Saturday , January 11 2025

News

NAGKILOS-PROTESTA ang militanteng grupong College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa harap ng Department of Justice (DoJ) sa Padre Faura, Ermita, Maynila upang manawagan sa bagong halal na Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang lahat ng mga bilanggong politikal na nakulong sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. ( BONG SON )

Read More »

ARESTADO sa follow-up operation ng mga operatiba ng QCPD-CIDU ang UV Express driver na si Wilfredo Lorenzo, suspek sa panggagahasa sa dalawang babae sa loob ng ipinapasada niyang van. Modus operandi ng suspek ang bumiyahe sa colorum na SUV at naghahanap ng mabibiktima sa Quezon City. Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang kasabwat niyang suspek na si alyas Buddy. ( …

Read More »

DISBENTAHA sa  mga estudyante ang pagpapatupad ng K-12 ng Department of Education (DepEd), ayon kay Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na sinabi niya sa regular na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila. Kasama niya bilang panelist sa talakayan sina education assistant secretary Jessie Mateo at Preciosa Soliven ng Operation Brotherhood Montessori. ( BONG SON )

Read More »

NANINDIGAN si Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na hangga’t hindi nakapapanumpa si Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi maituturing na opisyal ang kanyang mga pahayag. Kaugnay nito, kaya pansamantalang idineklara ng Senador ang ‘ceasefire’ habang binabantayan ang mga susunod na hakbang ng mauupong Pangulo. Idineklara ito ni Trillanes nang dumalo sa nangungunang media forum na KAPIHAN sa Manila Bay …

Read More »

Ceasefire muna (Trillanes kay Digong)

SA kabila ng negatibong pahayag ni Incoming President Rodrigo Roa Duterte laban kay Senator Antonio Trillanes IV, hindi natitinag ang mambabatas  sa napipintong pag-upo ng dating alkalde ng Davao dahil wala umano siyang kinatatakutan at kailan ma’y hindi siya nasangkot sa ano mang anomalya. Sinabi ito ni Trillanes sa regular na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, …

Read More »

Dropout rates mas marami sa K-12 Program

MULING binatikos ni Senador Antonio Trillanes IV ang Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng programang Enhanced Kindergarten to Grade 12 (K-12), dahil ngayong pasukan, kitang-kita na ang kakulangan ng kagawaran sa pagpapatupad ng programa. Dati nang nagbabala si Trillanes na lalong lalala ang drop-out rates at tataas ang gastos sa edukasyon sa bansa sa ilalim ng programa dahil hindi …

Read More »

Cebu Pac parking bay pinalawak

OPISYAL na pinalawak ng itinuturing ngayong leading carrier sa bansa na Cebu Pacific, ang kanilang aircraft parking bay sa pamamagitan ng groundbreaking sa 2.5-hectare area sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) South General Aviation Area, dating Flight Operations Briefing Station, kahapon. Kapag nakompleto na ang groundwork, maaaring ma-accomodate ng parking bay ang tinatayang apat na Airbus A320-family aircraft, makatutulong sa …

Read More »

Security aide ng Masbate gov itinumba

NAGA CITY – Patay ang security aide ng gobernador ng Masbate makaraan barilin nang hindi nakilalang mga suspek sa bayan ng Uson, Masbate kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Roger Gelotin Sr., 44, security agent ng Office of the Governor ng nasabing lalawigan. Nangyari ang pamamaril sa bulubunduking parte ng Brgy. Libertad sa nasabing bayan, walong kilometro lamang ang layo mula …

Read More »

Snatcher kritikal sa kuyog sa Kyusi

KRITIKAL ang kalagayan ng isang lalaking nanghablot ng cellphone makaraan kuyugin ng mga residente sa Batasan Hills, Quezon City, nitong Miyerkoles nang umaga. Kinilala ang suspek na si Alvin Fugun, 25, isinugod sa East Avenue Medical Center, nananatiling malu         bha ang kalagayan dahil sa malaking sugat sa ulo. Ayon sa biktimang si “Raine,” isang call center …

Read More »

15-anyos kaanak ni Digong utas sa saksak

PATAY ang isang 15-anyos binatilyo na sinasabing kamag-anak ni Incoming President Rodrigo Duterte sa Davao City. Sumuko sa mga awtoridad ang mga suspek sa takot nang mabatid na isang Duterte ang kanilang napatay. Kinilala ang biktima na si Daniel Duterte, residente sa Purok Interior Kilometer 5, Buhangin sa nabanggit na lungsod. Ayon sa tiyahin ng biktima, wala silang alam na …

Read More »

Drug test kinasahan ng solons

SANG-AYON ang ilang mambabatas sa mungkahi ni incoming House Speaker Pantaleon Alvarez na sumailalim sa sila sa drug test kung kinakailangan. Walong kongresista ang nagsabing handa silang magpa-drug test kabilang sina Negros Occidental Rep. Albee Benitez, Isabela Rep. Rodito Albano, Cavite Rep. Alex Advincula, Cebu Rep. Bebot Abellanosa, Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Davao Rep. Karlo Nograles, CIBAC Rep. Sherwin Tugna …

Read More »

Tulak todas sa 4 maskarado

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraan pagbabarilin ng apat lalaking nakamaskara sa Muntinlupa City nitong Martes ng hapon. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Marlon Oliva, alyas Marlon Tulak, 37, ng Mullet Compound, PNR Site, Brgy. Cupang, Muntinlupa City. Base sa inisyal na ulat na nakarating kay Muntinlupa City police chief, Senior Supt. Nicolas Salvador, dakong 1:45 …

Read More »

Death toll sa rabies domoble (Sa Bicol Region)

NAGA CITY – Domoble ang kaso ng pagkamatay sa rabies sa Bicol sa nakalipas na taon batay sa datos mula sa Department of Health (DOH). Napag-alaman, mula sa 14 kaso ng mga namatay dahil sa rabies noong taon 2014, tumaas ito sa 24 kaso noong taon 2015. Nangunguna rin ang lalawigan ng Camarines Sur sa may pinakamataas na kaso ng …

Read More »

2 dayuhan, 5 Pinoy bihag ng ASG sa Sulu — AFP

ZAMBOANGA CITY – Puspusan ang pagsusumikap ng militar para mabawi nang buhay sa lalong madaling panahon ang dalawa pang banyaga at limang Filipino na bihag pa rin ng bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu. Ayon kay Major Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom), ginagawa nila ang lahat para maisalba ang mga biktima at hindi mauwi muli sa …

Read More »

Serial rapist na UV express driver arestado

INARESTO ng mga awtoridad ang driver ng colorum na UV Express shuttle, suspek sa panggagahasa sa dalawang babae sa loob ng kanyang van sa Quezon City nitong nakaraang Linggo . Ang mga biktima, edad 22 at 27 anyos, ay sumakay sa van sa kanto ng Quezon Avenue at EDSA, Biyernes ng gabi. Nagdeklara ang driver at kanyang kasabwat ng holdap …

Read More »

Tserman, 1 pa tigok (Sasakyan sumalpok sa puno)

DAGUPAN CITY – Patay ang punong barangay ng Malibago, Echage, Isabela, at isa pa, nang sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang puno sa Pangasinan, kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay ang mga biktimang sina punong barangay Aureliano Baracao at Kenneth Justin Mariano, kapwa residente sa Isabela, makaraan bumangga sa puno ng mangga ang kanilang sasakyan sa kurbadong bahagi ng Brgy. …

Read More »

P.2-M shabu nakompiska sa CamSur

NAGA CITY – Aabot sa P200,000 ang halaga ng ilegal na droga na nakompiska ng mga awtoridad sa hinihinalang dalawang tulak sa droga sa Pili, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Jelal de Matinda at Michael Tucalo. Ayon kay Chief Insp. Chito Oyardo, hepe ng PNP-Pili, nadakip ang mga suspek sa matagumpay na buy-bust operation sa nasabing …

Read More »

Drug lords hinamon ng duelo ni Gen. Bato (Patong sa ulo nina Digong, Gen. Bato itinaas sa P1-B)

HINAMON ng duwelo ni incoming PNP chief, Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang drug lords na naglaan daw ng P1 billion bounty para ipapatay silang dalawa ni President-elect Rodrigo Duterte. Ayon kay Dela Rosa, kapag siya ang nanalo sa naturang duwelo, dapat ibigay sa kanya ang P1 bilyon. Ngunit aniya, hindi niya ito ibubulsa dahil ngayon pa lang ay …

Read More »

Hahabulin kayo kahit saan man (Banta ni Trudeau vs ASG)

OTTAWA – Nagluluksa ang Canada sa pagpugot ng Abu Sayyaf sa Canadian hostage na si Robert Hall. Kasabay nang pagkodena sa karumal-dumal na krimen, iniutos ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang paglagay sa half-mast ng bandila ng Canada. Ayon kay Trudeau, nagkausap na sila ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na nagpaabot nang pakikiramay sa Canada sa pagkamatay ni …

Read More »

SAF itatalaga sa Bilibid vs drug lords

PANSAMANTALANG magtatalaga ng mga tauhan ang Special Action Force (SAF) sa New Bilibid Prisons (NBP) bilang kapalit ng jail guards sa layuning masugpo ang drug rings sa loob nito, pahayag ng incoming justice chief. Sinabi ni Incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kahapon, nanatiling talamak ang iregulairdad katulad ng gun running at illegal drug trade sa loob ng NBP dahil …

Read More »

Pulong ng drug lords sa Bilibid itinanggi ni Olaguer

MARIING itinanggi ng isang mataas na opisyal ng New Bilibid Prisons (NBP) na may nagaganap na pagpupulong ang mga drug lord sa loob ng bilangguan para iplano ang asasinasyon kina incoming President Rodrigo Duterte at incoming Philippine National Police (PNP) chief, C/Supt. Ronald Dela Rosa. Sinabi ni Monsignor Bobby Olaguer, NBP spokesperson, sa kanyang text message noong Huwebes ng gabi, …

Read More »

Bus operators agrabyado sa Batangas City Grand Terminal

INIREKLAMO ng provincial bus operators ang hindi makatarungang singil ng Batangas City Grand Terminal sa ilalim ng City of Batangas and Batangas Ventures Properties and Management Corporation. Pangunahing inirereklamo ng provincial bus operators, ang anila’y singil na P95 bawat entry ng bus sa nasabing terminal. Ayon sa grupo ng mga operator, humiling sila ng audience sa Batangas City Council para …

Read More »

Nigerian tiklo sa shabu

SWAK sa kulungan ang isang Nigerian businessman makaraan mahulihan ng mga awtoridad ng hindi nabatid na halaga ng shabu sa anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Didicus Ohaeri, 34, ng #773 Km. 17 Alabang, Zapote Road, Las Piñas City, nakompiskahan ng apat sachet ng shabu. Ayon kay  District Anti-Illegal …

Read More »

P.1-M ecstacy nasabat sa QC

UMAABOT sa P100,000 halaga ng party drug na “ecstacy” ang nakompiska ng pulisya sa buy-bust operation sa Quezon City, nitong Martes ng madaling-araw. Nakuha ang 65 tableta ng droga mula sa hinihinalang drug pusher na sina Lilia Ong, 65, at Neil Songco, 47-anyos. Hinihinalang gawain ng mga suspek ang magsuplay ng droga sa mga gimikan sa lungsod. Tinatawag na “twin …

Read More »

P195-M shabu kompiskado, 2 Taiwanese arestado

ARESTADO ang dalawang Taiwanese national sa ikinasang anti-drug operation nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Parañaque City kahapon. Kinilala ang mga naarestong Taiwanese na sina Chen Sheng-Ming, 33, at Hwang Zhong-Kee, 25. Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng intelligence report kaugnay sa ilegal na gawain ng dalawa na sinasabing pawang …

Read More »