukala na naglalayong makabuo at makapagtatag ng dagdag pang environment-friendly industries at serbisyo na magpapabawas sa masamang epekto ng climate change sa bansa. Ang panukala, na tatawagin bilang Philippine Green Jobs Act of 2014, ay naglalayong makabuo ng mga oportunidad sa trabaho …

Read More »

K to 12 susi sa rehiyonal at pandaigdigang kamalayan – DepEd

TINIYAK ng Department of Education na makatutulong ang programang K to 12 education system sa mga mag-aaral upang magkaroon ng rehiyonal at pandaigdigang kamalayan, ayon sa isang opisyal ng DepEd. Sa isang pulong sa University of the Philippines noong nakaraang Biyernes, inihayag ni Cristina Chioco, education program specialist ng Bureau of Secondary Education ng DepEd, sa ilalim ng programang K …

Read More »

Korupsyon sa Makati talamak (Binay spokesman umamin)

INAMIN ng tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay na talamak ang lutuan ng bidding at iba pa pang tipo ng korupsyon sa Makati sa panahon na nanunungkulan pa ang Bise Presidente bilang alkalde ng siyudad. Ito ang binigyan-diin ni Atty Renato Bondal bilang reaksyon sa mga statement ni Cavite Gov. JOnvic Remulla sa triumvirate of corruption sa Makati na ipinahayag …

Read More »

P350-M lipat opisina ibinuking ng 2 tao ni Jun-jun

ISINAWALAT mismo ng matataas na opisyal ni Makati Mayor Jejomar Erwin “Jun-Jun” Binay, Jr., na tumataginting na P350 milyon ang gagastusin ng kanilang pamahalaang lungsod sa paglilipat ng iisang opisina mula Makati City Hall patungo sa katabing Parking Building, ang gusaling nagkakahalaga ng hindi kukulangin sa P2.7 bilyon. Sa paggisa nina Senador Aquilino Pimentel III, Antonio Trillanes IV at Alan …

Read More »

Gilas dapat sa heroes’ welcome

NANINIWALA si Presidential spokesperson Edwin Lacierda, karapat-dapat na ibigay sa Gilas ang mainit na pagtanggap at pagbati makaraan ang kampanya sa FIBA World Cup sa Spain. Ayon kay Lacierda, ipinagmamalaki ng bansa ang performance ng Philippine basketball team lalo na ang magiting aniya na panalo laban sa Senegal. Nabatid na kahit nabigo na makaabanse sa susunod na round ng FIBA …

Read More »

Bagong pasabog sa Senado: Biddings sa Makati niluluto ng Binays (Landmark buildings itinayo ng Hilmarc’s)

HINDI lamang ang kontrobersyal na Makati Parking Building ang niluto sa bidding para pagkakitaan ng tongpats, kundi lahat ng proyekto sa Makati kasama na ang birthday cake para sa senior citizens. Ito ang inamin sa Senado ng isang dating opisyal ng Makati na nagsabing nasimulan ang lutuan ng mga bidding nang manungkulan si Vice President Jejomar Binay bilang Mayor ng …

Read More »

Landmark buildings itinayo ng Hilmarc’s

AYAW man makialam sa isyung overpricing ng Makati City Hall Building, dinepensahan ng contractor na Hilmarc’s Construction Corporation (HCC) ang kalidad ng itinayo nilang labing-isang palapag na gusali ng Makati City Hall na hindi umano matatawaran sa tibay at katatagan. Ipinaliwanag ng HCC ang kanilang kompanya na kabilang umano sa top 10 Construction companies sa bansa, ang HCC ay nagsimula …

Read More »

Babala ni Abante: Tagtuyot sa Region 3 dagok sa agri

ISANG linggo bago magtapos ang tinaguriang “Farm Month,” nanawagan ngayon ang isang mambabatas upang agad na paghandaan ng kasalukuyang administrasyon ang mga problemang kinakaharap ng sektor ng pagsasaka sa banta ng El Niño o tagtuyot sa bansa. “Parang kulang pa ang sunod-sunod na dagok ng kalamidad sa atin, nakaamba na naman tumama ang mahaba-habang El Niño na titigang sa ating …

Read More »

13-anyos HS girl ginilitan, 9 beses sinaksak ng rapist na uncle

GINILITAN sa leeg at sinaksak ng siyam na ulit ang 13 anyos dalagita ng kanyang tiyuhin na humalay sa kanya sa Parañaque City. Inoobserbahan sa Ospital ng Parañaque ang biktimang si Dianne, 1st year high school student, ng Brgy. Tambo ng nasabing siyudad. Sa follow-up operation ng mga pulis, agad naaresto ang suspek na si Fernando Trinidad , 53, may …

Read More »

5 suspek sa QCPD off’l ambush natimbog

NAARESTO ng mga tauhan ng QCPD-CIDU sa Brgy. Commonwealth, Quezon City nitong Miyerkoles ang mga suspek sa pagpaslang kay QCPD Station 4 Operations Head, Chief Inspector Roderick Medrano sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City nitong Lunes. (ALEX MENDOZA) NADAKIP na ang limang suspek sa pananambang at pagpatay kay  QCPD Station 4 Operations Head, Chief Inspector Roderick Medrano sa Brgy. Kaligayahan, Quezon …

Read More »

Reform sa BI isusulong (Sa 74th anniversary)

TAMPOK sa pagdiriwang ng ika-74 anibersaryo ng Bureau of Immigration (BI) ngayong araw ang ‘milestone year’ ng administrative and operational reforms sa nasabing ahensiya. Ibabahagi ni dating BI Commissioner at ngayon ay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang kanyang keynote address sa pormal na pagdiriwang sa BI’s head office sa Intramuros, Manila. Si Rodriguez, nagtapos sa De La Salle …

Read More »

Gilas Pilipinas dapat pa rin ipagmalaki — Palasyo (Kahit talunan)

DAPAT pa ring ipagmalaki ng mga Filipino ang Gilas Pilipinas. Ito ang panawagan ng Palasyo kahapon sa publiko sa kabila nang sunod-sunod na pagkabigo ng Gilas Pilipinas na masungkit ang panalo mula sa mga kalaban sa ginaganap na FIBA basketball world cup sa Spain. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kahanga-hanga pa rin ang ipinakitang husay ng Philippine team …

Read More »

Konstruksiyon ng Torre de Manila condo dapat ihinto (Giit ng NPDC)

NANINIWALA si National Park Development Committee (NPDC) executive director Elizabeth Espino na dapat agad ipahinto ng pamahalaan ang konstruksiyon ng kontrobersyal na Torre de Manila condominium na sinasabing makasisira sa sight line ng National Cultural Heritage na Rizal Monument sa Luneta. Sa pagpapatuloy ng Senate hearing ukol sa maling construction ng Torre de Manila, sinabi ni Executive Director Espino, sa …

Read More »

Reporma ni Gazmin sa VFP sinuportahan ng mga beterano

Sinuportahan ng grupo ng mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na Defenders of Bataan and Corregidor, Inc. (DBCI) ang ipinakitang political will ni Defense Secretary Voltaire Gazmin upang magkaroon ng bagong Constitutions and By-Laws (CBL) at ireporma ang Veterans Federation of the Philippines (VFP). Sa kanyang liham kay Gazmin, iginiit ni DBCI National Commander Evangelista, napapanahon sa matuwid na landas …

Read More »

Binays hinamon vs ‘lie detector test’ (Sa tongpats sa Makati)

HINAMON ngayon ni Atty. Renato Bondal si Vice President Jejomar Binay at ang kanyang mga kapamilyang politiko na sumailalim sa “lie detector test” para patunayang wala silang ibinulsang pera sa P2-bilyong tongpats sa Makati Parking Building. Sinabi ni Bondal, nakahanda siyang harapin sa “lie detector challenge” ang pamilya Binay para malaman ng taong bayan kung sino ang nagsasabi nang totoo …

Read More »

Solusyon: Clean energy — Abante (Sa krisis sa koryente)

KAHIT ang mga dating mambabatas ay nananawagan sa gobyerno na mamuhunan sa clean energy bilang solusyon sa nakaambang krisis sa koryente  na tinatayang makaaapekto sa bansa sa kalagitnaan ng susunod na taon. Ayon sa Chairman ng Bayan Mamamayan Abante Movement na si dating Manila Representative Benny M. Abante, “nakalulungkot na hindi alam ng administrasyon ang gagawin na hakbang upang tugunan …

Read More »