Saturday , January 11 2025

News

Roxas: Trabaho muna

HINDI alintana ni DILG Secretary Mar Roxas ang mga isyung politika sa pagbisita niya sa San Fernando City, La Union para sa Disaster Risk Reduction Management Council (DRRMC) briefing sa San Fernando City Hall. Kasama ni Roxas si DSWD Secretary Dinky Soliman upang magdala ng 30,000 family food packs para sa mga residenteng apektado ng bagyong Egay. “Nandito kami para masiguro …

Read More »

Patay sa Ormoc tragedy 62 na

ISANG bangkay ng bata na pinaniniwalaang pasahero nang lumubog na M/B Kim Nirvana ang natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Ormoc City sa Leyte. Sa pagtaya ng mga nag-ahon sa bangkay, nasa pagitan ng dalawa hanggang apat na taon gulang ang naturang biktima. Agad dinala ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay sa punerarya dahil ‘bloated’ na …

Read More »

P.2-M droga nakompiska sa checkpoint sa Lucena

NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang mangingisda makaraan makompiskahan ng ilegal na droga sa checkpoint operation ng mga awtoridad sa Lucena City kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Florencio Delos Angeles, 43-anyos. Nakuha sa pag-iingat ni Delos Angeles ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na may laman ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia. Sa pagtaya …

Read More »

Impraestruktura, agrikultura pininsala ni Egay

NAG-IWAN ng milyon-milyong pinsala sa impraestruktura at agrikultura ang bagyong Egay nang manalasa sa bansa. Sa press conference ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes ng umaga, sinabi ni spokesperson Mina Marasigan, may napinsalang mga bahay sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Palawan at Benguet. Sa nabanggit na mga lugar aniya, apat na bahay ang …

Read More »

Aussie natagpuang patay sa hotel

HINIHINALANG inatake sa puso ang isang 48-anyos Australian national makaraan matagpuang walang buhay sa loob ng isang hotel sa Maynila kahapon. Nakaharang sa pintuan nang matagpuan ni Alvin Dela Pena, 34, room boy, ang biktimang si Jason Pericles Fahibusch, ng 23 Melford St., Hurlston, Sydney Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District Homicide Section, dakong 7:05 a.m. …

Read More »

Restrooms for gays ipatatayo sa paliparan

MAGPAPATAYO ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng mga communal toilet o all-gender restrooms. Alinsunod sa Gender Awareness Development Program ng pamahalaan, isasagawa ito ngayong buwan kasabay ng pagsasaayos sa mga palikurang nasa 41 paliparan na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng CAAP. Ang all-gender restrooms ay magagamit ng mga babae, lalaki o ano mang gender identity o expression …

Read More »

Chinese nat’l, 2 pa timbog sa droga

ARESTADO ang isang Chinese national at dalawa niyang kasama sa pagsalakay ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bisa ng search warrant sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang mga suspek na sina Patrick Martin (Ching Qin Ang), 48, negosyante; Wilson Resurreccion, 37, at Adrian Bersola, 45-anyos. Ayon sa …

Read More »

Kelot todas, 1 pa kritikal sa karera ng motorsiklo

PATAY ang isang lalaki habang kritikal ang isa pa nang magkasagian ang kanilang motorsiklo habang nagkakarera kamakalawa ng madaling-araw sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center si Jeralyn Paredes, nasa hustong gulang, sanhi ng pagkadurog ng ulo at bali sa katawan, habang kritikal ang kalagayan sa Chinese General Hospital ng kakarera niyang si Jonathan Sajonia. …

Read More »

Forensic probe sa Kentex tapos na — PNP (74 opisyal na bilang ng biktima)

IKINOKONSIDERA ng pamunuan ng PNP Crime Laboratory na tapos na ang kanilang trabaho sa pagsasagawa ng forensic investigation kaugnay ng naganap na Kentex fire tragedy sa Valenzuela City. Ito’y makaraan ma-identify ng PNP Crime Lab ang huling dalawang naging biktima sa naganap na sunog noong Mayo. Kinilala ang dalawang biktima na sina Jony Ang Discallar, isang lalaki, natagpuan ng PNP …

Read More »

Most wanted person sa Bulacan timbog

NAGWAKAS ang malaon nang pagtatago sa batas ng isang lalaking kabilang sa itinuturing na most wanted person sa Bulacan, makaraan masakote ng pulisya sa kanyang pinagtataguan. Kinilala ang nadakip na suspek na si Jonjon Rama, alyas Nognog, naaresto ng pulisya sa kanyang lungga sa Brgy. San Juan, San Ildefonso, sa naturang lalawigan. Sa ulat, napag-alaman si Rama ay no.2 most …

Read More »

Egay sasamahan  ng isa pang bagyo

INAASAHANG papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo ang isa pang bagyo na may international name na Chan Hom. Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, posibleng sa Martes o Miyerkoles pumasok ng PAR ang Tropical Storm Chan Hom. Tatawagin itong bagyong Falcon pagpasok ng PAR. Sakaling pumasok, nasa border lang ito ng PAR, ayon kay state weather …

Read More »

5 preso pumuga sa Koronadal police station (Bantay nakatulog)

KORONADAL CITY – Pinaghahanap ng pulisya ang limang itinuturing na notorious na mga bilanggo makaraan makatakas sa lock-up cell ng Koronadal City PNP pasado 1 a.m. kahapon. Kinilala ang nakatakas na mga bilanggo na sina Karamudin Kansang Salipada, Muhamedin Kansang Salipada, Osmeña Midtawan Mamasalanao, Manalos Mamasalanao Sandigan, at Nelson Labungan, pawang sangkot sa ilegal na droga. Ayon sa impormasyon, dumaan …

Read More »

2 dalagita nasagip sa human trafficking

NASAGIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang dalagita sa loob ng hotel makaraan mabiktima ng human trafficking sa Maynila. Kasong human trafficking (Republic Act 9208) ang isinampa sa Manila Prosecutor’s Office laban sa suspek na si Jasmin Alfabeto alyas Candy Angeles, 21-anyos, residente ng P. Santos St., Pasay City. Sa ulat ni Manila Police District-District Legal …

Read More »

Kampo ni Ruby Tuason  inisyuhan ng gag order ng Sandiganbayan

INISYUHAN ng gag order ng Sandiganbayan 5th division ang kampo ng pork barrel scam witness na si Ruby Tuason. Ayon sa mga mahistrado, hindi maaaring magsalita ang panig ni Tuason sa media lalo na kung tungkol sa dinidinig na kaso ni Sen. Jinggoy Estrada ang pag-uusapan. Una rito, lumabas ang magkakasalungat na pahayag ng abogado ng pork scam witness, bagay …

Read More »

P3-T proposed 2016 budget iniharap kay PNoy

TINATAYANG P3 trilyon ang panukalang national budget na iniharap kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Sinabi ni Budget Secretary Butch Abad, ang 2016 national budget ay mataas ng 15.1 porsiyento o P394 bilyon sa 2015 national budget na nagkakahalaga ng P2.606 trilyon. Ayon kay Abad, 80 porsiyento ng 2016 national budget o katumbas ng P2.419 trilyon ay mapupunta sa pagsuporta …

Read More »

Jobless pinagalitan ng ina nagbigti

NAGA CITY – Nagbigti ang isang 25-anyos lalaki makaraan pagalitan ng ina dahil walang trabaho sa Brgy. Dagatan, Dolores, Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Rejane Villaflor, 25-anyos. Natagpuan na lamang ng bayaw ni Villaflor na si Jayson Atienza ang biktima habang nakabigti gamit ang isang lubid. Agad isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng mga …

Read More »

Killer ng tiyahin, nanakal ng lolo, isinuko ng ina (Biktima inilunod sa isang baldeng tubig)

ISINUKO ng kanyang ina kamakalawa ng gabi sa mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa kanyang tiyahin at nanakal sa kanyang lolo kamakailan sa Caloocan City. Ang suspek na nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police ay kinilalang si RX Cabrera, 30, residente ng Kalawit St., Mayon, Quezon City. Base sa impormasyon mula kay Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng …

Read More »

Foreigner mula sa Middle East positibo sa MERS

KINOMPIRMA ng Department of Health (DOH) na mayroon nang kaso ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-COV) sa Filipinas. Ito’y nang magpositibo sa nasabing sakit ang isang 34-anyos  foreigner mula sa Middle East. Ayon kay DoH Secretary Janette Garin, mahigpit nilang mino-monitor ang MERS-COV patient na ngayon ay dinala na sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa. “What’s …

Read More »

2 courier ng drug lords sa Bilibid arestado

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang dalawang hinihinalang drug courier ng nakakulong na drug lords sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City, makaraan makompiskahan ng 500 gramo ng shabu at granada sa checkpoint kamakalawa ng hapon sa Operation Lambat Sibat ng PNP sa Guimba, Nueva Ecija. Kinilala ang mga suspek na sina Arthur Corpuz, 33, ng Quezon City, at Honeybal …

Read More »

P0.70 rollback sa diesel ipatutupad

MAGPAPATUPAD ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kompanya ngayong Martes, Hulyo 7. Dakong 12:01 ng madaling araw, mas mura na ng P0.70 ang kada litro ng gasolina sa Shell at SEAOIL habang may tapyas-presyo na P0.65 sa kada litro ng kerosene at diesel. Epektibo 6 a.m. ang P0.70 rollback sa kada litro ng gasolina sa PTT Philippines …

Read More »

Hari ng Anito patay sa chopper crashed

PATAY ang anak ng isang Chinese-Filipino billionaire, na yumaman sa pagtatatag ng chain ng hotels at motels sa bansa, sa pagbagsak ng kanyang private chopper sa kagubatan malapit sa Mt. Maculot, sa bayan ng Cuenca, lalawigan ng Batangas, habang patungo sa Manila nitong Linggo. Si Archimedes “Archie” Rosario King, may-ari ng Victoria Court chain of motels and hotels, ay binawian …

Read More »

Mison ng BI kinuwestiyon sa Beijing at Guam trips

PATULOY ang paglitaw ng iba pang mga anomalya sa Bureau of Immigration (BI) na may kaugnayan sa mga unang reklamo laban kay Commissioner Siegfred Mison sa Tanggapan ng Ombudsman gaya ng kasong graft and corruption na may kinalaman sa kanyang mga paglabag sa mandato ng ahensiya at karapatan ng mga em-pleyado. Kabilang sa kinukuwestiyon kay Mison ang kanyang nakaraang biyahe …

Read More »

Abaya bakit ‘di kasama sa kinasuhan sa MRT deal? (Tanong ni Sen. Grace Poe)

KINUWESTIYON ni Senador Grace Poe ang hindi pagkakasama ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya sa mga pinakakasuhan ng Ombudsman kaugnay ng anomalya sa Metro Rail Transit (MRT). Nahaharap sina dating general manager Al Vitangcol III at limang iba pa dahil sa pinasok na maintenance contract ng MRT-3. Iginiit ng Ombudsman, ginamit ni Vitangcol ang kanyang posisyon para maipagkaloob ang kontrata …

Read More »

Furniture shop owner itinumba habang nagkakape

PATAY ang isang may-ari ng furniture shop sa Brgy. Barangobong, sa bayan ng Tayug sa Pangasinan makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagkakape nitong Biyernes. Ayon sa ulat, nilapitan ng isa sa dalawang suspek ang biktimang si Noili Sebastian, 43, at binaril nang malapitan bago tumakas lulan ng motorsiklo. Anim na basyong bala ng hinihinalang cal. 45 pistol ang narekober ng …

Read More »

Babala ng Palasyo: Mag-ingat sa pekeng bigas

HINIMOK ng Malacañang ang publiko na maging maingat sa pagbili ng bigas at tangkilikin lamang ang mga tindahan na awtorisado ng National Food Authority (NFA) para hindi mabiktima ng pekeng bigas. “Nananawagan po tayo sa mga mamamayan na maging maingat at bumili lamang ng bigas mula sa mga accredited at reliable na nagbebenta nito, ‘yun po talagang authorized rice dealers …

Read More »